11

23K 569 3
                                    


"JENNY!" Nagmadaling bumaba si Bianca ng hagdan para salubungin ito. "Saan ka ba nanggaling? Hindi na kita nakita simula noong—" Napahinto siya nang maalala kung kailan niya ito huling nakita.

"Since Silang," ani Jenny at niyakap siya. "Tumawag ang mama ni Pete. Anniversary nila, kaya kailangan pa naming magpunta sa Ilocos. Dalawang araw kami roon."

"Sa dining room na tayo mag-usap. Nagluto ng ginataang bilu-bilo si Mommy." Hinila niya ito roon. Pinaupo at hinainan ng ginatan. "Kailan pa kayo dumating?"

"Kanina lang. Hindi ako makapaniwala nang tawagan ako ni Carlo at ikuwento ang pangyayari."

Kumunot ang noo niya. "Sinabi sa iyo ni Carlo? Bakit wala ka bang naalala noong gabing iyon?"

"Well, bits and pieces. Nalasing talaga ako nang gabing iyon. Pero natatandaan ko nang pagkatapos ninyong magsayaw ay nagkantiyawan na magpakasal kayo ni Greg at pagkatapos ay ako pa nga ang dumampot ng mga bulaklak sa plorera at ibinigay sa iyo..." She laughed.

"Malabo na sa isip ko ang sumunod na pangyayari. Pagkatapos ay naalala kong niyaya ako ni Pete na kumuha kami ng cottage. And you know..." She shrugged.

"What about the ceremony?"

"Vaguely. But I could picture you and Greg standing before a big man. Wala man lang sinabi sa akin si Pete nang pauwi na kami. Gusto ko ngang magalit sa taong iyon. Pagkatapos naming magpunta sa mga magulang niya, 'ayun nag-out of town na naman. Wala nang panahon sa akin iyon, eh. Kung hindi pa nga dahil sa celebration mo, nunca na samahan ako noon sa Silang."

"That's not true. Marahil ay naghahanda lang ang asawa mo sa mas malaking responsibilidad kaya abala sa trabaho."

Hindi ito sumagot at nilaro-laro ng kutsara ang ginatan.

"Malay mong gusto na niyang bumuo ng pamilya. Dalawang taong mahigit na kayong kasal. Dapat ay may anak na kayo."

Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Jenny. "Anyway, hindi naman ako nagpunta rito para maglahad ng mga hinanakit ko kay Pete. So, ano na ang nangyari sa inyo ni Greg? Sabi ni Carlo lilipat ka na raw sa kanila. Ano ang sabi ni Ninang?"

"Susunduin niya ako ngayon. At si Mommy ay tuwang-tuwa kay Greg. Para itong long lost son sa kanya na biglang nagpakita," matabang niyang sabi.

Napangiti si Jenny roon. Pagkatapos ay sumeryoso. "Hindi ka ba natatakot? You don't really know him. Ganoon din siya sa iyo. At alam kong ikaw iyong klase ng tao na hindi basta-basta pumapasok sa walang- katiyakang relasyon."

"We... we spent the night together, Jen," usal niya, umiwas ng tingin. "I don't know how it happened, but I really spent the night with a man. At wala na akong magagawa. Totoong gusto kong kalimutan na lang sana ang nangyari, my pride dictated that. Pero sa kaibuturan ng puso ko'y nagpapasalamat akong hindi ako basta tinalikuran ni Greg na parang walang nangyari. Napakadali para sa kanyang gawin iyon."

"Kilala kita sa pagiging organisado, Bianca. Lahat ng bagay, bago mo gawin ay pinaplano mo muna. Kahit nga ang simpleng pagkain lang sa labas ay planado mo rin. I just couldn't picture you jumping into marriage like this."

Bianca gave a short laugh. "At hindi sa ganitong sitwasyon ko pinlano ang aking pag-aasawa. Not even close."

Napangiti na rin si Jenny. Nawala ang kaseryosuhan sa mukha. "So, what now?"

"We'll make it a try. Subukang mag-adjust sa isa't isa."

"Are you in love with him, yet?"

Namula si Bianca sa tanong na iyon. "Hindi naman ganoon kadali iyon," simple niyang sagot. "Sa nakalipas na tatlong araw ay palagi siyang nandito pero mas sila ng Mama ang nag-uusap. Hayun, my mother fell for his charm, hook, line and sinker."

Natawa si Jenny. "Ikaw? What do you think of him?"

She took a deep breath. "I find him... attractive?"

"Attractive? Iyon lang?" Iwinasiwas nito ang kutsara sa ere. "Bianca, Greg's a bonafide hunk!"

"Okay. Pero hindi naman basehan iyon para sa isang matatag na pagsasama. Kagaya ninyong dalawa ni Pete. Sigurado akong hindi lang sa pisikal na atraksiyon kaya maayos ang pagsasama n'yo. There's more to just physical attraction, Jenny."

Nawala ang ngiti nito. "Iyon ang akala mo," mahinang tugon ni Jenny na yumuko at sumubo. Napakunot ang noo niya roon. Pero bago pa siya makapagtanong ay tumayo na ito. "May lakad pa ako, Bianca. Kinumusta lang kita... kayo." Kinuha nito ang bag sa ibabaw ng mesa. "Give my kisses to Ninang..."

Napilitan siyang tumayo na rin.

Niyakap siya nito. "I'm so happy for you both. I really do wish you and Greg will make it."

"Thanks." Inihatid niya ito sa pintuan.

Wala na ang kaibigan ay nakatanaw pa rin siya sa labas. Natitiyak niyang bigla itong umiwas sa huling topic tungkol dito at kay Pete. Dalawang taon na itong kasal kay Pete. Sa loob ng pagsasama ng mga ito ay nakikita niya ang pagmamahalan ng dalawa. Minsan ay naiinggit siya sa dalawang kaibigan. Pero kanina ay nakita niya sa mga mata ni Jenny ang lungkot.

Bigla niyang naisip ang kalagayan niya ngayon. Sa nakatakdang pagsasama nila ni Greg. Sa buong buhay niya, ngayon lang siya nakaramdam ng... thrill... ng excitement. Ngayon lang niya naisip na nakakabagot pala ang takbo ng buhay niya bago nakilala si Greg.

Totoo bang tumutubo ang pag-ibig tulad sa isang halaman? Would they fall in love? Would Greg love her?

Ipinilig niya ang ulo. Hindi niya dapat isipin ang isang bagay na hindi niya matiyak ang kahihinatnan. 

When Fools Rush In (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon