Kasaysayan

5 0 0
                                    

Taong 2513 nang lumaganap ang digmaan sa daigdig. Naipit ang Pilipinas sa pagitan ng iba't ibang bansa. Marami'ng nabuwis na buhay. Marami'ng naghinagpis. Marami'ng mga naging alipin. Marami'ng nasilaw sa kapangyarihan.

Taong 2620. Hindi pa rin humuhupa ang kaguluhan. Lumaganap ang kahirapan. Dumami rin ang nagkasakit. Nagtago ang pamahalaan na tila walang pakialam sa mga mamamayan ng bansa.

Taong 2918. Ilang daang taon na ang nakalipas. Saglit na naging payapa ang buong bansa ngunit nananaig pa rin ang kahirapan. Maraming mga lumabas na nais maging mga pinuno. Saan mang dako, may pagtatalo. Saan mang dako, may patayan. May agawan sa ari-arian at agawan sa posisyon.

Tila bumalik ang Pilipinas libong taon na ang nakakaraan. May mga dayuhan na nais sakupin muli ang kaawa-awang bansa. Sinunog ng mga ito ang karamihan sa mga aklat pangkasaysayan ng bansang nagdurusa. Ngunit hindi pa doon nagtatapos ang sinapit ng bansang Pilipinas.

Taong 3231, dumanas ng matitinding sakuna ang bansa. Malalakas na lindol, bagyo at tsunami ang naranasan ng mga mamamayan. Nakakalungkot mang isipin ngunit kalahati ng populasyon ang nabura sa kasaysayan. Nawala na sa kasaysayan ang mahahalagang pangyayari noon. Hindi na natawag na Pilipinas ang bansa. Nakalimutan na ang kultura nito.

Taong 3245 naganap ang isang pangyayaring babago sa lahat. Higit sa pitong libong mga pulo ay hindi na makilala. Isang napakalakas na puwersa ang tila humigit sa mga ito upang magsama-sama sa gitna. Inakala ng iba na simpleng lindol lang iyon na nakapagpagalaw sa lupa. Huli na ang lahat nang mapagtantong wala nang naghihiwalay sa hilaga, timog, silangan at kanluran. Ang dating libu-libong pulo ay naging isang malaking tipak ng lupa.


HilagaWhere stories live. Discover now