Chapter 13- PANIBAGONG ARAW

65 1 0
                                    

Chapter 13

My's POV

Panibagong araw na naman kaya may panibago akong chapter sa inyo guys HAHAHAHA char!!

Pero ngayong araw na to nakakapagod kasi may ginagawa kami para sa theater play, inaasikaso namin yung mga music na gagamitin tapos kami pang mag aasikaso sa gagamiting system, diba para makamura sila kami mag-ooperate kami din ang system jusko nakakabad trip sila.

"MY PAKI AYOS NGA DITO!!" Sabi nung Director jusko po eto namang sila Xander at Sef wala namang ginagawa pati yung tropa ni Xander lalo na yung SVT porket crush lang nung director

"OPO ETO NA!" Sabi ko pero biglang may nag salita sa likod ko si Sef pala

"Ako na bahala dito My kanina ka pa nag aayos di na kami nakatulong" sabi nya kaya lang biglang sumingit itong galunggong na to

"Hindi ako na baka mahirapan ka pa ako na ang tutulong kay My " biglang singit nitong si Woozi nako po ano bang problema nito may isa pang nag salita Hay! Nako.

"Hindi ako na baka mahirapan lang kayo at siguradong ako ang patutulungin ni My" mayabang na sabi ni Xander

"Hindi ako na ang bahala wala kayong mga magagawa lalo kung puro away kayo" sabi ni Wonwoo na kina gulat naming lahat.

"Ako na tama na ang pag papasahan nyo mas lalong walang magagawa wala naman kayong kwenta lahat" sabi ni Reg kung nag tataka kayo bat nandito si Reg kasi part to ng project nila pero balik tayo ako na nakakainis tong mga to

"Hay! Nako oh inyo na diba yan naman gusto nyo mag tulungan kayo ha wag mag-aaway baka mag kasakitan pakigawa ng maayos ha! Andyan naman si Reg magiging guide nyo okay?" Sabi ko tsaka alis pumunta na ko sa backstage para mai-operate na to ng matapos na mag sisign pa naman akong ngayon para sa broadcasting club jusko naman po! Hay!

"My eto na pala yung mga kantang gagamitin paki ayos yung sound effects okay tapos para ma-edit mo yung pagkakasunod sunod eto yung script ok?" Sabi ni Director

"Sige po aayusin ko na pwede po ba pag tapos umalis na ko kagad" Sabi ko

"Oo pag natapos mo umalis ka na pero paparinig mo muna sa akin yan Ha!" Sabi nya

"Opo Direk ako bahala!"sabi ko

Habang nag eedit ako dito napasin kong may nasa likod ko at si Woozi lang pala yun hinayaan ko nalang pero i have a feels na i jujudge ako neto syempre singer eh! Diba? Ganon naman pag singer! Pero as in nasa likod ko sya pero di sya nag sasalita anong trip neto ok lang siguro yung ginagawa ko pero bat nakatitig sya sa akin.

"Anong tinitingnan mo Ha?" Sabi ko tsaka tinigil yung ginagawa ko pero di pa din sya nag sasalita.

"Oi may mali ba sa ginagawa ko?"pero di pa din sya nag sasalita kaya lumingon ako sa kanya pag lingon ko i didn't expect this na sobrang lapit ng mukha namin dahilan na mapabalikwas ako at na suntok ko ang mukha nya! Paktay na!

Anong gagawin ko? Siguro hihipan ko nalang ay mali titingnan ko muna.

"Oi sorry di ko sinasadya bat kasi ang lapit ng mukha mo? Sorry na Jihoon! "sabi ko dahil sobra kong nag sisi na nasuntok ko sya mamaya kasi sisihin ako ng fans nya

"Jihoon sorry na Pleasee" dadag ko pa ng bigla syang nag salita.

"Anong sabi mo?! Jihoon? Sabi nya sakin"

"Oo bat anong meron dun? Ha?" Sabi ko

"Wala balik ka ba sa ginagawa mo walang mali tama lahat tuloy mo lang ginagawa mo aalis na ko" sabi nya tas biglang ngumiti na para bang nasa kanya ang mundo, Kaya tinuloy ko nalang yung ginagawa ko para matapos na.

Sa wakas natapos na din yung page-edit ko kailangan nalang mahanap si Direk, you know naman.

"Direk ok na po gusto nyo po bang marinig" sabi ko

"Ge parinig nga!" Sabi nya

"Ok na pala pwede ka nang umalis pero iwan mo muna yung team mo at wag mong sasabihin na aalis ka ha?" Sabi nya kaya binilisan ko habang nag aayos sila.

Habang inaayos ko yung gamit ko nagulat ako nandito pala si Dino!! Paktay na buti nalang at tulog dahan dahan akong umalis.

Yes nakaalis din bulong ko saka deretso sa Broadcasting Room.

Pag dating ko doon nakita ko ang mga members nila dose lang kaya, pero nagulat ako nung ang nagha-handle ay walang iba kundi ang mas sikat pa kay Xander tinitingala at hinahangaan ng mga babae maliban sa akin sya lang naman ang nag papakiliti sa mga babae sa school maliban sa akin sya ay si..

"Oh? Andito ka pala My mag sisign up kaba? "Sabi ni Push, teka bat nya ko kilala?!

"Oo bkt tapos na ba ?" Sabi ko

"Oo tapos na" sabi nya

"Eh! Tapos na talaga di na ba ko umabot sige salamat nalang aalis na ko" sabi ko tas tumalikod.

"Oo tapos na kasi isa lang naman ang irerecruit namin at ikaw lang ang nagbakasakali" sabi nya

"Talaga?" Sabi ko sa sobrang tuwa

"Oo na mag-sulat ka na ng pangalan mo baka may iba pang mag sulat dyan" sabi nya dahilan ng dali- dali kong pag susulat.

"Sya nga pala bukas ka na mag sisimula pero bago ka mag simula kailangan mo muna mag isip ngayong ng magiging pangalan mo para sa pag bobroadcast mo bukas" sabi nya dahilan para mapaisip ako ng sobra kung anong pangalan ang gagamitin ko.

"Ganon ba sige gagawa ako ngayon na ba talaga kailangan ngayon na?" Sabi ko

"Oo kailangan ngayon na" sabi nya

"Ano bang pangalan nyo" sabi ko

"Ha? Dj Push ako tas sila mga pangalan din nila yung nakalagay" sabi nya

'Edi pangalang ko nalang din" sabi ko

"Hindi pwede kailangan stage name kumbaga" sabi nya, At wala din akong nagawa ang naisip kong pangalan ay DJ Four sana tanggapin nya.

"Dj Four ang naisip ko ok na ba yun" sabi ko tas nag si sang-ayon nalang sila at sabing bumalik nalang daw ako bukas.

Nakakapagod nako po nakauwi na rin sa wakas nagulat ako ng makita kong madaming missed call si Reg lalo na si Direk pero di ko nalang pinansin bukas nalang..

Author's Note:

Thank you po sa mga nag babasa at sana intindihin po yung pag dagdag ko ng Characters di naman po lahat sila nandyan hanggang dulo lahat naman nawawala diba? HAHAHAHAHAHAHA JK THANKS FOR READING AND KEEP READING PLEASEE  🙏🙏

Love Can LieWhere stories live. Discover now