Kabanata 21

1.8K 58 18
                                    

Pumasok si Paolo sa kwarto matapos ang ilang minuto nilang pag-uusap ni Kuya. Binilisan ko ang pagligo ko para makinig sa kanila pero mukhang lumayo sila para hindi ako makachismis.

"Anong sinabi ni Kuya? Pinagalitan ka ba?" tanong ko sa kanya at ngumiti lang siya ng makita ako. Pinasadahan niya ng tingin ang suot ko.

"Hoy, sumagot ka." sabi ko at hinila niya lang ako palapit sa kanya. Nagulat ako ng yakapin niya ako.

"Bakit ba? Ano sinabi sayo ni Kuya?" tanong ko pero bumuntong hininga lang siya.

"Pinalayo ka ba?" tanong ko ulit. Nakakainis naman tong si Paolo eh. Tanong ako ng tanong dito para akong tanga hindi naman nasagot.

"Hindi. He was protective lang. Atsaka samin nalang yun, okay. Don't be curious." saad niya at tumango na lang ako. Niyakap ko siya pabalik at kiniss naman niya ako sa forehead ko.

...

Palaging nasa bahay namin si Paolo matapos ng mahuli kami ni Kuya. Ilang linggo na ng lumipas yun. Hindi ko alam kung bakit pero masaya akong lagi siyang nasa bahay. Yes, ginagawa namin ulit kapag walang tao sa bahay pero hindi madalas. Hindi ko alam kung ano kami ni Paolo pero masaya ako na nasa akin yung atensyon niya ngayon.

"Andito ka na naman." saad ni Kuya ng maabutan niya kaming nag-uusap sa may pool.

"Nakalimutan kong magsabi, sorry." saad ni Paolo at tumango lang si Kuya.

"San ka galing? May dala ka bang pagkain? Nagugutom nako." sunod-sunod na saad ko kay Kuya.

"Meron nandon sa kusina. Kumain na kayo." yaya niya at tumayo naman ako. Nilahad ko ang kamay ko kay Paolo at sabay kaming pumunta sa kusina. Nanlaki ang mata ko sa mga sweets na binili ni Kuya.

"Hindi pwedeng kainin lahat, Kia ah." babala niya at sumimangot naman ako. Naramdaman ko naman ang presensya ni Paolo sa tabi ko ng kumukuha ako ng cake.

Umupo ako at nagsimulang kumain ng cake. May pinag-uusapan sina Kuya na hindi ko alam kung ano kaya hindi na lang ako umimik. Nakita kong nag-open si Kuya ng leche flan at napangiwi naman ako.

"Ano yang itsura mo?" tanong ni Kuya at sumubo ng leche flan.

"Kadiri." sambit ko at kumunot naman ang noo niya. "Paano mo natitiis yung amoy niyan? Ang baho kaya." sabi ko at tinakpan ang ilong ko habang kumakain ng cake.

"Ateng, walang amoy yung leche flan. Anong pinagsasasabi mo diyan?" saad ni Paolo at inirapan ko lang siya. Nawalan na tuloy ako ng gana na kumain ng cake.

"Matutulog na lang ako. Tapon mo na yan, Kuya. Mabaho yan." sabi ko at tumayo na. Iniwan ko silang dalawa dun. Hindi pa ako nakakalayo ng makarinig ako ng ingay. Dali-dali akong bumaba at nakitang sinapak ni Kuya si Paolo.

"Kuya!" sabi ko at tiningnan ang mukha ni Paolo. "Ano ba?" singhal ko at sinamaan lang ng tingin ni Kuya si Paolo.

"Tangina mo, Paolo. Hindi imposible yon. Kung ngayon pa lang ay dinideny mo na. Layuan mo na yung kapatid ko." Galit na galit na saad ni Kuya. Hindi ko naiintindihan yung pinagsasasabi ni Kuya. Bakit bigla bigla na lang siyang nananapak.

"Ano ba kasi yon?" tanong ko kay Paolo ng umalis si Kuya. Nilagyan ko ng yelo yung panga niyang sinapak ng may sapak kong Kuya.

"Wala. Hindi naman diba?" tanong niya at napakunot naman ako ng noo.

"Hindi naman ano?" iritado kong tanong.

"Kailan huli mong period? Nagkaroon ka ba nakaraang month?" tanong niya at napaisip naman ako. Hindi ako pala-track ng menstruation ko.

My Little SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon