Chapter 6: That Last Part

27 9 25
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


“Are you looking for me?” anang isang pamilyar na boses mula sa likuran ko.

Dahil sa pagkagulantang ay kaagad akong napaharap sa pinanggalingan nito. At kahit na inaasahan ko na kung sino ang nagsalita ay hindi ko pa rin naiwasan ang bahagyang pag-atras nang makaharap ko na siya.

Ilang beses na pagkurap pa ang ginawa ko bago napaayos ng pagkakatayo at nag-iwas ng tingin.

Tumikhim pa ako bago tuluyang nagsalita.

“Ang akala ko ay nasa bench k—” pinutol ko ang sasabihin ko nang mapagtanto kung ano iyon.

What the hell?

What am I thinking?

Bakit ko sasabihin iyon? Ano na lang ang iisipin niya? Na kaya ako narito ay para puntahan siya?

But Cali, that's the truth! Anang isang parte ng isipan ko.

Alam ko naman iyon! But, the heck? Do I really have to embarrass myself in front of him?

Again?

Ni hindi pa nga ako nakakapag-sorry sa mga sinabi ko sakanya no'ng nakaraan.

Nag-isang linya ang mga labi ko. This is not the right time to have an internal battle!

Kaagad akong nag-angat ng tingin. At sa naabutan kong ekpresyon na mayron siya ay hindi ko masiguro kung nakuha ba niya ang ibig sabihin ng mga nasabi ko kanina.

Why can't I read his expression? Bakit kahit ang mga mata niya ay hindi ko mabasa? Nasaan na yung eyes are the the windows to the soul?

Pumaling ang ulo niya sa kaliwa at ang mapupula niyang labi ay pinag-isang linya niya. Ang mga mata niya ay hindi natinag sa panonood sa bawat ekspresyong ipinapakita ko.

“You're looking for me,” saad ni Kyro makalipas ang ilang sandali.

Umayos siya ng pagkakatayo at mas itinuon sa akin ang mabibigat niyang pagtingin. Kasunod nito ay paghalukipkip niya na naging dahilan para mapunta ang mga mata ko sa mga braso niya.

Napalunok ako. Dahil sa puting t-shirt lang ang suot niya ay kitang-kita ko ngayon ang katas ng paghihirap niya sa mga trabahong pinapasukan. Lalo na sa parteng ito.

Ilang taon na nga siya? Eighteen? Gaano katagal ang inabot bago siya nagkaroon ng ganito?

“Eyes up here Miss...” pagtikhim niya na muling nakakuha ng atensyon ko.

Nag-angat ako ng tingin. At nang magsalubong ang mga mata namin ay halos mapaatras ako. Mabuti na lamang at mabilis kong napigilan ang sarili ko.

Gaano ba ako katagal nakatitig sa braso niya? At nagawa ko iyon sa harapan pa niya? Goodness! I must be ogling at him!

Sweet Escape Where stories live. Discover now