Episode 17

802 61 2
                                    


Episode 17

KYRIE

Ngayon na ang simula ng trabaho ko bilang isang president ng PSG (Professional Student Government). I make plans and resolve problems regarding to students concern. I also lead them and give them ideas just like what they're expecting me to do. Mabilis lang ang flow pero habang tumatagal at lumilipat ang araw, mas nagiging busy ako.

Kasundo ko naman lahat ng mga members maliban na lang siguro sa isa.

Lumapit siya sa 'kin at inabot ang school papers para sa pinapa-request ng journalism. "Heto 'yong hinihinging request ng isang student kanina, hanggang bukas ng umaga na lang ang sign of approval. Kaya mo bang gawin ngayon?" Tanong ni Dimples sa akin na tinanguan ko.

"Kaya ko." Simpleng tugon ko.

Nanliit ang mata niya. "Wala ka talagang karekla-reklamo, ano?" Saad niya na hindi ko inimikan.

Pumunta na lamang ako sa pwesto ko para simulan na ang trabaho ko. Simula noong makita ko ang halik na ginawa nila ni Kairi, nagkaroon ako ng pag-aalinlangan na kausapin si Dimples. Gayun din noong marinig ko ang kaunting usapan nilang dalawa rito sa SSG Room.

At gaya nga ng gustong mangyari ni Dimples, hindi na nga madalas ang pag-uusap namin ni Kairi dahil marami nga akong ginagawa. Kung magkakaroon man kami ng oras, siguro minu-minuto lang dahil kahit break time, na sa SSG Room ako para gawin ang mga paper works na hindi ko inaasahan na marami pala.
Saka lang talaga kami nakakapag-usap ng medyo matagal-tagal ni Kairi 'pag uwian dahil hinihintay niya ako sa labas ng gate.

Kapag umuulan naman, sa classroom siya tumatambay at nagbabasa ng academic books. Ginagawa rin niya ang mga assignment and projects niya para kapag pareho na kaming umuwi, wala na siyang po-problemahin maliban sa trabaho niya sa Speakeasy.

6:38 PM

Ini-stapler-an ko ang mga papel noong mapahinto ako't mapatingin sa labas ng bintana. Hindi ko namalayan na wala na rin pa lang masyadong estudyante.
Tiningnan ko naman ang wall clock. "6:39 PM." Basa ko ro'n at alalang ibinalik ulit ang tingin sa labas. Umuwi naman na siguro si Kairi, 'di ba? Sinabi ko namang late ako makakauwi, eh.

"Mauna muna ako sa 'yo, President." Paalam ng isa sa peace officer kasabay ang pagtampal ng balikat ko bago siya umalis ng SSG Room. Ako na lang pa lang mag-isa rito?

Pumasok bigla si Dimples na may dala-dalang supot na naglalaman ng ilang stick ng Barbeque. Lumabas lang pala siya para bumili ng makakain. 'Kala ko umuwi na.

Pabatong inilagay ni Dimples ang small bag niya sa pahabang sofa at inabot sa 'kin ang supot na may lamang Barbeque. Inalis niya ang karne sa stick gamit ang kanyang ngipin. "Gusto mo?" Alok niya sa 'kin na hindi ko tinanggihan dahil medyo nagugutom din ako. Kumuha ako ng isang stick at mabilis na inubos iyon para makabalik sa trabaho.

Umupo siya sa edge ng pahabang sofa't ngumunguya-nguya. "How are you and Kairi?" Tanong niya kasabay ang aking pag-upo sa pwesto ko para pirmahan 'yung mga dapat na mapirmahan. Nakakapagod 'tong trabahong 'to.

"Don't ask me like we're lovers or something. Mag kaklase lang kami." Tugon ko. Bakit parang ang defensive ko naman kung makasagot. Nagtatanong lang naman siya.

She hummed. "Bakit? 'Di mo ba siya gusto?"

I blushed, muntik ko pang mabitawan 'yong hinahawakan kong stapler.
Pasimple akong bumuntong-hininga bago tumingala para makita siya na relax lang na kumakain doon sa sofa. Hindi ko ipagkakaila na ang galing niya, mabilis siyang makatapos sa mga tungkulin niya.

Ba't hindi na lang siya 'yung naging SSG President?

"I like her but as a friend."

Nagkibit-balikat siya. "You're too defensive." Ani Dimples at umalis na sa pagkakaupo sa sofa para pumunta sa aking harapan matapos niyang itapon sa basurahan 'yung supot na pinaglagyan ng Barbeque niya kanina. "I like Kairi, not as a friend but as a person." Seryosong wika niya na hindi nagpaimik sa akin.

