Part 30

20.8K 581 37
                                    


Totoo na ibinigay ng foster father ni Maki ang lahat ng kailangan niya. He enrolled him in a good school. Binilhan ng mga bagong damit at gadgets. Binibigyan ng malaking allowance. Pero bukod sa mga materyal na bagay, wala na itong ibinigay pa sa kaniya. Mabait lang si Joey Angeles sa kaniya kapag nakikita ng asawa nito. Pero kahit isang beses hindi ito umaktong ama sa kaniya. Ganoon din si Shannon Angeles na umpisa pa lang ay hayagan nang sinasabi sa ama na hindi ito sangayon sa pagdating niya sa bahay na iyon. Shannon treated him like one of the house helps in their mansion. Kaya madalas, nagkukulong lang siya sa kuwarto niya, hindi lumalabas maliban na lang kapag papasok sa eskuwela o kapag gusto siyang makasama ng foster mother niya.

Tama si Joey Angeles na malaki ang naitulong ni Maki sa pagbabalik ng sigla at kalusugan ng asawa nito. Hindi na ito katulad ng dati na palagi lang nakahiga at umiiyak. Punong abala na ito sa mansiyon at palaging nasa kusina, nagluluto at nag be-bake ng kung anu-ano. Pero mas nakakasakal ang kabaitan nito kaysa sa indifference ng ibang tao sa pamilya na iyon. Kasi sa tuwing nakatingin ito sa kaniya, hindi si Maki Frias ang nakikita nito kung hindi ang anak na namatay. So everyday inside that house was suffocating for him.

But everything became worst when he entered third year high school. Over the summer, he grew tall. At dahil naging habit niya ang pagtakbo sa umaga at hapon, ang patpatin niyang katawan ay naging lean at toned. Kahit siya nagulat nang isang araw, pagtingin niya sa salamin ay hindi na batang lalaki ang nakita niya. His physical appearance matured into a young man. Kaso hindi lang siya o si Debbie ang nakapansin sa naging pagbabago niya.

Kahit si Shannon na sa loob ng dalawang taon ay umaktong hindi siya nag-e-exist, napapatingin na sa kaniya. Pa-third year college na ang babae nang mga panahong iyon at madalas na mainit ang ulo kasi stressed sa thesis at OJT. Nag-iisang anak na lang ito at mataas ang expectation ng ama. Bukod sa kahit ito apektado sa mental health ng ina. Malamang kahit ito nasu-suffocate sa loob ng mansiyon na iyon katulad niya.

Isang gabi na umuwi si Maki galing sa pagtakbo, naabutan niya si Shannon sa loob ng kuwarto niya. Nakaupo ito sa gilid ng kama, suot ang manipis na pantulog at may kakaibang kislap ng desperasyon at galit sa mga mata. Kinabahan siya at napako sa kinatatayuan sa tabi ng pinto.

"Isara mo ang pinto," utos nito.

Nagdalawang isip siya. Naningkit ang mga mata nito at inulit ang utos, mas malamig at marahas. Kaya isinara niya ang pinto at humakbang palapit kay Shannon. Pag-angat pa lang ng mga kamay nito pahaplos sa mga braso niya, alam na niya kung ano ang kailangan nito sa kaniya.

"I'm so stressed, Maki. I'm at my wit's end. Lahat ng materyal na bagay na ibinibigay sa'yo ni papa ng walang kapalit at lahat ng pagmamahal at pag-aalaga ni mama sa'yo dahil lang akala niya ikaw ang bunso niya, lahat ng 'yan kailangan ko paghirapan para makuha. Ang lahat ng mayroon ka ngayon sa akin lang dapat. Nakakadagdag ka sa stress ko, alam mo ba? So you should do something about this. I need to have an outlet or I will go crazy like my mother."

Nakita niya sa mga mata ni Shannon na totoong malapit na itong bumigay. Hindi nito kaya ang pinagsamang pressure ng school at pamilya. She's a cruel and violent person but he just cannot let her sink into the darkness. Kaya sa gabing iyon, hinayaan niya itong gamitin ang katawan niya sa paraang gusto nito. Na-relax ito pagkatapos pero siya hindi. Instead, he felt guilty and dirty. Dahil alam niya na hindi tama ang ginawa nila. Na hindi na iyon dapat maulit pa.

Pero nagpatuloy ang mga gabing pumapasok sa kuwarto niya si Shannon. At palagi hindi magawang tumanggi ni Maki. Sa bawat gabi na may nangyayari sa kanila, pabigat ng pabigat ang pakiramdam niya. Sa bawat sandali na nailalabas nito ang stress sa pamamagitan ng pagtatalik, lalo naman siyang nasasakal at nahihirapan huminga kapag nasa loob siya ng pamamahay ng mga Angeles.

