-Lagusan Sa Pagbabago-

7 0 0
                                    

Sophie POV

"So why do you build me up,
Buttercup baby just to let me down
And mess me around~."

Pagsabay ko sa kanta. Kasalukuyan kaming may free time at tumutugtog ng gitara ang mga lalaki habang sila Aya naman ay tinutugtog ang kanyang ukelele.

"Sure ba sila na hindi tayo gagawa ng banda?" bulong sa akin ni Rachel. Si Rachel ay isa sa mga malapit kong kaibigan, maganda ito ay may mahabang buhok. Siya rin ay isa sa mga magagaling kumunta sa room.

"Oo yata kulang tayo ng drummer." sambit naman ni Angel na katabi ko lang rin, si Angel ay isa sa pinakapayat sa classroom namin, mayroon itong medyo kulot na buhok na nakipit sa isang bun.

"Si Mindzey! Nagdadrums daw yun!" pabiro kong sabi ang tinutukoy ko ay isa ko rin na kaklase, may mahabang buhok rin ito at matangkad. Sa unang tingin pero may kaharutan rin itong taglay.

"Hala, nadamay ako dyan?" tanong naman ni Mindzey.

"Wala ang ganda mo kasi." sabi naman ni Rj na ilang metro lang ang layo sa amin. Si Rj naman ay medyo maputi, matangkad, makapal ang buhok at may kapogiang taglay pero nagrereklamo kasi maraming pimples.

"Bulalo! Bulalo!" pang-aasar namin ni Joshua, kung Rj maputi si Joshua naman ay medyo maitim at kapag tumawa kala mo nakapikit, mayroon rin itong makapal na buhok pero hindi kasing kapal nung kay Rj.

"Ibalik ang nakaraan!" dagdag nito at tumawa
"Oy, idilat mo yang mata mo." biro ko at tumawa nalang kami.

"Sophie! Pinapatawag ka nila Mam Lhea!" pagtawag sa akin ni Jennifer, explain ko lang ng mabilis may dalawang Jennifer dito sa room ang pinagkaiba lang ay maikli ang buhok at payat si Jen habang si Jennifer ay mayroong suot na salamin at may mahabang buhok. Ang pinagkaiba din nila ay ang kanilang apelyado, Marcus at Savado.

"Eh? Ako lang?" tanong ko sabay turo sa sarili ko.
"Hindi may kasama rin ako eh pati sila Rj, John at Nalyn." sabi nito kaya nagtinginan kami ni Rj.

Si John naman ay agad sumunod, si John ay maputi, payat at maikli ang buhok medyo may kalakihan rin ang dalawang front teeth nya kaya minsan ay tinutukso namin sya na kuneho.

Si Nalyn naman ay kinalabit ako at tumayo kami pareho, si Nalyn ay may mahaba ring buhok pero may pagkabrown ito at payat na matangkad ito.

Tahimik kaming bumaba sa second floor dahil nasa fourth floor kami. Mayroong mga dumadaan na ibang estudyante at nabubunggo kami which is nakasanayan na namin at hindi pinansin. Naunang nakababa si John at Rj na sinundan namin

"Saan ba? Faculty o library?" tanong ni John
"Gitna daw ng faculty at ng library daw eh." sagot ni Jennifer
"Gitna ng ano?" nagtatakang tanong ni Nalyn kasi ang pagitan lang nun ay isang medyo malapad na poste.
"Jennifer baka biniburo mo lang kami ha." sabi ni Rj at napaikot lang ng mata si Jennifer.

Pasimple kong kinapa ang poste, walang dumadaan na mga estudyante kaya hindi ako nagmumukhang tanga well sa mga kasama ko oo.

"Ginagawa mo dyan?" tanong ni Rj
"Wala, malay nyo may secret entrance diba?" pabiro kong tanong at tumingin sa kanila pero nagulat ako ng may nadiinan akong parte sa bandang kanan at may nadinig akong tunog ng pagbukas kaya mabilis kong inihiwalay ang kamay ko.

Nagulat kami ng may bumukas na pinto. Dumungaw ako sa loob
" Taray ni Sophie nahulaan." sabi ni Nalyn hinampas ko lang ito ng mahina sa balikat
"Ang dilim gagi, dala nyo cp nyo?" sabi ni John, totoo ang dilim ng loob kahit maaraw sa labas.

"Oo, tara flashlight nalang tayo." dagdag ni Rj kaya nilabas namin ang mga cellphone o cp namin, naunang pumasok si John sumunod ako tapos si Jen, si Nalyn at huli nang pumasok si Rj.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 19, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Time, War, Zone  Where stories live. Discover now