Kabanata 3

1.8K 78 15
                                    

Nang makarating na kami sa hotel room na para sa amin ay agad kong tinungo ang kama at humiga.

"Pagod na pagod lang te? Sino kaya sa ating dalawa ang nagdrive ng napakahaba?" masungit na sambit ni Paolo. Hindi ko lang siya pinansin at pinagpatuloy ang pagtingin sa kisame. "Usog ka nga don. Kailangan ko rin ng beauty rest." sabi niya at umusog naman ako.

Parehas kaming nakahiga sa kama at inenjoy ang tahimik na paligid. Rinig namin ang hampas ng tubig sa mga buhangin dito.

"Paano ka naging bakla?" tanong ko all of a sudden.

"Anong pano ako naging bading? Ganito na ako ever since, ateng. Nung six years old ako ay nahalata na agad nila mudra at pudra na kafederasyon mo nga ako. Alam kong nadisappoint ko si pudra pero alam kong proud parin siya sakin dahil kahit ganito ako ay hindi naman ako pariwarang anak." saad niya.

"Hindi ko talaga gets kung paano nagiging bakla at tomboy ang isang tao." sabi ko at dumapa para harapin siya.

"Well, yung iba gustong baguhin ang pagkatao nila kasi may masamang nangyari sa kanila, yung iba naman in born na." paliwanag niya at napabuntong hininga na lang ako.

"Alam mo sayang ka talaga." sabi ko at kumunot naman ang noo niya. "Kasi imbes na makakapagparami ka pa ng lahi hindi na. Sayang talaga." sabi ko at natawa naman siya sakin.

"Yang kahalayan ng utak mo ah. Pwede naman akong mag-adopt o kaya maghanap ng surrogate mother. Atlis hindi sayang ang lahi. Okay ka na ba dun?" saad niya at napairap na lang ako.

"Hindi ba pumasok sa isip mo na kahit isang beses gusto mong maramdaman maging lalaki?" tanong ko. Nagulat ako ng pitikin niya ang noo ko at napasapo naman ako dito. Sadistang bakla.

"Mga tanungan mo, Kiana. Lalaki naman ako ah. Puso ko lang hindi. Mali naman ang tanong mo eh dapat ang tinatanong mo ay kung anong mga iniisip ko kung babae man ako." sabi niya at humiga na lang ako ulit sa tabi niya.

"Makatulog na nga. Gisingin mo na lang ako kung aayusan mo na ako." sabi ko. Ayaw ko nang makipagtalakan pa sa kanya tungkol sa kasarian niya.

...

Ala singko ng hapon ng gisingin niya ako. 8 pa ng gabi ang kasal pero dahil atat tong baklang to at sinabi niyang magtatagal daw kami sa pagmamakeup niya sa akin ay sinunod ko na lang siya. Night beach wedding kasi ang gusto ni Hera. Ewan ko ba sa babaeng yun.

"Sandali matatapos na. Jusko, te. Kakaloka. Mahirap maperfect to ah." saad niya habang nilalagyan ako ng lipstick.

"Kasi pede namang isang lagay lang ng lipstick kung ano ano nilalagay mo." sabi ko at bumuntong hininga na lang siya sakin.

"O ayan babaita tapos na." sabi niya at dumilat na ako. Isa pa to sa ayaw kong gawin niya kasi pinapikit niya ako. Sabi niya magandang hindi ko nakikita ang ginagawa niya para mapapayag ako ng todo na isali niya ako sa pageant.

Pagdilat ko ay namangha ako sa galing ng baklang to magmake up. As in sobrang ganda ng pagkakalagay niya.

"Mangha ka sa powers ko no." mayabang na saad niya habang pinagmamasdan niya ang repleksiyom ko sa salamin.

"Magbibihis na ko. This looks perfect, Paolo. Thank you." saad ko sabay yakap sa kanya and there goes my heart again. Mabilisang humiwalay ako sa kanya baka kasi marinig niya ang naghaharumentado kong puso. Agad kong sinara ang pintuan ng cr at hinawakan ang dibdib ko.

"Kalma self." saad ko sa sarili ko at bumuntong hining bago ko napagpasyahang magbihis.

"Ateng, bilisan mo diyan ah." sigaw ni Paolo mula sa labas hindi ko na siya sinagot at nagbihis na lang kaagad. I brought a gold long dress na may slit sa gilid. Once I am satisfied with my look ay lumabas nako at natagpuang nagsusuot ng neck tie si Paolo.

"Girl, patulong na-" naputol ang sasabihin niya ng makita niya ako. I blushed and he smiled at me. "Kabogera tong guest na to. Patulong ako." komento niya at lumapit naman ako kaagad sa kanya at inayos ang neck tie niya. Mas lalo siyang gumwapo sa suot niya ngayon.