Worst, habang lumalaki siya, palayo ng palayo ang hitsura niya sa batang Maki na natatandaan ni Debbie. May mga araw na nagugulat ito kapag nakikita siya at tinatanong kung sino siya. Pagkatapos bigla itong iiyak o kaya magwawala. Napadalas ang pagpunta ng mag-asawa sa ospital at alam niya na palapit na ang pagdating ng sandaling hindi na siya kakailanganin ng mga Angeles. Na doktor at matinding medical treatment na ang kakailanganin ni Debbie, hindi na ang replacement ng namatay nitong anak.

Lahat ng mga nangyayari ay kinimkim lang ni Maki kasi wala naman siyang puwede sabihan. Sa mata kasi ng ibang mga tao, isang perpektong pamilya ang mga Angeles. Mahigpit na utos ng foster father niya na hindi niya puwedeng dungisan ang reputasyon ng pamilya. Kaya lahat ng frustrations niya, naipon sa dibdib niya. Then it turned into suppressed anger boiling in the pit of his stomach, aching to be free. Kaya naging bayolente siya sa school. Kaya sumama siya sa fraternity kahit fourth year high school pa lang. Kaya hinanap-hanap niya ang gulo at rambulan. Kaya dumating sa point na hindi na niya pinapagamit ang katawan kay Shannon. Na siya na ang gumagamit sa katawan nito.

Natigil lang iyon nang maka-graduate ng College si Shannon at magdesisyong maging independent. She moved out of the house and lived in a condo unit near her workplace. It was embarrassing to admit to anyone else, but even though they used each other he was glad when she left. Nabawasan ang bigat ng pakiramdam niya. Iyon nga lang, dahil madalas naka-confine sa ospital ang foster mother niya at nasa trabaho naman ang foster father niya, naiiwan si Maki na mag-isa sa mansiyon kasama ang mga kasambahay. Hindi siya komportable kasi pakiramdam niya intruder lang siya roon.

Kaya napadalas siya manatili sa labas, tumambay sa campus hanggang alas diyes ng gabi para pag-uwi niya matutulog na lang siya. Everyday he feels emptier and emptier. Nagpapadala na lang siya sa agos ng oras. Palaging galit, ayaw makisalamuha sa iba at naghihintay ng gulo. Kasi sa rambulan na lang siya nakakaramdam na buhay pa siya.

Unti-unti lang nagbago ang lahat para kay Maki nang magkita uli sila ni Allen sa university pagkatapos ng maraming taon. Sinubukan man niya dumistansiya, hindi rin niya kinaya. Simula nang makita niya ito uli, parang unti-unting lumuwag ang kung anong nakasakal sa kaniya. Unti-unti siyang nakahinga ng maayos. For the first time after so many years, he feels so alive again. Naramdaman niya uli maging masaya. Nagawa na rin niya uli maging kampante at relaxed. Sa bawat araw na nakakasama niya ang dalaga, nagkakaroon ng direksiyon ang buhay niya. It was as if a pathway is forming infront of him. Hindi katulad noon na kahit saan siya lumingon puro kadiliman lang ang nakikita niya. Ngayon nakakabuo na siya ng plano para sa hinaharap. Abot kamay na niya ang kaligayahan at kalayaan. Pero akala lang pala niya.

Kasi biglang nagpatawag ng 'family' meeting si Joey Angeles kaya bumalik sa mansiyon si Shannon. His wife is getting worse. Nagdesisyon ang mga doktor na i-admit na ito sa psychiatric ward. Kung hanggang kailan ay walang nakakaalam. Pero dahil nangako ang foster father niya sa kaniya noong unang tapak niya pa lang sa mansiyon na ibibigay nito ang lahat sa kaniya basta pumayag lang siyang maging stand-in ng namatay nitong anak, mananatili raw siya sa pamilya Angeles hanggang makagraduate siya ng College. Iyon din daw kasi ang ipinangako nito sa bahay ampunan at ayaw raw nitong masira ang pangalan nito kung hindi ito tutupad sa pangako.

Pero imbes na matuwa at makahinga ng maluwag si Maki sa sinabi ng foster father niya ay natensiyon pa siya. Kasi nang magtama ang mga paningin nila ni Shannon nakita niyang hindi ito papayag na manatili siya sa pangangalaga ng pamilya Angeles ng walang kapalit. Nakumpirma niya ang hinala niya nang pagkaalis ng matandang lalaki para bumalik sa ospital ay manguna pa ang babae papasok sa kuwarto niya. Sa unang pagkakataon, hindi niya pinagbigyan ang babae. Nagalit ito, nanumbat at kung anu-ano pa. Pero nagmatigas siya at patuloy pa ring nagmamatigas. Kasi hindi na niya uli gagawin ang ginagawa nila noon. Because the next time he does it, he wants it to be with a girl he really likes.

Bachelor's Pad series book 13: THE MYSTERIOUS HEIRWhere stories live. Discover now