Episode 16

776 64 9
                                    

Episode 16

KAIRI

Na sa school lounge ako ngayon at kasalukuyang hinahanap si Kyrie. Gusto ko muna kasi s'yang makausap sandali pero si Dimples lang din pala ang madadatnan ko pagkarating ko sa SSG (School Security Group) Office. I thought she was here.

Pumasok ako sa loob pagkabukas ko nung pinto. "Sorry, pumunta na ba rito si Kyrie?" I asked Dimples. Pumaharap naman siya sa akin na kanina'y nagtititingin lang ng libro sa shelves pagkatapos ay humarap sa akin para ngiti akong lapitan.

"If you're looking for her, she's at the field." Sagot naman niya at mas lumawak ang paglinya nung ngiti.

Inilayo ko 'yung tingin sa kanya. "Thank you." Lalabas na sana ako pero hinawakan na niya ang kamay ko. Kaya ako naman itong nagbuga ng hininga bago siya nilingunan.

Malungkot itong nakatingin sa akin at tila parang gusto akong panatilihin dito.

Pasimple akong huminga ng malalim. "Alam mong hindi pwede, 'di ba?"

Ipinagdikit niya ang mga labi niya't niyakap ako mula sa likuran. Hinigpitan niya 'yung kapit sa akin kaya napahawak ako sa mga kamay niya. "Dim--"

"Bakit siya?" Simpleng tanong niya na nagpatigil sa akin. Hindi pa man din niya nababanggit ang pangalan, alam ko na ang tinutukoy niya. "Ano ba'ng mayro'n sa kanya at parang mas gusto mo siya kaysa sa mga taong nakapaligid sa 'yo? Dahil ba sa may nalalaman siya sa 'yo? How 'bout me then? Ginawa ko ang lahat para magkaroon ng kaalaman sa 'yo na kinakailangan ko pang sundan ka." Saad niya.

I furrowed my eyebrows. "What you're actually doing is not different from stalkin--"

"I CAN'T CALL IT STALKING WHEN I'M IN LOVE WITH YOU." Malakas na sigaw niya na umalingawngaw sa SSG Room kaya pinilit kong humarap para patigilin siya.

"Dimples, may makakarinig sa 'yo." Suway ko sa kanya pero mas hinigpitan niya 'yung yakap niya sa akin kumpara kanina.

"I'm looking for you!" Naramdaman ko ang pagdikit ng mukha niya sa likuran ko samantalang ibinaling ko ang tingin ko sa harap. "I thought you would remember me if we get to see each other again, pero si Kyrie Henderson kaagad 'yung una mong hinanap pagkakita mo pa lang sa 'kin na parang estudyante lang ako sa tabi-tabi."

Last 2 years ago right after I went back to the Philippines, Dimples Shiver was almost got to a traffic accident and I happened to be there who was just passing by.

Inalis ko ang hawak ko sa kamay niya. "I do remember you" I paused. "It's just that I don't want to bring up the past. Wala namang nangyari sa 'ting masama so it's not even necessary. It doesn't matter." I said and removed her hands from hugging me.

As I let go of the plastic bag I was carrying and fell helplessly to the ground. I ran towards her and pushed her to avoid the truck that would hit her.

Nanatiling nakatayo si Dimples sa likod ko. "What matters is you almost died for risking your life to save me. 'Di mo alam kung anong impact niyon sa 'kin." Nanginginig nitong sambit.

Bumaba ang tingin ko. "I didn't save you." Saad ko.
Rinig na rinig ko pa rin sa utak ko ang malakas na busina nung araw na iyon.
I just stood up there waiting for the car to crushed with me as if it's okay for me to die.

"Then why?!" Singhal niya.

I didn't do it for her, I did it for myself. Ready to end everything,

...but miraculously, nag-iba ang direksiyon ng sasakyan na babangga sana sa akin. That's why, I'm here. Alive.

"Ano ba'ng nakita mo sa'kin?" Panimula ko nang hindi siya nililingunan at nanatili lang ang tingin sa sahig. "How can you love someone if you have absolutely no idea who they are?" Tanong ko na nagpatahimik sa kanya.

Humarap na ako sa kanya. "Ba't mo 'ko ginaganito?" Tinanong ko 'yan sa kanya na may malungkot na ngiti sa aking labi. Namilog ang mata niya habang ipinagpatuloy ko lang ang sinasabi ko. "I don't want you to regret anything, loving me will only cause you nothing but pain. It's better for you not to be attached." Segunda ko.

