- Pagpikit At Pagmulat-

6 0 0
                                    

Sophie's POV

"Ang gara naman ni maam, dapat wala tayong gagawin ngayon eh!" reklamo ng isa kong kaklase.
"Hayaan mo na, chill  tayo nung nakaraan eh. Nung tapos na 1st grading ." hirit namin ng isa ko pang kaklase, tumawa lang ako ng mahina at tumingin sa iba kong kaklase.

Kasalukuyang wala si maam sa room pero may iniwan para ipasulat sa amin.

Pero dahil sa katamaran kinunan ng mga kaklase ko ang nasabing libro para sa bahay na gawin. Oo may cellphone kaming dala pero inilalabas lang namin kapag walang teacher.

"Ayieee! Ang sweet nyo naman masyado, Eden."
"Shh! Manuel, akin na yan."

Napatingin naman ako sa tabi ko, andun nanaman sila Eden, Manuel pati na rin si Carie. Naglalambingan ang dalawa habang si Carie nagmukhang third wheel, awts.

"Masarap ba maging third wheel, Carie?" tanong ko, ngumiti lang ito at tumawa
"Oo! Nalilibre ako eh." maligalig nitong sagot

"Ay nays, habol lang libre?" biglang tanong ni Manuel naglalaro kasi ito ng Legends of Mobile which is nilalaro ko pero minsan lang.

"Teka, nandyan ba si Sir R?" tanong ni Eden sa akin,

"Wala daw sabi nila Jenny eh." sagot ko

"Wala, sinamahan si Rielle sa contest eh." bigla sama ni Raven sa usapan.

"Nice. Dalawang oras free time, bet ko yun!" sigaw ni Carie

"Bet ka ba?" hirit ni Eden

"Hayp ka, manahimik ka nga dyan." ganti namin ni Carie sabay hampas, tumawa lang ako at bumalik sa aking upuan, oo lumipat lang kasi wala akong magawa.

Pagbalik ko sa upuan ko yumuko ako para matulog, dalawang oras rin pahinga yun kaya pagpikit ko kadiliman ang humarap sa akin.

Pero nung tinangka kong buksan ito, sumalubong sa akin ang mga sirang building at mala war zone na school namin. Tumingin ako sa paligid at nakita ko ang mga kaklase ko na para bang lumalaban.

Pero ako'y malayo-layo.

May biglang lumabas na maitim na aso na may pulang mata at tinangka akong kagatin kinuha ko ang isang espada sa paa ko at ginamit bilang pang protekta sa akin pero laking gulat ko dahil damplis palang nito sa aso as nasunog agad ito.

"Teka, anong nangyayari? Panaginip lang toh diba?" sabi ko sa sarili ko

"Sophie! Ano ba yang ginagawa mo?! Gusto mo na bang mamatay ha?" tumingin ako sa kaliwa at nakita ko si Joshua, may sugat ito sa mukha at may hawak rin na espada pero ito'y manipis lang at ang blade nito'y kakulay ng alab.

"Tandaan mo pinili ka ng espada na yan para iligtas tayo mula sa mundong ito! Kaya wag na wag kang mamamatay!" sigaw nito at pinagpatuloy ang paglalaban.

Kumurap ako, pero pagkurap ko ay nasa room ulit ako, normal at nagtatawanan ang mga kaklase ko.

Huminga ako ng malalim.

Masyadong makatotohanan iyon para maging isang panaginip lang, tsaka masyado kong ramdam yung init nung apoy nung dumampi ang espada sa asong itim.

"Uy, Sophie, namumutla ka, ayos ka lang?" tanong sa akin ni Drew na katabi ko

"Ah, oo ayos lang ako." sagot ko at ngumiti. Mukhang naniwala si Drew at umalis.

Tumingin tuloy ako sa may bintana ng room at tinignan ang mga building sa kalayuan.

"Ano ba kaya iyon? Panaginip o pangyayari na magaganap sa hinaharap?"

Time, War, Zone  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon