(4) Simon Says, The Friendship goes like this...

27 5 0
                                    

Drake's POV

Hi. The name was Drake Antonio. 19. Taken. Di, joke lang. Hahaha. Yung totoo, single pa po talaga ako. And I am the cousin of Simon. Mon for short. Currently, we're living on the same house. Actually, it was his house na pinagawa talaga para sa kanya ng mga magulang niya. I was just thinking nga lang, ang laki laki ng bahay niya tapos siya lang yung nakatira. Pero may maids din naman siya at yung butler niya. Matanda na yung butler niya, since he was 5 years old, kasama na niya yung butler niya sa bahay niya. Napaka business minded lang kasi ng mga magulang niya. Palaging nasa States para asikasuhin yung company nila.

And I know you're thinking bakit kami magkasama ni Simon sa iisang bahay. Well. Haha. He needs me. Not just as his pinsan but, he needs somebody na makakausap niya.

Alam niyo kasi, si Simon, napaka Mabait niyan. Halos lahat, kaya niyang ibigay. Maybe he has everything na kayang ibigay ng parents niya. But he's not happy. Alam ko naman kasi na mahirap para sa kanya ang lumaki na wala ang magulang. Eventhough he has everything, all the resources, pero kulang pa rin talaga siya sa aruga at pagmamahal ng magulang. I am not saying na hindi siya mahal. Pero iba pa rin kasi talaga yung harap harapan mong nakikita mga magulang mo.

Balik tayo sa kung bakit ako tumira sa bahay niya.

When I was 10 and 9 pa si Simon nun, Nag reunion kaming magkakapamilya. Wala lang. Nagreunion lang kami. Pero wala siyang ibang kasama kundi yung butler lang niya. Hindi kasi nakauwi yung parents niya nun kasi nga hindi pwedeng iwan yung business nila dun sa States. So ayun, nasa loob ako ng venue nun when I saw him alone. Andun yung butler niya sa likod niya, nakatayo, pero nakaupo lang talaga siya. Walang kausap. Nag-iisa nga kasi.

Siyempre, lumapit ako sa kanya. Nakita ko naman yung butler niya na nakatingin sa akin. At first, nakakatakot kasi mukhang strikto yung butler niya pero ngumiti siya sa akin. Lumapit ako kay Simon dala ang isang upuan tapos nilagay ko sa tabi niya tapos umupo ako. Bata pa kami nun kaya mabigat pa yung upuan na dala dala ko.

Pumwesto na ako. He's staring at me and I gave him a smile. Tapos nag hi lang ako. Napansin ko naman yung butler niya na lumayo muna sa amin tapos kinausap yung mga magulang ko, hindi ko din rinig kong anong pinag-uusapan nila. Usapang matanda naman yun, hindi ko din maiintindihan.

"Uhm. Ah. Eh. Hi---pinsan!" Bati ko sa kanya. Tapos tinignan lang niya ako at hindi man lang bumati pabalik. Ayun. So hindi naman ako sumuko. Pumunta ako sa pinakamalapit na buffet nun at kumuha ako ng dalawang Apple. Oo. Apple talaga yung nakuha ko nun, yun kang kasi ang kaya kong abutin sa mesa nun. Tapos bumalik ako sa inuupuan ko sabay abot ng Apple kay Simon. Hindi ko pa siya kilala nung mga oras na yun.

Pagkabigay ko sa Apple, kinuha naman niya.

"Th-t-thank you!" Sabi niya. Tapos tumingin siya sa akin tapos ngumiti ako sa kanya. Yung ngiting bata. Haha bata pa nga kasi kami nun.

"You're welcome Pinsan!" I gracefully said to him tapos sabay kaming kumain ng mansanas. Nagpaunahan pa kami sa pag-ubos nun siyempre natalo ako. Bilis niya kasing kumagat ng mansanas eh.

"Wahhh. Weak." sabi niya tapos nagtatawa nalang nun. Na realize ko naman na kailangan lang talaga niyang may makakausap. Hindi kasi siya nagsasalita kapag hindi mo inuunahan, NOON yun.

Makalipas ang ilang araw matapos ang reunion, I told my parents na lumipat ako sa paaralan kung saan nag-aaral si Simon. Gumagaan kasi pakiramdam ko pag kasama ko siya eh. And I was also like him, ako lang isa ang anak ng parents ko, wala akong kapatid. Kaso nga lang, iba lang yung parents ko sa parents niya. Kahit na may business yung parents ko, hindi pa din nila ako nakakalimutan. We always have time to bond.

Simon Says [ON-GOING] [#wattys2019]Where stories live. Discover now