Nagsalubong ang kilay niya. "Why are you telling me this as if you're certain about it? Like you're a monster?" Sunod-sunod niyang tanong na tipid kong nginitian.

"Because I am. I'm twisted." Ngisi kong sambit. Kinuha niya ang kamay ko para itulak ako sa pahabang table. Napasandal ako sa edge ng lamesa samantalang humarap na sa akin si Dimples para lumapit sa akin.

Humawak siya sa edge ng lamesa katabi ng mga kamay ko kaya halos magkadikit lamang ang katawan namin. "I don't care!" Muli nanaman niyang sigaw na nagpabilog sa mata ko. "No matter who or what you are, it won't change the fact that I fell in love with you the moment you saved me."

Nakababa ang tingin ko sa kanya nang isara ko ang bibig kong nakabuka. "I told you, I didn't save yo--"

"Even if that wasn't the reason why you risked your life. For me, you SAVED me." Inangat na niya ang ulo niya para diretsyo siyang mapatingin sa mismo kong mata. "Those encounters is what we called FATE, I believe. And I want to make you look at me the way I look at you." Lumalim ang paraan ng pagtingin niya kaya hindi ko naiwasang mailang at ilipat ang tingin sa kaliwang bahagi.

I closed my eyes and took a deep breath. I can't believed that this could actually happened.

Iminulat ko na ang mata ko pagkatapos saka ulit ibinalik ang tingin sa kanya na ang lapit-lapit pa rin sa akin . "Then answer me, bakit kailangan mong isama si Kyrie sa isyu natin para maging SSG President?" Tutal, nandito na rin kami, tanungin ko na. "Is this what you meant by wanting me to look in your way?" I added. Lumayo na siya sa akin kaya pareho kaming tumayo nang maayos.

Gusto kong malaman 'yung totoong intensiyon niya. Kung puro teorya lang ang mayro'n ako, hindi ko matutulungan si Kyrie na makaalis sa SSG. Ayokong gumawa siya ng mga bagay na labag sa loob niya ma-protektahan lang ang sikreto ko.

She already proved me enough that I could actually trust her.

The reason why I'm ignoring Kyrie for the past few days was because I want to prove myself wrong that one day, sh would betray me if I make her feel unwanted-- that I only used her for necessity. Because honestly, I want to give up myself to her and stay with her whenever I feel weak.

Pero iyon nga, nawala ang nararamdaman kong duda.

There are so many reasons for Kyrie to reveal my secrets but she chose not to do it as if she doesn't care-- like she'll just shrugged it off and closed both of her eyes. But little did I know, she's actually worried. She was secretly looking in my way. If I turned around to check on her, she would instantly avert her eyes that may seem like she's pretty oblivious.

Pero kung darating sa punto na malalaman ng nakararami ang sikreto na tinatago ko sa buong buhay ko, wala akong magagawa kundi ang umalis sa skwelahan na ito. Gano'n lang ka-simple.

"Don't get the wrong idea. Hindi ako naging vice president ng SSG para lang sa wala. Nakikita ko ang mataas ang potensiyal ni Kyrie Henderson i-lead ang buong estudyante sa department natin kaya siya ang tinutukan ko simula pa lang noong magkaroon kami ng meeting pagkaalis ng dating SSG president. Totoo rin ang sinabi ko sa kanya na fan niya ako nung naglalaro pa lang siya ng football." Mahabang litanya niya kasabay ang pagkibit-balikat. Ngumiti siya ng bahagya. "But you can't win a game by doing nothing, if I have to do it forcefully, I will."

No, no.

"You're being selfish."
"I'm selfish because I give love to get love."
"This is not love."
"Oh? What is it then?"

Sunod-sunod naming banat hanggang sa mapahinto ako sa tanong niya, nagsimula naman siyang ngumisi. "Natahimik ka kasi hindi mo rin sigurado?" Tanong niya at humagikhik. Kinuha niya 'yung hibla ng buhok ko para ilapit ito sa kanyang labi. "Kairi, mas maganda kung lalapit ka sa tao na talagang interesado sa 'yo. I told you, didn't I? I love you." Inamoy niya ang buhok kong hawak niya't hinalikan. Naramdaman ko pa ang paglapad ng ngisi niya. "Pwede mong gawin kung ano ang gusto mo hanggang sa magsawa ka."