Wala akong kibo na nakatingin sa kanya nang ibaba ko ang tingin sa papel na hawak ko. "Bakit mo sinasabi sa akin 'yan?" Balewala kong tanong. Hindi naman niya kailangang sabihin 'yun sa akin. Da't kay Kairi na lang niya idiniretsyo.

"Because I want you to help me out. Gusto kong mapalapit sa kanya." Dugtong niya, hindi ko namalayan ang pagdikit ng kilay ko. Bakit ako?

Itinagilid niya ang ulo niya. "Hindi ba't wala ka naman kamong gusto kay Kairi? Then why are you making such face?" Namilog ang mata ko at mabilis siyang tiningalaan.

Mabilis akong umiling. "I'm not, you're just imagining things. I'm just a bit surprised na nagagawa mong sabihin 'yan sa akin."

"Wala naman akong dapat na ikailang, eh. You're Kyrie Henderson, hindi naman ikaw 'yung babaeng mahilig magkaroon ng pakielam sa mga ganitong bagay." Sandaling bumuka ang bibig ko, pagkatapos ay inilinya na lamang ang ngiti sa aking labi. Oo nga naman.

Nag gesture siya na parang hinihingi ang approval ko. "So? Payag ka ba? Ikaw lang kasi 'yung alam kong pwedeng makatulong sa 'kin. Alam mo 'yon? Close kayo?" Patanong niyang sambit.

Bumigat yata 'yung dibdib ko. Siguro dahil sa ideyang parang ginagamit niya ako?
Ngumiti pa ako ng pilit. "Of course, I will help you out. Kung makakatulong nga ako." Pagpayag ko sa hinihingi niyang pabor at pilit na lamang na natawa.

Hinawakan naman niya ang dalawa kong kamay kaya nabitawan ko ang hawak-hawak kong stapler. "Thank you, ah?!" tuwang tuwa niyang pagpapa-salamat na tinanguan ko lang.
Binitawan na niya ako't kinuha ang photo paper na naka-print out sa computer desk. Iyon 'yung iniwan ng secretary namin para dalhin pauwi ni Dimples.

Nag-ayos na siya ng gamit para makauwi.

"I can't wait, pinasaya mo talaga ako ngayong araw." Ngiting-ngiti niyang wika bago magpaalam sa akin para umalis. Kaya tuluyan na 'kong napag-iwanan sa SSG Room.
Napakamot ako sa batok at ibinaba ang tingin nang mapansing may mga nagkalat pa lang papel sa sahig.

Bumuntong-hininga ako at pinulot na nga lang ang mga iyon.

May nagbukas nanaman ng pinto, inaakalang bumalik si Dimples noong mapagtanto kong si Kairi pala ito. Tumayo ako mula sa pagkapulot ko lahat ng papel. "B-Bakit nandito ka pa?" Nanlalaking mata kong tanong.

Naglakad siya palapit sa lamesa ko para tingnan ang ginagawa ko. "Hmm... Busy ka pa rin, ano?" Sambit niya kaya yumuko ako para tingnan ang mga papel na pinulot ko kanina.

"Yeah." Tipid kong sagot.

"I will help you." Lumingon ako pabalik sa kanya. Sinisimulan niyang stapler-an ang mga papel na inaasikaso ko kanina.
Humarap ako sa kanya. "Hindi mo naman kailangang gawin 'yan. Umuwi ka na, baka mamaya, ma-late ka pa sa trabaho ng dahil sa 'ki--"

"I waited for you, it means it's okay." Tugon niya dahilan para hindi ako makaangal.
Wala na lang din akong nagawa kundi ang umupo sa pwesto ko at gawin ang mga trabaho na hindi ko pa nagagawa.
Namagitan ang sobrang katahimikan sa 'min ni Kairi at ang tanging maririnig lamang ay ang pag click nung stapler gayun din ang pagsulat ko sa papel.

Sa bawat paggalaw ng oras-an ay ang pagbaba ng araw.
Nakatapos lang kami, alas otso na ng gabi.

Nag-unat ako 'tapos nagbuga ng hininga. "Natapos din." Labas sa ilong kong wika at kinuha ang bag sa ilalim ng aking lamesa. Isinabit ko ito sa balikat ko saka ko nilingon si Kairi na nakasalong-baba na nakatingin sa akin. Nandoon siya sa upuan ng SSG adviser ko.

Grabe, nahiya ako bigla dahil tinulungan niya ako kahit may trabaho pa siya mamaya.

Tumayo na si Kairi para lumapit sa akin. "I'll treat you dinner before you go, sa'n mo gust--" Pinutol niya ang sasabihin ko sa pamamagitan ng biglaan niyang pagyakap sa akin.

Nakatulala lang ako sa harapan nang mapatingin ako sa gilid ng ulo niya. "May problema ba?" Tanong ko kahit alam ko namang palagi siyang may problema. Tsk. Gusto kong iumpog sarili ko.

Umiling siya at ibinaon lang ang ulo sa dibdib ko. "Gusto mo ba 'tong ginagawa mo sa SSG?" Tanong niya kaya ibinaba ko ang tingin.

"Bakit mo biglang natanong?" I asked.

Humigpit ang yakap niya. "Nothing. Baka kasi napipilitan ka lang sa mga ginagawa mo." Tugon niya nang hindi pa rin inaangat ang tingin.

Kumurap-kurap ako. Wait, she sound guilty.

Saglit ko pa siyang tinitigan nang ilayo ko ang mata ko para ibaling sa kaliwang bahagi. "By any chance, iniisip mo ba na ginagawa ko 'to nang dahil sa'yo?"

Gumalaw siya nang kaunti, senyales na tama ang hinala ko. Kumamot ako sa pisngi ko gamit ang aking hintuturo. "Hmm, totoong pino-protektahan ko rin 'yung sikreto mo pero ginagawa ko 'to dahil gusto ko. Kaya ano, wala ka naman sigurong kailangang ipag-alala?" Parang nag-aalangan kong sambit. 'Di ko kasi sigurado kung tama ba na sinabi ko iyon sa kanya.

"Sorry, I just miss you so bad."
Hoy, hoy... Ano ba talagang nangyayari rito? Masyado ba siyang malungkot ngayon?

Lumayo na siya sa 'kin pero hinawakan niya ang parehong kamay ko. She wore a smile.
"Can I hold your hand 'till we separate our ways?" She said, asking for permission.

Ibinaba ko nang kaunti ang ulo ko ng hindi inaalis ang tingin sa mata niya na parang kumikislap.
Tumitibok 'yong puso ko dahil nadadala ako sa sinasabi niya. Ninenerbyos ako.

"I-I don't mind." Sagot ko kaya mas binigyan pa niya ako ng matamis na ngiti.

Pinatay namin ang ilaw at ni-locked ang pinto ng SSG Room. Hindi naman ganoon kadilim sa labas dahil mayroon namang ilaw sa hallway. Naglakad kami habang magkahawak kamay. I don't mind it at all. We're both girls. And GIRLS also do this.

Naglalakad kami nang makita namin sa hindi kalayuan ang school fountain.
Both of us quickly walked over there.
The fountain bounce spurts of water well timed with its faded and brightened different vibrant colors, it also had crystal sphere of light which makes it mesmerizing.
"Ngayon ko lang ulit 'to nakita." Tukoy ko sa dancing fountain at nilingon si Kairi na nakatuon lang din ang tingin sa fountain. Mas lalong kumikinang ang mata niya habang pinapanood ang iba't ibang kulay na liwanag mula sa LED pond.

Umihip ang malamig na hangin kaya pati ang mahahaba niyang buhok ay sumasabay sa pagsayaw sa ere. "...ang ganda" Wala sa sarili kong sabi.

Iniipit niya ang hibla ng buhok niya sa kanyang tainga at ngumiti. "Yes, indeed. Ang ganda nga." Sabay tingin sa akin kung saan naabutan niyang nakatitig ako sa kanya.
Umiwas ako ng tingin 'tapos napabitaw bigla sa kamay niya.

"Huwag na tayong magtagal, kumain na tayo dahil nagugutom na ako--"

Idinikit ni Kairi ang hintuturo niya sa pagitan ng mga dibdib ko. Itinabingi niya ang ulo niya at nakangiti na animo'y nang-aakit nanaman.
"You can eat me if you want." Lumunok ako't salubong ang kilay na hinawakan ang pulso niya para alisin ang hintuturo niyang nakadikit sa dibdib ko. Instead of pushing her away, I pulled her into my embrace.

"You don't have to act like that when you're with me." Saad ko at ipinatong ang noo sa kanyang balikat. "If you're lonely, just say so." at hinawakan ko ang likurang ulo niya.


Mga ilang minuto pa ang nakakalipas noong yakapin niya ako pabalik. Hindi siya umiiyak pero sigurado ako, suot-suot niya ang mukha na hindi n'ya magawang ipakita sa ibang tao.
"You know? I got the feeling I could go anywhere if it's with you." Inangat niya paunti-unti ang paghaplos ng kamay niya sa likod ko. "Let me hear more of it, your gentle voice as you care for me."

Wala akong kibo na ngumiti ng mapait.
That's right, there's no way she would fall in love with me. We're talking about Kairi Dela Valliere here.

"Just stay with me, always." Paanas nitong wika.
Yeah, that sort of future wouldn't be too bad either.

Having become self-satisfied for a moment, the everyday life passes before I realize it. I slowly gather the pieces and see the real art of this woman.

She deserves to be loved. Not to feel worthless.

*****

Stoicismo Amore (Completed) || (GL)Where stories live. Discover now