Prologue

114 49 99
                                    

Her POV

Rất tiếc! Hình ảnh này không tuân theo hướng dẫn nội dung. Để tiếp tục đăng tải, vui lòng xóa hoặc tải lên một hình ảnh khác.

Her POV

May crush ako, pero walang ibang nakakaalam nito kung hindi ang diary ko.

Paano ko ba naman sasabihin sa mga kaibigan ko?

Bukod kasi sa nakakatakot ang pagiging maingay nila ay baka ipagsigawan pa ng mga ito sa harapan niya at ng ate ko. Kaya mas mabuti na sigurong sa isang papel na lang. Tahimik, walang magkakalat at walang manghuhusga.

May crush ako, pero hindi ko alam kung bakit...

Bakit palagi niya akong iniiwasan?

Kagaya nalang no'ng isang araw, naabutan ko siya na kausap ang ate ko malapit sa karendirya. At nang mapalingon siya sa akin habang papalapit ako ay bigla siyang nagpaalam.

"Sia una na ako, tapos na naman tayo dito, 'di ba?" dinig kong aniya.

"Oo. Pero bakit mukhang nagmamadali ka ngayon? May lakad ka ngayon?"

"May inuutos pa kasi si Sir Dan."

"Oh? Sige, sige, agahan mo na lang bukas."

Kahapon, pagpasok ko sa library ay siya namang pagtayo niya. Kaya ako naman, wala nang nagawa kung hindi kuhanin ang binakante niyang upuan.

Akala niya siguro hindi ko napapansin, pati ang pagkausap niya sa mga kaibigan ko. Sa tuwing darating ako ay natataon ang pagkausap niya sa ibang grupo.

Sa Cafeteria, every lunch sa isang mesa ay palagi siyang nag-iisa at sa tuwing darating na ang buong barkada ay tapos na siya, paalis na.

At ito pa, kanina sa sakayan, nang makita niya na ako ang makakasama niya sa loob ng tricycle ay bumaba siya at likod pumwesto. Hindi lang ito ang unang pagkakataon na ginawa niya iyon.

Ano bang mali sa akin?

Hindi ko naman ipinapakita. Hindi ko naman ipinapahalata.

Pero bakit umiiwas siya?

Crush ko siya, pero tama pa ba ito?

Lalo pa na alam ko na may gusto sa kaniya ang ate ko.

Crush ko lang naman siya pero...

Bakit nasasaktan ako ng higit pa sa akala ko?

Paano nga ba ako nagkagusto sa kanya ng ganito? Palagi lang naman akong dinadaanan ng paningin mo. Pero ako, bawat pagkilos mo ay napapansin ko.

Napapansin ko na lahat ng iyon ay nilalayuan ako.




Sweet Escape Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