"Kung 'yan ang intensiyon mo simula una pa lang, bakit hindi na lang ako ang nilapitan mo? hindi naman siguro mahirap gawin 'yon."

Naramdaman ko ang init sa kamay ni Dimples nang mahawakan niya ang kamay ko. "You told me that you don't want to, sinunod lang kita. Kung magiging SSG President si Kyrie, mas mababawasan ang oras niya sa 'yo." Nanliit ang mata ko pagkasabi niya no'n. "But I can fulfill her lack, just allow me to do so." Dagdag pa niya.

"Ngh."

"Kahit hindi mo sabihin sa akin, may namumuo na diyan sa puso mo. Pero bago ko hayaan na mahulog ka ng tuluyan sa kanya." Inihiga na niya ako sa pahabang lamesa't hinawakan ang magkabilaan kong pulso. "Aangkinin na kita."

"Stop it! What are you trying to do? Paano kung may dumati--" Hindi niya ako pinatapos dahil inilapat na niya ang labi niya sa 'kin. Trying to enter inside me.
I was trying to get her away from me but as I looked at the side, I saw her.

Kyrie!

Lumayo na si Dimples sa akin habang pareho kaming naghahabol ng hininga.
Tinakpan ko ang bibig ko gamit ang likurang palad samantalang umalis na nga si Dimples sa pagkakapatong niya sa akin kanina.

She licked her upper lip while copping up with her breathe. "I won't lose to her, Kairi. Mark my words." Naglakad na siya paalis sa harapan ko para lumabas.
Marahan naman akong umupo sa edge nung lamesa at napahawak sa aking noo.

KYRIE

Sa backstage, nakaupo lamang ako at naghihintay ng tamang oras para magbigay ng speech. May mga announcement lang na ibinigay ang ibang SSG Members gayun din ang mga teachers kaya may oras pa 'kong mag-isip.
Ngunit dahil sa nakita ko kanina, hindi ako maka-focus. 'Di na nga ako nagpakita kay Dimples matapos iyon.

Iniisip ko na lang na, 'bahala na' kung ano pa ang mangyayari mamaya. Wala ako sa tamang pag-iisip. Kaso kung iisipin ko namang mabuti, bakit masyado akong naba-bother? Ano ngayon kung hinalikan niya si Kairi?

Wala naman siguro ako sa lugar para pakielaman iyon. Kaso...! Hindi ko talaga maiwasan. Ano ba kasi ang problema ko?

"Here's Kyrie Henderson to give her speech as the new president of SSG." Tumayo na nga ako para lumabas sa back stage. Wala akong naririnig na kahit na anong ingay kaya mas naririnig ko ang pagtibok ng puso ko.
Sobrang ingay nung katahimikan na iyon, ni kaluskos wala talaga akong naririnig.

Huminto ako sa tapat ng mic, hawak-hawak ang pirasong papel na naglalaman ng talumpati ko para sa harapan ng mga estudyanteng ito. Lahat talaga sila, nakatuon ang tingin sa akin. All ears on me, pakiramdam ko mama-mind block ako kung magpapatuloy ito.

Tumikhim ako, I was about to say something when I remembered the kiss.

I shook my head and tried to focus, but sh*t. I just can't.
Ilang minuto rin akong nakatayo roon at walang ni isang salita ang bumuka sa bibig ko. Dahilan para mag react na ang mga estudyante at nagbubulungan.

Kinuyom ko ang kamao ko. Get a rid of yourself, Kyrie! Tell your speech! Right now!

Pinikit ko nang mariin ang mga mata ko. No, I'm done for. In the first place, why the hell am I here, anyway? What pushed me to go this through?

"I want them to acknowledge me! See my worth!" Naimulat ko ang mata ko noong may marinig akong boses sa utak ko. "I don't wanna be underestimated by them, not anyone else, not even me!"

Inangat ko ang ulo ko, kasabay ang paghinto ng tingin ko kay Kairi na animo'y hinihintay ang gusto kong sabihin sa lahat.
Tumango siya kaya sumeryoso na ako't ibinahagi ang aking talumpati.

***

MALAKAS KONG IBINUGA ang aking hininga matapos kong ibigay ang aking talumpati. Dumiretsyo kaagad ako sa gilid ng soccer field at nakahiga ngayon sa damuhan para makapag pahangin. Ang epic failed lang kasi dahil pumiyok pa ako kaya pinagtawanan pa ako.

