No Goodbyes (Short Story)

215 5 5
                                    

---

maganda, mabait, magalang, masunurin, medyo mataba, boyish, matalino, hindi katangkaran, laging nakangiti, joker, moody , in one word she is “UNIQUE” .

malayo pa lang ramdam na namin ang presensya niya, pano ba naman mahilig kumanta un sa daan walang pakielam sa mga taong nasa paligid niya basta makakanta lang.

pumasok na siya ng room,

“GOOD MORNING! ^___^”

Para siyang angel kung titignan, kaya naman ang buong klase ay laging natatahimik sa tuwing nagsasalita siya.

Hindi pa sapat ang paggugood morning niya, iisa isahin niya pa lahat ng tao sa loob ng room.

Nauna sakin

“good morning Kent ^_^ kamusta araw mo?”

Gusto ko sanang sabihin sa kanya na – “MAGANDA NAMAN! ^_^ KASING GANDA MO”

Pero hindi sadyang torpe ako,

“ayos lang…”

Ngumiti at humarap sa iba, para batiin.

Kakaiba siya sa lahat ng babaeng nakilala ko, kasi kahit may girlfriend na mga katropa ko, attractive pa rin sa kanya. Pati rin ako, oo hindi ka nagkakamali may girlfriend  DIN ako.

Kaya sa tuwing lumilingon siya akala naman ng mga girls, nagpapacute.

Eh anong magagawa nila , eh sadyang cute lang talaga siya.

“grabe pare! Ang ganda niya talaga.” Oo hindi lang sa labas pati sa loob, she cares a lot.

Kaya swerte ang magiging bf niya.

NBSB siya, sabi niya eh.

Syempre totoo yun. May angel bang sinungaling?

Tumagal ang pagkakaibigan naming ng 6 months and I treat her as my youngest sister sa klase. Ganun din ang mga kabarkada ko. Tapos na ang 1st sem kaya sembreak muna.

Kaming mga lalaki, hindi namin magawang bastusin siya, kahit gano pa siya ka attractive.

Nagagalit din ang anghel, pero imbis na tumahimik kami sa tuwing nagagalit siya ay mas lalo pa kaming natutuwa, bakit??, kasi ang cute niya. Seryosong CUTE.

Naaalala ko pa ang mga magagandang nagawa niya sa buong klase.

Punung puno siya ng WISDOM. “counseling” nga tawag naming ng mga boys sa ginagawa niya. Kaya laging napag-uusapan tong angel na to, kasi sobrang kakaiba niya.

Yung feeling na, makatabi mo lang siya para kanang nasa heaven.

She is the kind of girl who is always smiling and loves to laugh. If you are falling down, she will be right there to pick you up. She is the one that always says sorry, even if it’s not her fault. Even if she is feeling like the scum of the earth, she will never let you know. This is the girl who is afraid of love, because she has already lost so much.

Niyakap niya ako nung graduation “ ^____^”

Teary eyes pa siya. Nagulat ako ng time nay un kasi, un ang unang beses na niyakap niya ako .

At ganun din sa iba.

Sobrang napamahal siya saming lahat. Siya lang kasi ang tanging dahilan kung bakit naging maayos ang buhay namin. Counseling remember? Nagawa niya yun sa aming lahat.

Ang mga girls, kung magyakapan wagas.

Iyak ditto iyak doon.

Haayyy..

3 years after the graduation

Napapangiti pa rin ako sa tuwing naaalala ko siya.

Ang nag iisang angel ng buhay ko.

Matagal na akong single, hindi ako ung nakipagbreak pero tinanggap ko kung ung ex ko may gusto ng iba. Ung mga time na yon, sobrang iba ang feeling. Hindi ako nanghinayang. A day after the graduation kami nagbreak.

Nagt-trabaho na ako ngayon sa isang company bilang programmer. Ipinangako ko kasi sa kanya na kapag nagkita ulit kami dapat pareho na kaming programmer sa company.

Asan na kaya siya ngayon. Sigurado akong matutuwa na siya sa narrating ko ngayon.

Dahil sa nagtapos ako ng Information Technology,

Facebook muna ako :)

Hinanap ko kaagad ang name niya sa facebook.

Type

Azreal  Cruz

Click.

Nagulat ako sa nakita ko.,

Baka ibang Azreal Cruz ang napuntahan ko.. kaya nagtry ulit ako ng name.

Binuksan ko isa isa. Tinignan ko ang bawat pic. Kinakabahan ako,  At nakita ko ang katotohanan.

Tumulo bigla ang mga luha ko sa huling pagkakataon.

Bumalik ang mga ala-ala nang pinagsamahan namin.

Mahal kita, pero di mo lang alam. Mahal kita. Sa mga sandaling to, parang unti unting napupunit ang puso ko. At saka ko lang nalaman nung una ko palang siyang nakilala, minahal ko na agad siya.

“kent! I love you!” biruan pa namin dati.

Tinakpan ko ang mga mata ko.

Nag e-echo pa rin ang boses niya sa tenga ko.

Naririnig ko muli ang mga tawa niya.

Naiimagine ko muli ang magandang mukha ng angel ko.

“Pare!” may sumigaw sa likod ko na parang hingal na hingal at hindi rin makapaniwala. Isa sa mga tropa ko, lumuluha rin.

“I know.”

And then I realize,

Falling for someone is the most wonderful, yet the scariest feeling in the world.

Happy birthday my little angel.

Binaling ko ulit ang focus ko sa facebook.

Type

“Condolence”

=The end=

No Goodbyes (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon