9

23.9K 667 30
                                    


SA PARKING ay naroon pa ang sasakyan ng mga kaibigan nila pero hindi na sila nag-abalang magpaalam sa mga ito. Sakay ng kanya-kanyang kotse ay lumabas sila ng resort. Magkasunod. Kung may isang sasakyang nakukuhang pumagitan sa kanila ay agad sinisikap ni Greg na makasingit doon. Gustong isipin ni Bianca na hindi nito gustong mawala man lang sa paningin nito ang sasakyan niya.

Hindi niya maiwasang mapangiti sa kabila ng lahat. At kahit sa sarili ay hindi maintindihan ang nararamdaman. Nang magkanya-kanya na sila ng tungo sa kani-kanilang sasakyan ay tila ba may pakiramdam siyang magkakahiwalay sila, at na hindi niya gustong mangyari iyon.

Habang papalapit sa bahay nila ay nagsimula nang kabahan si Bianca. Totoong gusto na ng mommy niyang mag-asawa na siya pero natitiyak niyang hindi naman sa ganoong paraan.

Katinuan ba ng isip sa bahagi niya ang ginawang pagpayag sa suhestiyon ni Greg? Part of her mind screamed yes. Pero may isang bahaging tumatanggi. Isang seryosong bagay ang pagpapakasal.

Kahit pa nga ang dalawang taong nagmamahalan at matagal nang magkakilala ay hindi nagkakasundo sa kalaunan. Marami siyang mga kakilalang ang pagsasama ay nauuwi sa hiwalayan at nasasakripisyo ang mga anak.

And marrying a total stranger was the height of insanity. It could have been lust that made her agree to this crazy idea.

Makalipas ang isang oras mahigit ay ipinarada ni Bianca ang sasakyan sa harap ng bahay nila. Sa likuran ng kotse niya ipinarada ni Greg ang sasakyan nito.

"Hindi mo pa sinasabi sa akin kung ano ang trabaho mo," tanong niya nang bumaba sa sasakyan si Greg. She almost groaned. Nagpakasal at nakipagtalik siya sa isang lalaking wala siyang alam kundi pangalan.

Greg grinned. At sa hindi mawari ni Bianca ay tila napigil ang hininga niya. "I'm a carpenter. Gumagawa ako ng mga cabinet, chairs, name it."

Alanganing tumango siya.

"Don't worry, Bianca. My job can support a wife," patuloy nito, nanatili ang ngiti sa mga labi. "And children," he added wickedly.

Umiwas siya ng tingin. "Salamat, pero hindi ko naman kailangan ng suporta. May sarili akong trabaho. Besides, we don't have that kind of marriage."

The smile was gone instantly. "Ano'ng ibig mong sabihin?"

"We don't have a real marriage, Greg. At kahit anuman ang mangyari, hindi ko bibitiwan ang boutique ko."

Ilang sandali siyang tinitigan nito na para bang may isang bagay na gustong sabihin subalit biglang nagbago ang isip at sa halip ay, "You can keep your shop as long as you want. O kung gusto mo naman, ako na lang ang hihinto sa trabaho ko. Ako na lang ang suportahan mo." Again, that heart-stopping grin.

She grinned back. Subalit agad din niyang pinawi ang ngiti dahil parang may mali. Hindi sila dapat nagngingitian na tila ba magkaibigan.

Inilahad ni Greg ang kamay sa may direksiyon ng gate ng bahay nila. "Tayo na bang humarap sa guillotine?"

She blinked. Tumingin sa gate at nagsimulang umahon ang kaba. "Guillotine. Akmang salita ang ginamit mo dahil sa kabang nararamdaman ko'y tila puputulin ang ulo ko."

Greg reached for her hand and squeezed it firmly. "Relax, Bianca. It's going to be all right."

Isang katulong nila ang nagbukas ng gate. Tuloy-tuloy sila sa loob na magkahawak-kamay. Sa may pinto ng bahay ay naroon si Mrs. Sebastian.

"Bianca!" Halos magkandarapa ito sa pagsalubong. Niyakap siya. Pagkatapos ay nilingon si Greg. "Ikaw na marahil si Gregorio," anito at tiningnan si Greg mula ulo hanggang paa.

When Fools Rush In (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon