Chapter 1: Probinsya

104 49 231
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Cali's POV

Alas-otso nang hapon nang makaalis kami sa bahay. At dahil sa traffic ay ang normal na tatlong oras na byahe mula Manila patungong Nueva Ecija ay inabot ng halos limang oras. Kaya naman nang makarating kami sa probinsya ay halos tulog na ang mga kamag-anak namin maliban sa pinsan ko na tuwang-tuwa sa pagdating namin ng ate ko.

Nang makita ni Reese na pababa kami ng tricycle ay kaagad niya kaming sinalubong na may napakalawak na ngisi.

"Cali!" pasigaw niya sa pangalan ko kasabay nang pagkuha sa bag na hawak ko. "Hello po, ate Sia!" masiglang pagbati naman niya kay ate.

"Hello Reese! Pasensya na ah? Medyo late akong nakapag-out sa shop kaya masyado kaming ginabi. Sinabayan pa ng sobrang traffic."

"Nako! Ate, ayos lang po!" sagot ni Reese. "Kumain na po ba kayo?" tanong naman niya nang makapasok kami sa bahay nila. "Hindi na kayo nahintay nila mama dahil napagod sa karinderya kanina. Pero may iniwan naman silang makakain. Gusto niyo ba iinitin ko?"

"Kumain na kami sa byahe. Pero baka iyang si Cali ay nagugutom pa."

"Hindi na, bukas na lang siguro. Antok na rin kasi ako," maagap na sagot ko.

"Sige... Cali, alam mo naman yung kwarto ko, 'di ba? Mauna ka na do'n. Ihahatid ko lang si Ate Sia sa kwarto niya."

Matapos sabihin ni Reese iyon ay kaagad silang umakyat ni ate sa taas. Habang ako ay kaagad kong tinahak ang daan patungo sa kwarto ni Reese.

Nang makapasok ako sa loob ay kaagad akong pabagsak na humiga sa higaan na malapit sa bintana. At dahil na rin siguro sa pagod ay kaagad akong kinain ng antok.

10:27 am

Ilang sandali pa akong napatitig sa kisame at makalipas ang ilang minuto ay bumangon na. Matapos mag-stretch ng ilang beses ay kaagad akong lumabas ng kuwarto at dumiretso sa banyo. Ginawa ko ang dapat gawin at matapos iyon ay nagtungo ako sa kusina kung saan naabutan ko na abalang naghihiwa ng karne ang ate ko.

"Mabuti naman at nagising ka na," bahagya niya akong tinapunan ng tingin habang patuloy sa ginawa. "Habang nandito ako ay tutulong ako sa karinderya nila Tita. Kumain ka na dyan, pagkatapos mo ay handa na itong mga sangkap sa lulutuing ulam para kina Hence. Ikaw na ang bahala."

"Anong luto ba iyan, ate?" tanong ko habang naghahanap ng makakain sa mesa.

"Adobo."

Tumango ako at nagsimula nang kumain.

"Si Reese pala?" tanong ko makalipas ang ilang sandali ng katahimikan.

"Papauwi na iyon galing palengke."

Nang matapos ako sa pagkain ay siya namang pag-alis ni ate. Ibinilin niya sa akin na pagkatapos kong magligpit ng pinagkainan ay isalang ko na ang ulam kaya iyon ang ginawa ko.

Sweet Escape Where stories live. Discover now