☆☞ CHAPTER 48 ☜☆

1.3K 58 3
                                    

* Crystal's Pov *

Napapahagikgik na lang ako habang pinapanood si Glyde..

" You look stupid " napatingin ako sa nagsalita..

Napapout na lang ako dahil sa sinabi niya.. Parang wlang araw na hindi niya ako sinasabihan ng ' stupid ' ' childish ' ' idiot '
' slow poke ' at ng kung ano ano pang insulto.. Napakasungit niya talaga

" Hmmpp.. " saad ko na lang sakanya at tinuon na lang ulit kay Glyde ang tingin ko
at nagsimula na naman akong humagikgik

May hawak kasing bulaklak si Glyde at mukhang hinihintay si Dim na dumating

" Why are you looking at him like that? " napatingin ulit ako sakanya dahil sa sinabi niya..

Nakakunot ang noo niyang nakatingin saakin..

" Pake mo? " nakataas kilay na tanong ko

" Ouch " napahawak na lang ako sa noo ko ng bigla niyang pitikin ang noo ko

" Wag kang magmataray, di bagay sayo " saad niya

" Eh bakit kasi kailangang mamitik? " saad ko habang hinihimas ang noo ko

" Tsk " saad niya lang

Napatingin ulit ako kay Glyde

" Kung magkakaroon ako ng manliligaw na katulad ni Glyde? Naku, naku.. Hindi ko na siya hahayaang manligaw " saad ko

" Why? " Tanong niya.. Napakachismoso din pala nito

Pero syempre dahil mabait ako..

" Dahil sasagutin ko na siya agad agad " kinikilig na saad ko sakanya

" Tsk.. Sweet na ba yan? " masungit na saad niya habang nakatingin kay Glyde

" Oo naman.. " sagot ko

" Being sweet is not about giving flowers, chocolates and bear to your love ones.. It's about the effort you show.. That's the true sweetness " saad niya

Napatingin naman ako kay Glyde na nagsusulat sa isang card na kulay purple

Ano naman kayang alam nitong kausap ko sa sweetness.. Eh puro naman siya kasungitan

Magsasalita na sana ako pero nakita ko si Dim na papasok na

" Glyde.. She's here " mahinang saad ko

Ngumiti naman siya..

Pagpasok ni Dim sa room ay siya namang biglang abot sakanya ni Glyde ng bulaklak

" Oh, para saan toh? Mukha na ba akong patay para bigyan ng bulaklak? " kikiligin na sana ako eh!! Kaso bigla namang nagsalita ng ganito si Dim

" Phoebe naman.. " saad ni Glyde at napahawak sa batok niya.. Cute

" Joke lang.. " biglang ngiti ni Dim.. " Thank you for this.. " nakangiting saad ni Dim kaya doon na ako kinilig ng sobra... Pati mga kaklase ko halos mangiday sa kilig.. Habang sina Hailey at Jazz ay nakangiti lang..

Waaa!! Sana all lahat!!

Pero bigla rin akong natigilan ng makita ko mula sa second floor ng building sa harap ng room namin ay kita ko mula rito si Dash na parang may kung ano sa mata niya na pilit niyang tinatanggal.. Tumataas baba pa ang balikat niya..

At mula sa hallway naman ay kita ko si Knight na nakayukom ang kamao at nakakunot ang noo..

" Hey guys " napatingin kami sa tumawag saamin at napangiti rin ng makita kung sino yun

THE UGLY FAT GIRLOnde histórias criam vida. Descubra agora