"Nararamdaman ko na ang panalo sa pageant na sasalihan mo. Grabe ang senses ko makatagpo ng potential." sabi niya sakin at ngumiti lang ako. Tinapos ko na ang pagaayos ng neck tie niya at tiningnan ang suot niya.

"Buti naman at hindi mo napagpasyahang magdress." sabi ko sabay lakad palayo sa kanya para suotin ang sapatos ko.

"Ay, kung pwede lang, girl. Kaso may respeto parin naman ako sa ikakasal at sa pari no." sagot niya. Nang matapos na kami ay sabay kaming lumabas ng room at bumaba. Pinakapit niya ako sa braso niya at naglakad na kami patungo sa mga upuan.

"Bongga ang mga friends mo, ateng. Itong wedding lang na to sobrang bongga na eh. Akalain mo yun pwedeng magkaroon ng night beach wedding." saad niya at tumango lang ako.

Gustong gusto ko makakita ng taong kinakasal. Hindi ko alam kung bakit pero ang saya saya lang ng event na to. Wedding for me is somewhat magical. Ito kasi yung time na matatali ka sa taong gusto mo habang buhay. Sa taong alam mong mamahalin ka buong buhay mo. Lucky those people who found their one true love early. Naranasan na nila agad yung euphoria. Yung extreme happiness sa taong kakasamahin nila habang buhay.

...

Nasa reception kami ngayon at kinikilig ako sa hindi malamang dahilan. Paolo is quiet all evening simula nung magsimula ang kasal hanggang ngayon. But atleast he never left my side.

"Kiana, remember Jaden?" lapit ni Hera samin at tumingin ako sa lalaking paparating.

"Of course, hindi na Hera. Laking America na to eh." Jaden teased and I smiled.

"Wala ka paring pinagbago, Jaden. Still the arrogant guy that used to court me." saad ko at nag-smirk siya sa akin.

"You as well, Kiana. Still the beautiful girl that captures my heart before." landi niya pabalik. Ngumiti lang ako sa kanya at bineso siya.

"Siya nga pala, Jaden. This is Paolo, my friend. Paolo, this is Jaden, manliligaw ko dati." pagpapakilala ko sa dalawa.

"Pare, sinasabi ko sayo. Iba tong babaeng to. Babaliwin ka nito. Anyways, hindi ko nadala yung asawa ko dito at may sakit eh." sabi niya at lumaki ang mata ko sa sinabi niya.

"May asawa ka na?" gulat na tanong ko. Corrine giggled at tinapik sa balikat si Jaden.

"Sa tropa siya unang natali. Pagkatapos niya kasing mabaliw sa isang Kiana Buenaventura ayun nakahanap ulit ng kababaliwan niya." saad ni Hera at nakita ko kung pano lumiwanag ang mata ni Jaden sa pagkakabanggit lang ng kabaliwan niya sa asawa niya.

"Yaan mo, Kia. Papakilala kita sa 1st birthday ng pangalawang anak namin. Lagi kitang kinekwento dun at lagi niyang pinupuri ang ginawa mo sakin." saad nito at umiling lang ako.

"Anyways, balik na ko doon sa table at ipapakilala pa ko nito sa asawa niya." saad ni Jaden at inakbayan ang bagong kasal na si Hera.

"Ampapa naman ng manliligaw mo, Kiana. Grabe ka te. Nireject mo lang yun. Iba talaga ang beauty mo." komento ni Paolo.

"Nagsalita ka rin." komento ko. "Hindi ko lang feel magkaroon ng nobyo noon. Atsaka tropa kasi yun si Jaden. Pag tropa tropa lang ganon. Atsaka, tingnan mo masayang masaya siya ngayon. Minsan kasi kailangan din nating maghintay sa perfect timing kasi nga best things happen to those who wait." sabi ko.

"Korek ka diyan, girl. Kaya nga lagi akong naghihintay kay Vince eh." saad nito at napabuntong hininga na lang ako.

"Sayaw tayo?" tanong ko sabay lahad ng kamay ko. Ayokong pag-usapan si Vince o kahit sino pang lalaking kinahuhumalingan ng baklang to. Funny how I am jealous with guys rather than girls at mas lalong nakakatawa na ako ang nag-aaya sa kanya ng sayaw imbes na siya.

"Tatanggihan ko ba ang pagiging girl. Tara na, girl." saad niya sabay kuha ng kamay ko at iginiya ako sa dancefloor. Nilagay niya ang kamay ko sa bewang niya at pinatong niya ang kamay niya sa balikat ko.

"Alam mo nakakainis ka." sabi ko at tumawa lang siya. I swear yung ang pinakamagandang tunog na narinig ko. I suddenly felt my hearbeat quickens when he laugh.

"Ito na madam. Magrereverse na tayo ng role." sabi niya and right there and then I confirmed, na nahulog na ko ng tuluyan kay Paolo and that will My Little Secret.

...

My Little SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon