☆☞ CHAPTER 54 ☜☆

1.4K 57 2
                                    

* Crystal's Pov *

Napayuko na lang ako..

May pangalan naman ako ah.. Ang ganda ganda nga eh..

Crystalline Eissel..

Tapos tatawagin niya lang akong..

Stupid, Idiot, Childish and anything na papasok sa isip niyang ipangtawag saakin..

" Hey what's the problem? " tanong saakin ni Hailey..

Umiling lang ako..

" Lying is not your things Crystalline " banggit niya sa pangalan ko..

Tumingin naman ako sakanya.. Kita ko ang kaseryosohan sa mata niya..

Pinilit kong magmukhang masigla at ngumiti ng pagkatamis tamis..

" Ha ha.. Ang galing ko talagang umakting.. Ha ha " pekeng tawa ko..

Inirapan naman ako ni Jazz.

" Ikaw talaga Crys.. Nag-aalala kami kung bakit ang tahimik mo tapos sasabihin mong umaakting ka lang?.. Seriously? " irap niya saakin

Pero tumawa lang ako pero peke..

" Oh sya.. Bye na.. See you on Monday " paalam ni Jazz saamin..

" Babye.. " paalam naman namin ni Hailey sakanya..

" Dim... I'll go ahead na " paalam naman niya kay Dim.. Tumango naman si Dim

Tumingin naman si Jazz sa iba pa at nagwaved.. Pwera lang kay Jiro

" Bye guys " paalam niya..

" Bye Jazz " sabay sabay na saad naman ng iba pa pero nag-irapan lang si Jiro..

Uwian na kasi, 4 na kasi eh..

Atsaka sinabihan na rin kami ni Dim na wag ng pumunta dito sa sabado at linggo para daw surprise...

Nagpaalam narin kami sa isa't isa..

Ng makapag paalam na ako sakanilang lahat ay agad akong naglakad paalis..

Nagpakawala ako ng isang malalim na hininga..

Ewan ko kasi eh..

Dati ok lang na tinatawag niya ako sa ibang pangalan o more like kapag iniinsulto niya ako..

Pero kasi.. Ngayon, nasasaktan na ako sa tuwing sinusungitan niya ako..

Feeling ko, sobrang hate niya ako na sukang suka siya sa pagkatao ko..

Na para bang ikinakahiya niyang sumama sa isang katulad ko..

Nakakainis..

Alam ko namang isip bata ako.. Pero hindi naman niya kailangang ipamukha saakin na hindi ako kasing matured niya.. Na hindi ako matured na tao..

Alam kong tanga ako.. Pero hindi niya ako kailangang ipahiya na para bang tuwang tuwa siya kapag nakikita niya akong napapahiya..

Alam ko lahat yun at hindi niya kailangan pang ipamukha pa lalo saakin yun!

Wala akong sundo ngayon kaya maglalakad na lang ako..

Walking distance lang naman ang bahay namin dito..

Pero bago pa ako makarating sa bahay ay napadaan ako sa park..

Nakakita ako ng ice cream.. Yung nilalakad ng naglalako..

Nagningning ang mata ko..

Agad akong lumapit kay Manong vendor..

" Manong isang tig-10 na chocolate ice cream in cone nga po.. " saad ko

THE UGLY FAT GIRLWhere stories live. Discover now