CHAPTER ELEVEN

67 4 0
                                    

CHAPTER 11: pag mamasid


THIRD PERSON OF POINT OF VIEW

"Paula!" Sigaw ni dave sa walang malay na si pau, mabilis niya itong nilapitan at agad na inakay ang ulo nito, tinapik tapik nito ang muka ni pau na na mumutla na dahil sa sugat at pilay nito sa gawing paa.

"Kaylangan kong gumawa ng paraan kaylangan kitang iligtas" ani ni dave sa kaniyang sarile habang napa tingin sa sinaksak niyang ahas.

"Alam ko na, gagawa ako ng gamot mula sa ahas, itinuro sa akin ito ng aking lolo, kaya lang kaylangan kong isa alang-alang ang natitirang tubig na meron kami" pag sasaad niya sa kaniyang isip.

Mabilis pa sa alas kwarto nang nag simula na itong kumilos sa pag gawa ng gamot, hinubad nito ang kaniyang pang taas na saplot para maka bwelo sa init ng panahon, kitang-kita ang makisig nitong katawan saka ito nag ikot para mag hanap ng kapirasong kahoy, mga tuyong talahib at mga bato, na gagamitin niya upang maka likha ng gamot para sa sugat at pilay ni Paula.

Matapos ni dave gawin ang gamot ay pinahid niya ito sa pilay ni pau na ngayoy naka latay padin at walang malay.

"Gagaling ka, okay?" Sambit ni dave sa walang malay na si pau saka nito hinalikan sa noo.
Biglang uminit ng sobra ang panahon dahilan upang manuyot ang mga balat nila at lalamunan.

"Urgggghh, sobrang init, nag susugat na ang labi ko sa panunuyot dulot ng mainit na panahaon" sabi-sabi ni dave sa kaniyang sarile.

Naisipan nalang nitong buhatin ang walang malay na si pau at mag lakad-lakad para mag hanap ng makakain o maiinom. Napa hinto ito nang muntik mapa dulas dahil sa basang lupa, agad niyang binaba si pau at tiningnan nang malapitan ang lupa na may umaagos na tubig, mabilis siyang nag hanap ng kawayan at agad na binungkal ang lupang basa dahil sa mga tubig na umaagos mula dito, napag tanto ni dave na mapupunan na niya ang uhaw na namumutawi sa lalamunan niya dahil naka tagpo siya nang isang bokal, kinuha niya agad ang lalagyan ng tubig at inipunan ito, uminom sya nang marami para mapunan ang pag ka uhaw niya ng ilang araw.

"Salamat! Jusko" sambit ni dave sa kawalan habang patuloy padin umiinom ng tubig, kitang-kita sa kaniyang mga mata ang galak na namumutawi dahil sa wakas ay na pawi narin ang uhaw nito, sa kaniyang paginom ng alak ay napansin niyang nag kamalay na si pau at pinipilit nitong bumangon.

"Urgh! Ahh.. Dave" pag inda ni pau habang pinipilit nitong maka tayo.

"Paula! Nako naman wag mo biglain katawan mo mang hihina ka ulit niyan" pag sa lubong ni dave sakaniya saka nito inalalayan pabangon si pau.

"Oh eto, tubig uminom ka muna" pag alok ni dave ng tubig sa kaniya saka agad na ininom ito ni pau nang dali-dali dahil bukod sa gutom ito ay na nunuyot narin ang mga lalamunan nito dahil sa init ng panahon.

"Burgh! Salamat dave, tagal kodin hindi dumighay nabusog ako nang tubig" ani ni pau dito saka ito sumandal sa mga balikat ni dave.

"Awsuss, wala iyon ikaw pa malakas ka sakin eh, saka ang mahalaga gumaling kana para mapadali na tayong makalabas dito, okay?" Pag sasaad ni dave sa kaniya saka nito hinalikan ang noo ni pau.

"Oum, dahil sayo nabibigyan ako ng pag-asa na lumaban pa para maka alis sa lugar na ito" sambit ni pau kay dave saka sila nag katitigan, nang makukuha nang halikan ni Dave ang labi ni pau ay may kong anong kaluskos silang narinig Mula sa talahib kaya na udlot ang pag halik nito.

The Game Of PsychopathWhere stories live. Discover now