☆☞ CHAPTER 53☜☆

1.4K 62 8
                                    

* Dash's Pov *

" Hello Tita.. "

[ Oh Iho, why did you call? ]

" Tita, nandyan po ba si Joy? "

[ Yes, Iho ]

" Please Tita, let me talk to her.. "

Narinig kong napabuntong hininga si Tita..

[ I'm sorry Iho.. She said she don't want to talk to you ]

Bumagsak ang balikat ko dahil sa sinabi niya..

" Tita please let me talk to her, just for a second.. " pagmamakaawa ko..

[ I'm really sorry Iho.. But I think, let's give her space for the mean time.. Kung ano man ang problema niyo ng bestfriend mo.. Maayos rin yan.. Pero for now, hayaan muna natin siya.. Ako na ang nagmamakaawa sayo Iho.. Let her be alone ]

Napayuko na lang ako.. Bigla na naman tumulo ang luha ko..

Nakakabaklang tignan.. Na umiiyak ako dahil lang sa nag'away kami.. Pero kasi, ito lang ang away na hindi agad namin naayos..

At parang ayaw na niyang ayusin..

" O-ok Tita.. " mahinang saad ko..

[ Don't worry.. Magkakaayos rin kayo ]

" Opo Tita.. Pakisabi na lang po sakanya na, kapag ok na siya.. Mag-usap po kami.. " saad ko na may bahid ng pagmamakaawa..

[ Roger that Iho.. Sige na muna.. Bye na muna Iho ]

" Bye Tita " saad ko din at pinatay na ang tawag ko..

Kinuha ko ulit ang phone ko at tinignan kung nagreply na ba siya sa mga text ko pero wala parin..

Agad akong nagtype ng another message.

Me: Please talk to me Joy.. Let's talk '

Ilang minuto na ang lumipas pero wala paring reply..

Gusto ko mang sundin si Tita pero ayaw makisama ng konsensya ko..

Pinindot ko ang call..

Ilang beses munang ring.. Mawawalan na sana ako ng pag-asa ng sagutin niya ang tawag..

" Joy... " banggit ko sa pangalan niya..

Hindi siya nagsalita..

" I know your listening.. Joy, look I'm sorry.. I didn't mean to hurt you.. I never intended to hurt you so much.. " saad ko habang nakayuko at nanggigilid ang luha..

" Sorry kung hindi ko kayang ibalik yung pagmamahal mo saakin.. Sorry kung,
h-hanggang kaibigan at kapatid lang talaga ang p-pagmamahal ko sayo.. Joy, mahal kita.. Mahal na mahal kita pero bilang kaibigan lang at sorry kung hanggang doon na lang yun.. Ayokong saktan k-ka Joy.. Ayoko.. " pilit kong buuin ang boses ko para di halata na naiiyak na ako..

[ Alam ko naman.. ]

Rinig kong saad niya.. Kahit na sobrang hina ng pagkakasabi niya.. Naiintindihan ko parin..

Lalong bumigat ang pakiramdam ko ng marinig ko sa boses niya ang lungkot at sakit..

[ Alam ko lahat ng yun Dash.. Kaya nga humihingi ako ng space at time para makapag isip.. Para kapag nagkita na tayo ulit.. Hindi ko na kailangan pang masaktan.. ]

" P-please Joy.. Ayusin nati--- "

[ Please lang Dash.. Hayaan mo muna ako.. Wag ka na munang magtext o tumawag.. Just please leave me alone for now.. A-ayoko munang makausap ka o makita pa.. Please Dash.. ]

THE UGLY FAT GIRLWhere stories live. Discover now