15

23.5K 599 22
                                    


"SIGURADO ka bang ayos lang ang suot ko? Baka hindi magustuhan ng mama mo. Baka—"

Itinaas ni Greg ang mukha niya at tinitigan siya. "Darling, you look great. Relax." Binuksan nito ang passenger seat sa four-wheel drive pickup at pinasakay siya.

Nasa arrival area na sila ng kalahating oras pero hindi pa rin mapawi ang kaba sa dibdib ni Bianca.

"There's my mother," turo ni Greg sa babaeng kasabay ng mga naglalabasang pasahero. Then he gave her an encouraging smile.

Kahit hindi ituro ni Greg ay natitiyak niyang ina nito ang papalapit sa kanila. Nakataas ang noo nito habang naglalakad. Tila donya. Nakangiti ito nang nasa harap na nila ngunit ang mga mata ay nanunuri nang bumaling sa kanya.

Niyakap ni Greg ang ina. "Did you have a pleasant trip?"

"I was bored," sagot nito. "Kumusta ka na?"

"I'm fine, Mama." Nilinga nito si Bianca. "Tulad ng sinabi ko sa inyo kagabi, may sorpresa ako sa inyo..." Hinawakan nito ang mga kamay niya. "This is my wife, Bianca."

Ang kilay ng ginang ay awtomatikong tumaas at tiningnan si Bianca mula ulo hanggang paa at pabalik. "Kailan pa?" she asked, hindi nito itinago ang disgusto sa tinig. "Bakit hindi mo man lang napagkaabalahang itawag sa akin?"

Protectively, inilagay ni Greg ang kamay sa baywang ni Bianca na tila ba sasalakayin siya ng ina nito. "Limang araw na mula nang ikasal kami. Alam kong uuwi kayo kaya hindi ko na itinawag. Matagal mo nang gustong mag-asawa ako, so I want to surprise you."

"Oh." Muling umangat ang kilay ni Mrs. Carmela Vargas. "Siyanga pala, may kasama ako. Magugulat ka," wika nito, lumingon. "There she is."

Napanganga si Bianca sa hinayon ng tingin ni Mrs. Vargas. Humulagpos ang kamay ni Greg sa baywang niya. Ang babaeng palapit ay tila lumabas sa isang fashion magazine. O di kaya ay naliligaw na mannequin. Katunayan ay nakukuha nito ang atensiyon ng mga nasa paligid.

"Hi, Greg."

"Alice?"

"Sino pa ba?" nakangiting tugon ng babae.

"Dalagang-dalaga ka na, ah!" komento ni Greg. "At ang ganda mo na rin."

"Ano ba ang sinabi ko sa iyo bago ako umalis? Na sa muli nating pagkikita ay hahanga ka sa akin. Sino ngayon ang negra?"

Isang tawa ang pinakawalan ni Greg. Nagpupuyos ang loob ni Bianca pero hindi siya kumikibo. May pakiramdam siyang nalimutan ni Greg ang pag-iral niya.

Hindi pa narehistro sa isip niya iyon ay nilinga siya nito. "Siyanga pala, Alice, si Bianca—"

"Greg, mabuti pa ay sa sasakyan na natin ipagpatuloy ang pag-uusap," putol ng mama ni Greg sa sinasabi ng anak.

"Mabuti pa nga," sang-ayon naman ni Greg at binuhat ang bagahe ng ina at inabot ang maliit na maleta ni Alice.

Hindi naman nakaligtas kay Bianca ang ginawa ni Mrs. Vargas. Sinadya nitong putulin ang pagpapakilala ni Greg sa kanya. May naamoy siyang hindi maganda. Mayamaya pa ay binulungan siya ng mama ni Greg na sa likod na ng kotse maupo at si Alice na lang sa unahan para makapagkuwentuhan daw ang dalawa.

Harap-harapang ipinapakita ng ina ni Greg na hindi siya nito gusto. Gayunman ay hindi nasunod ang gusto ni Mrs. Vargas dahil pagkatapos ilagay ni Greg ang dalawang maleta sa likuran ng pickup ay hinawakan siya nito sa braso at inakay sa passenger seat sa unahan, saka binuksan iyon.