Muli akong napabuntong-hininga. Pero masasabi ko namang success ang nagawa ko dahil after the speech delivery, masigabong palakpakan ang narinig ko mula sa kanila.

Akala ko mahihimatay ako dahil sa sobrang kabado, but I'm glad it's done.

Sa ngayon, may kaunting program lang na nagaganap sa loob, at sinabi ko naman sa SSG Adviser ko na kailangan ko munang magpahangin kaya hindi naman na siguro nila ako hahanapin sa loob kung nasaan ako.

Sinundan ko ng tingin ang ulap na gumagalaw at pumikit, pero sa pangalawang pagmulat ko ng mata ay bumungad ang mukha ni Kairi sa akin kaya ako naman itong biglang napasigaw kasabay ang pagtayo ko kung saan tumama pa ng malakas ang noo ko sa kanya.
Napaupo siya dahil sa sobrang lakas nung umpog samantalang napahiga ulit ako't hawak-hawak ang aking noo. "Aray... Bakit ka kasi nanggugulat?" Mainahon kong tanong saka ko binuksan ang kaliwa kong mata para tingnan siya.

Hinimas-himas naman niya ang noo niya 'tapos walang imik na tumabi sa akin, "I miss you."

Ibinaling ko naman ang tingin sa kanya't umupo na nga. "What was that for?" Nakasimangot kong tanong at pumaharap ng tingin. "Why are you here? Baka hanapin ka sa loob." Sambit ko

Inilagay ni Kairi ang mga kamay niya sa likod bilang suporta sa kanyang pag-upo. "I make an excuse na pupunta ako sa clinic." Sagot niya. Naramdaman ko ang paglipat niya ng tingin sa akin. "You're going to be popular now." She added with a smile.

Umismid ako. "I'm not." Tugon ko at tumingin sa hindi kalayuan. "Pumiyok nga 'ko kanina, 'di ba? Kung magiging sikat man ako sa campus, malamang dahil sa kahihiyang nangyari kanina." Pagkibit-balikat ko na ikinahagikhik niya.

"Masyado mong dina-down sarili mo. Eh, nagustuhan ka nga karamihan sa mga estudyante dahil doon." Wika niya pero naglabas lang ako ng hangin sa ilong.
"Hey, Kyrie." Tawag niya kaya ibinaling ko na ang tingin sa kanya, nakaangat ang tingin niya at pinagmamasdan ang paggalaw ng ulap. Malalim din ang iniisip niya nang nakangiti. "What should I do?" Tanong niya 'tapos ibinaba ang tingin para sa 'kin ituon ang kanyang atensiyon. "I'm... Exhausted. I don't know what to do."

Wala akong naiintindihan sa sinasabi niya but one thing's for sure.

Hinawakan ko ang ulo niya't inihiga siya sa kandungan ko, nakita ko ang panlalaki ng mata niya pero hinimas-himas ko lang ang malambot niyang buhok. "Then, rest." Saad ko na may kaunting ngiti sa aking labi/ "That's what you need for now."

Iginalaw niya ang tingin palipat sa 'kin. "Kyrie, Ang totoo kasi..."

"Tell me all of it when you're ready." Sabay hawi ng buhok niya para makita ang pasa sa kanyang batok. "I don't want to force you. Kaya kong maghintay." Saad ko na hindi niya inimikan. If someone wants to tell what's on her mind and what she really feels, even if I won't ask her. She will do it.

Hinawakan ko ang mukha niya para maramdaman siya, hindi namalayan na malungkot na rin pala ang paraan ng pagtingin ko sa kanya nang hindi inaalis ang kaunting ngiti sa aking labi. "Hindi mo kailangang gawin 'yung mga bagay na hindi ayon sa gusto mo. You can freely do whatever you want whenever you're with me."

Bumuka ang bibig niya at animo'y may sasabihin nang itikum na lamang niya. Ngumiti siya't isinara ang mga mata kasabay ang kanyang paghawak sa aking kamay. Mahigpit iyon kaya ipinag intertwine ko na ang mga daliri namin.

Hindi ko alam kung sa'n ako dadalhin o sa kung ano ang naghihintay sa 'ming dalawa. Basta ang alam ko,
...hangga't kailangan niya ako. Nandito lang ako.

Palagi. 

***** 

Stoicismo Amore (Completed) || (GL)Where stories live. Discover now