CHAPTER THIRTEEN

59 3 0
                                    


CHAPTER 13: Uod


THIRD PERSON OF POINT OF VIEW


"Guys! Yuhooo!" Sigaw ni kent habang palinga-linga sa paligid.


"Kent? Baka wala na sila. Baka tayo nalang ang natitirang na trap sa lugar na ito." Ani ni iris


habang nag wawahi ng talahib sa kanilang dinadaanan.


"Wag ka nga mag salita ng ganyan, baka mag katotoo. At saka wag ka mawalan ng pag-asa mahahanap din natin sila." Pag sasaad ni kent.


Habang padilim ng padilim ang paligid dahil malapit nanaman lumubog ang araw ay agad silang nag madaling mag lakad nag babakasakali na matagpuan ang kanilang mga kaibigan na halos isang buwan na silang nawawala.


"Kent? Mag pahinga muna tayo. Gabi na dito nalang tayo mag palipas ng araw." Suhesyon ni iris na agad sinangayunan ni Kent.


Umupo sila sa lupa at nilatag ni kent ang tela para may sapin at may pang laban sa lamig ng lupa ang kanilang hinigigaan. Bahagyang nakaramdam ng kirot si iris na agad ikina bahala ni Kent.


"Urgh! Ahhh!!!" Daing ni iris habang naka hawak sa braso nito.


"Iris. Anong nangyayari?" Kabang tanong ni Kent saka nito hinimas ang braso ni iris.


"Yung braso ko kent. Ang hapdi nanigas na sya." Nakakayamot na Sabi ni iris habang hawak ang kaniyang braso.


"Halos isang buwan nadin itong sugat mo sa braso. Hindi kanaman diabetic pero bakit hindi pa nagaling siguro na tetano nayan." Paglalahad ni kent, saka dahan-dahang inalis nito ang telang nakabalot sa sugat ni iris.


"Oww,shit!"


Nanlumo si Kent sa nasaksihan. Inuuod na pala ang sugat ni iris sa braso sa sobrang dumi ng katawan nito at sa sobrang dumi ng sapin nito sa sugat.


"Whuaaaaaa!!" Napa sigaw ng malakas si iris sa nakita at halos hindi ito mapa-kali sa gagawin.
"Iris huminahon ka. Mag hulis-dili ka!" Pag papahinahon ni kent kay iris.


"Kent tulungan muko! Ang sakit sakit ng sugat ko whaaa!!" Daing ni iris na nag simula nang bumagsak ang luha sa kaniyang mata dahil sa sakit na nararamdaman nito.


"Oo, iris wag kang mag-alala tatanggalin ko ang mga uod sa sugat mo." Ani ni kent saka ito napa lunok ng laway bago tanggalin ang mga uod na lumalangoy sa sugat ni iris.


Dahan dahan nitong inalis ang nakadikit na uuod sa sugat ni iris napa ungol si iris sa sobrang sakit dahil dikit na dikit ang mga uod kaya halos mabaklas ang balat sa sugat nito.


"Urgggghh! Ahhh!" Daing ni ris habang naninigas.


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 13, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Game Of PsychopathWhere stories live. Discover now