CHAPTER NINE

69 5 0
                                    

CHAPTER 9: Hindas


MIKA'S POINT OF VIEW


Bahagya kaming napa tingin ni cal sa itaas nang maka rinig nang dagundong.


"Mika? May eroplano!" Turan ni cal sa akin.


"TULONG! TULONG! MAY MGA TAO DITO!" agad na sigaw ni cal habang kinakaway sa itaas ang kaniyang mga kamay para mapansin nang nasa itaas.


"Hindi ka nila maririnig, sobrang layo nila satin" ani ko kay cal na ikinatigil nito sa pag kaway.


" Yun na ngalang tanging paraan natin para maka survive sa lugar nato, para tuluyan nang maka alis dito tapos nawala pa! " Inis nito.


"Hayaan mo makaka alis rin tayo sa lugar nato, mahahanap natin ang iba pa nating kasamahan tapos sabay sabay tayong aalis dito" wika ko kay cal, para kahit papano mabuhayan siya nang loob.


"Mahigit dalawang lingo na tayong na stack sa lugar nato, baka akala nang mga magulang ko patay na ako" sambit ni cal na hindi mapigilan ang inis.


"Ako nga eh, malayo ako sa mga magulang ko baka isipin nila mayabang na ako dahil hindi na ako nakaka tawag sa kanila" sabi ko kay cal saka inakbayan ko ito.


"Alam mo wag kana ma lungkot nandito naman ako eh malalampasan natin to" pag papalakas ko sa loob niya.


"Salamat at nandiyan ka sa oras na pinang hihinaan ako nang loob, ikaw yung nag papalakas nang loob ko, iloveyou Mika" Saad nito sa akin na agad kong ikina ngiti.


"Oo na iloveyoutoo, kumilos na tayo para mahanap ang daan at mahanap sila" turan ko sa kanya, saka ito tumayo at nag simula na kami sa pag lalakad.


Kung san-sang banda na kami tumungo mahanap lang namin ang lagusan pa alis dito pero wala, ni hindi rin namin mahanap ang mga kaibigan namin, hindi korin alam kong buhay pa sila o patay na o baka kami nalang ang nandito at naka labas na sila sa lugar na to hays basta halo-halong emosyon ang nararamdaman ko sa mga oras nato.


"Cal, huminto muna tayo, pagod na ako" paghingal ko kasabay nang tirik na tirik na araw na ikinatagaktak nang pawis ko.


"Sige, pahinga muna tayo sandali" ani nito sa akin saka sabay kaming umupo sa lupa.


Sobrang dumi na nang aming mga kasuotan, mabaho nadin ang mga amoy namin dahil sa bilad na bilad sa araw ni hindi man lang umu-ulan, wala rin tigil ang pag kulo nang aming tiyan sa sobrang gutom at ang aming mga sugat ay hindi manlang mag hilom dulot nang karumihan namin.


"Cal, nauuhaw na ako" daing ko sa kaniya saka kinuha ang bote nang tubig na kakarampot nalang ang laman.


"Oh eto, konti nalang yan inumin muna" alok nito sa akin na agad kong tinanggap, ininom ko ito siguro naka isang lagok lang ako dahil sa sobrang konti nito, tinirhan ko naman si cal nang sa gayon kahit papano mapawi din ang uhaw niya.

The Game Of PsychopathWhere stories live. Discover now