Miserable Anniversary

75 4 3
                                    


Author's Note:

Na-miss nyo ba ko?Kung na-miss nyo ko, mas na-miss ko kayooo, kung meron mang nagbabasa neto, pagpalain kayo ng diyos..Sa yong nagbabasa neto, I Love You😘❤️..Mwuahhh😍😊

Sinulat ko to para sa Anniversary nila, natin. Sorry kung sobrang malungkot tong Anniversary na to. matagal na sana toh dapat eh. nabulok na nga sa drafts ko hehe.💔

Enjoy reading💙

Please follow me on my Official Accounts:
Twitter: @dian_luaresVJ28
IG: @dian_luaresvj28
WeSing: Diana Elpedes Luares
Tiktok: dian_luaresvj28
Facebook: Diana Elpedes Luares
FB Official Fan Page: Unofficial:Vice Ganda
FB Official Page: Author Studius_Gurl
FB Official Fan Group: Official JackieNatics
_____________________________________________
_______________________

"Annyeonghaseyo Love. Kumusta ka na? Masaya ka ba dyan? Sorry kung matagal akong di makakasunod diyan. Sorry kung matatagalan, marami pa kasi kong maiiwan dito para makasama ka. Sorry kung ngayon na lang ako nakapagbisita ulit. Teka lang ahh, kukunin ko lang yung mga pagkain na paboritong paborito mo. Ako ang nagluto niyon at sana magustuhan mo." nakangiti kong saad saka tumayo at kinuha ang mga dinala kong pagkain para sa kanya.

Pagkakuha ko nang lahat, maging ang mga prutas, inilapag ko na ito sa munting mesa sa tapat ng puntod ni Vice.

Yes, wala na siya.

Maaga siyang nawala.

Maagang nawala ang mapapangasawa ko sana.

'Hysst! Jaki, tama na drama mo!'

Iniling-iling ko ang ulo ko saka lumapit sa tapat ng puntod niya.

"Happy 6th Anniversary Love. Miss na miss na kita, bakit kasi ang aga mong nawala? Ang daya daya mo talaga!" emosyonal kong saad habang nangangatal na ang mga labi dahil sa pagpipigil sa iyak.

Ayokong maging emosyonal. Sa halos lahat na bilang ng pagpunta ko dito, walang araw na hindi ako umiyak. Kaya ngayon, I'd try to don't be emotional in our Anniversary.

Pinipilit kong iwasan ang alaala ng nakaraan. Ang miserableng Anniversary namin anim na taon na ang nakalilipas. Ayokong maalala, ayokong alalahanin. Dahil sa twing naaalala ko ito, bigla na lamang akong naiiyak.

"Nagdala ko ng Adobong Atay, ang paboritong-paborito mo, pati nang sinangag na kanin, don't worry dahil madami ang nilagay kong onions and garlic diyan, paborito mo. Haha"

Pinipilit kong tumawa, pinipilit kong magpatawa kahit alam kong walang makaka-appreciate. Ayoko lang talagang maging emosyonal ngayon.

"Halika, kain na tayo." yaya ko sa kanya.

"Alam mo ba, Love. Naging champion ako sa Best Dancer of the World na competition na ginanap pa lang ngayong buwan sa Hollywood. Sayang nga di mo napanood, pero alam kong masaya ka, dahil pangarap ko yun, natin. Masayang-masaya ko nun, na sa wakas napatunayan ko rin sa buong mundo ang talento ko sa pagsasayaw. Na kahit ilang beses akong hindi tinanggap sa trabaho, nakamit ko pa rin yun. Salamat sa pagtitiwala sakin, sa pagtitiwala sa kakayahan ko at sa pagmamahal mo ng buong-buo." nagsisimula nang tumulo ang luha ko. Nagiging emosyonal na naman ako.

ViceJack One-Shot CompilationWhere stories live. Discover now