"Oh, Alice, this is my wife, Bianca," itinuloy nito ang nabinbing pagpapakilala.

"Hello, Alice," she said in a friendly tone. Hindi niya sinulyapan ang mama ni Greg na binuksan na ang likuran.

Umangat ang mga kilay ni Alice sa pagkagulat. "Asawa? I can't believe it! Confirmed bachelor iyang lalaking iyan. Ano'ng ginawa mo at nabingwit mo ang lokong 'to?" She smiled.

"I didn't force the bait," she said.

Alice laughed. "I'll remember that. Perhaps I could learn a lesson or two from you."

"Oh, you would," ani Greg na nakangiti rin, masuyo ang tingin sa kanya. "She's a very good cook, too."

Isang nahihiyang ngiti ang naging sagot niya bago pumasok sa loob ng pickup pero sa gilid ng mga mata niya ay hindi nakakaligtas ang matalim na tinging ipinukol ni Mrs. Vargas sa kanya.

Nagpakawala siya ng nag-aalalang buntong-hininga. May palagay siyang iyon na ang simula ng malalagim niyang mga araw.

Hanggang makarating sila sa bahay ay hindi nagsasalita si Bianca. Hinayaan niyang ang usapan ay mamagitan lang sa tatlo. Nagtuloy siya sa silid niya pagdating sa bahay.

Ilang minuto pa ay narinig niya ang marahang katok. "Come in." Bumukas iyon. Sumungaw ang asawa.

"Hey, bakit hindi ka sumali sa usapan sa ibaba?"

"Inaantok na kasi ako," dahilan niya habang sinusuklay ang buhok.

Hinawakan ni Greg ang magkabilang balikat niya at hinagkan siya sa ibabaw ng ulo. Pagkatapos ay tinitigan ang repleksiyon niya sa salamin. "Pasensiya ka na kay Mama. Nabigla lang iyon nang malamang nag-asawa na ako. Nasanay kasi siya na siya ang pumipili ng mapapangasawa ko."

She shrugged her shoulders. "We both gave our parents a surprise of their lives, Greg. Naiintindihan ko."

"Pero higit na mabait ang mommy mo. Tinanggap ako kaagad."

"Oh, she would welcome any man I introduce her as my husband. She wanted to marry me off badly," she said bitterly.

Pinaglaro ni Greg ang mga daliri sa buhok niya. A symphatetic smile crossed his lips. "You're an only child, Bianca. Sabik ang mama mo na magkaroon na ng apo. Besides, hindi ako naniniwalang magugustuhan ng mama mo ang kahit na sinong lalaking ipakilala mo. She happened to like me at once because—"

Natatawang itinaas niya ang dalawang kamay. "Okay, you're a very likeable man..."

He grinned. "Sa kuwarto ko ikaw matutulog ngayong gabi."

"Bakit?"

"Magtataka sila. Huwag kang mag-alala, sampung araw lang ang Mama rito."

Hindi agad siya makasagot. Nag-uunahan ang mga damdaming isa-isang umaahon sa dibdib niya. Matutulog sila ni Greg sa isang silid. At tiyak, sa iisang kama. Part of her was thrilled with the idea. Pero sa kabilang banda ay naroon din ang agam-agam, pagkailang, at embarrassment.

But she couldn't say no. Tama ito. At hindi niya gustong bigyan ng pagkakataon si Mrs. Vargas na makakita ng butas sa pagsasama nila ni Greg.

"Hey," putol ni Greg sa pag-iisip niya.

Nang tumingala siya sa salamin ay nakatitig ito sa repleksiyon niya roon. He was grinning like a pirate.

"Sinabi ko lang na sa kuwarto ko ikaw matutulog pero tingin ko sa iyo'y para bang sa death chamber ka pupunta."

"S-sige... susunod ako."

When Fools Rush In (COMPLETED)Where stories live. Discover now