Kabanata 22

1.7K 53 12
                                    

Ninenerbyos akong dumating sa restaurant. Kuya is holding my hand kasi alam niyang natatakot ako sa magiging reaksyon ng magulang namin. I hope they won't take everything seriously. Alam ko kung paano mag-isip si Mama at napakafuturistic nito.Maayos na nagbatian ang Mama at Papa ko sa Mama at Papa ni Paolo.

"So, why are we here?" tanong ni Mama at naramdaman ko ang paghawak sakin ni Paolo sa ilalim ng mesa.

"Tita, Tito. I'm sorry po pero I got your daugther pregnant and I promise po na papanagutan ko po ang anak niyo." matapang na saad niya.

Sandaling katahimikan ang bumalot sa mesa namin. Hindi ko alam kung ano ang nasa isip nila Mama pero natatakot ako.

"Thank you for saying na papanagutan mo ang ginawa niyo, Paolo. I appreciate that as a father." Naunang sambit ni Papa at nakahinga naman ako ng maluwag.

"Ayokong magkaanak ang anak ko ng hindi pa kinakasal. What do you think, balae?" sabi ni Mama at napangiti ako pero napatingin kay Mama ng sinabi niya ang word na kasal.

"Huwag na muna natin silang madaliin, balae. Baka mapano pa si Kiana at makasama ito sa bata." sabi ng Mama ni Paolo na ikinatango naman ni Papa.

"Yes, Hon. It is safe na ipanganak muna ni Kiana ang apo natin before anything else that would cause her stress." saad ni Papa at sumangayon na lang si Mama kahit alam kong labag ito sa kaloob looban niya.

Nagpatuloy mag-usap ang dalawang panig at never ng tumahimik ang restaurant na pinareservan ni Paolo. Kung hindi lang kilala ang parehas naming pamilya ay baka napalabas na kami kanina pa.

"I'm glad that you're parents are on board with this." bulong ni Paolo sa akin at ngumiti ako. Hindi ko maiwasang mapaisip kung on board din ba si Paolo sa ganitong sitwasyon namin o napipilitan lang siya.

"Deep thinking will stress you out. Ano yon?" saad niya at umiling ako.

"Wala, may naalala lang." sabi ko at nagpatuloy ng kumain.

...

Bumilis ang panahon ng magkasama kami ni Paolo. Marami rin ang nangyari sa loob ng siyam na buwan. Nagkaroon ng problema ang pamilya ni Paolo kaya hinfi ko siya masyadong nakasama nitong mga nakaraang buwan. Nadawit ang pamilya nila sa isang problema na nagcause ng pagpull out ng mga investors ng shares nila sa kompanya nila.

Hindi ko parin alam kung ano kami o kami ba pero ang mas mahalaga sa akin ngayon ay nandito siya sa tabi ko at inaalagaan ako. I am due this month any moment now at naiinis ako kasi tumaba ako.

"Ang panget ko na." sabi ko at napalapit naman sa akin si Paolo.

Magkasama kami sa condo niya ngayon dahil nga masyadong OA si Mama ay pinagsama niya kaming dalawa sa isang bahay. Hindi niya ako pinatrabaho at pinaistay lang sa bahay. Pinayagan niya si Paolo na magtrabaho sa bahay para daw may kasama ako.

"Anong panget diyan, girl? Kalerki." saad niya habang pinagmamasdan ako sa salamin.

"Ang taba ko kaya." sabi ko at napasimangot. Niyakap niya ako at hinalikan sa pisngi.

"Maganda ka parin kahit mataba ka." sabi niya at napangiti naman ako. Lumingon ako sa kanya at hinalikan naman niya ako na ikinagulat ko.

"Dalian mo na." he said at tinali na niya ang sundress ko.

"Thank you." sabi ko at nag-ayos na.

Ngayon ang kasal ng kapatid niya sa ex manlilihaw ko. Ito ang naisip na solusyon ng magulang ni Paolo. Nalungkot ako para kay Savannah ng malaman ito dahil mahirap pumasok sa isang relasyon na pareho niyong ayaw ito. Pero I am happy na nahanap na ni Salem ang katapat niya. Well, hindi niya pa ata naiisip yon.

"Minsan gusto kong sapakin yung ex mo." bulong sakin ni Paolo habang nasa wedding reception kami. Halatang hindi magkasundo ang dalawa kaya naawa naman ako kay Sav bigla.

"Gago lang yang si Salem pero alam ko namang titino yan." sabi ko sa kanya. Umiling lang siya at bumuntong hininga.

"Ako dapat yan eh." sabi niya. Naalala ko na ikinwento niya sakin na dapat ay ipapaarranged marriage siya ng magulang niya just to save their company.

"Stop worrying. I know, Salem. Magseseryoso yan." sabi ko at napangiti naman siya.

"Sana kundi masasapak ko siya." sabi niya at hinampas ko naman siya.

"Kuya." bati ni Savannah at niyakap ang Kuya niya. Late kami dumating kasi medyo sumakit ang tiyan ko kaninang umaga.

Niyakap naman ako ni Sav at pinakiramdaman ang tiyan ko. Magkasing edad lang kami nitong si Savannah. Nagulat ako ng maiyak siya.

"Hoy, wag mong iyakan yung anak ko." biro ni Paolo sa kapatid at hinampas naman siya ng kapatid. Naaawa ako kay Savannah at gustong gusto ko rin siyang alisin sa kinalalagyan niya ngayon.

"Can we have the newly wedded couple dance?" sabi ng emcee at lumingon naman si Sav sa papalapit na si Salem. Pinasadahan ako ng tingin ni Salem at nginitian.

"Anlandi talaga non." komento ni Paolo. Hinalikan ko lang siya sa pisngi at bumuntong hininga naman siya.

"May I have this dance?" He asks matapos naming mapanood ang pagsayaw ng dalawang magkapatid. Tinanggap ko ang kamay niya at dahan dahan niya akong inalalayan.

"This would be more romantic kung hindi ka ganyan kalaki." saad niya at napasimangot naman ako. He chuckled at halos mamatay ako sa tawa niyang yon. Masyadong pafall. "Joke lang." he said at niyakap ako.

"Can I ask you a question?" saad ko. He look at me and he nodded.

"What are we?" matapang na tanong ko. He looks taken aback nung tinanong ko iyon.

We sure act like a couple pero need ko ng assurance. I know somehow matatali ako sa kanya but I need to know his side. Kung ano ba talaga kami. Kung may pinanghahawakan ba ko saming dalawa. Not only for me but for our child.

"Gusto ko lang makasiguro, Paolo. Am I still waiting for you? Do I need to wait more? Do I need to stop waiting?" sabi ko at napakunot naman ang noo niya.

"Hindi pa ba sapat na magkasama tayo ngayon." sabi niya na ikinainis ko.

"Seriously?" sambit ko at humiwalay sa kanya.

"You ask me to wait, Paolo and I did. Alam kong ayaw mo ng nanunumbat pero gusto ko malaman kung ano ba ako sa buhay mo? If I am just a girl na naghihintay sayo? If I am just a girl na tuwing kailangan mo ay nandiyan? Kailangan ko ng assurance para alam ko kung kailan kailangan dumistansiya." sabi ko. My emotions are overflowing due to my pregnancy.

"I don't know." he softly said and I nodded.

"Good to know." sabi ko at umalis na sa dance floor at umupo na sa table namin.

Naiwan siya dong nakatayo. Hindi ko siya pinansin buong byahe namin pauwi. I know communication is a key to a successful relationship pero paano kayo magkakaroon ng communication kung wala kayong relationship.

...

My Little SecretDonde viven las historias. Descúbrelo ahora