A letter from Azreal

61 4 4
                                    

Dear Kent,

                Hello ! naaalala mo pa ba ako? Kasi ikaw kahit kailan hindi kita nakalimutan. Namimiss ko na nga pa lang pisilin yang pisngi mo, hindi kita titigilan hanggang hindi mamamaga. Namimiss ko na rin yung mga ngiti mo sa tuwing natitisod ako kung saan saan at kapag natatapunan ako ng mga toyo sa master siomai, haha ang tanga ko lang ng mga panahon nay un. Hindi mo pa pala ako nasasamahang mag fencing, fencing as in tusok tusok ng fishball , kikiam, hotdogs, calamares at iba pa. Namimiss ko ung mga time na pinapakita mo sakin ung picture ng girlfriend mo na napakaganda at cute kaya natotomboy ako. Naaalala ko pa nga ung unang pagkikita natin na tayong dalawa lang nagkasama, kung hindi pa kita makikita at namumukhaan na isa sa mga blockmates ko siguro hanggang ngayon hindi mo pa rin malalaman kung saan yung room natin. Ang dami kong tawa sa tuwing kasama kita, hindi lang ako Masaya dahil marami akong kaibigan, kasi alam mo, it takes only one person to complete my day at ikaw yun kuya. Alam mo namang kuya ang tawag ko sayo kasi you treat me only as your younger sister. Sabi natin sa isa’t isa na wala tayong ililihim pero sa simulat sapul, hindi ko magawang maging totoo sayo, dahil may isang bagay akong nilihim ng napakatagal na panahon. Yung mga time na natitisod ako, bumabagsak sa kung saan saang lugar, nahihilo .. buti sa mga panahon nay un kasama kita kaya ikaw ang taga salo sakin , un din ang mga panahon na lagi kong sinasabi na ‘ayos lang ako, ako pa! kayang kaya! Pati hindi ko lang nakita ung daan, Malabo na ata mata ko’    napakasinungaling ko that time, dahil ang mga pangyayaring yun ay mga signs na hindi na ako magtatagal. Unang yakap ko sayo noong graduation, sa dami rami ng katabi kong blockmates ikaw ang unang una kong niyakap, naiiyak pa nga ako eh baka kasi yung yakap kong yun sayo ay una’t huli na. May cancer ako kuya. Sa katunayan, ayokong tawagin kang ‘kuya’ kasi natutunan kitang mahalin. Since birth wala akong naging boyfriend dahil bata pa ako lagi akong nasa hospital, kaya kung magkakaboyfriend man ako, sana ikaw nay un pero parang malabo, malabo talaga kasi mag 4 years na kayo ng girlfriend mo at talagang nagmamahalan kayo tapos kapag sumingit pa ako, epal lang ang peg hahaha pero ayos lang kung naging tayo man nung college makikipagbreak din ako sayo agad agad dahil ayaw kitang masaktan kapag nalaman mong mawawala rin ako sa mundo. Buti nga at umabot pa ako ng ilang taon dahil sinabi ng doctor ko sakin nung 1st year college mga 5 years na lang ang itatagal ko pero mukang  thank God at buhay pa ako. Napag alaman ko na successful ka na ngayon sa work mo, nataob mo ako sa pangako natin na dapat kapag magkikita tayo ulit dapat pareho na tayong successful. Kahit ako ang nangunguna sa batch natin hanggang sa grumaduate tayo , hindi ko pa rin nagamit ang mga napag aralan ko dahil mga ilang araw lang pagkatapos ng graduation day ay naconfine ako sa hospital. Hanggang ngayon nasa hospital pa rin ako, naaawa ako sa parents ko dahil hindi ko man lang sila na tulungan at dumagdag pa sa gastusin ditto sa hospital. Dumating sa point na gusto ko ng magpakamatay pero hindi ko nagawa dahil umaasa pa rin ako na magkikita pa tayong muli. Patuloy pa rin akong lumalaban sa sakit kong to sakatunayan kalbo na nga ako ee , nakakahiya kapag magkikita tayo. Kuya! Mahal kita! Mahal na mahal! Sana hindi mo ako nakalimutan , miss na miss na kita! Miss na kitang makasama muli! Pinanghahawakan ko pa rin ung lagi mong sinasabi mo sakin na, “whatever happens today just relax and manage to smile =) you know, life is not a problem to be solved, but God’s gift to be enjoyed”. I hope na mareceive mo tong message ko in the right place and in the right time. Set a place for me in your heart and not in your mind. For the mind easily forgets but the heart always remembers.

I love you ! ^___^

                                                                                                                                Ang kababata mong kapatid,

                                                                                                                                Azreal

--

a/n:

well, ganyan talaga ang buhay =) pa vote naman po...

maganda ba ung story? ?

HAHA!

No Goodbyes (Short Story)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz