[7] His Lovely Driver

11.1K 283 12
                                    

CHAPTER SEVEN

"NOELLE?"

Pinigilan niya ang impit na pagtili. Pakiramdam lang ba niya iyon o may kasama talagang lambing ang pagsambit ni Thirdy sa pangalan niya?

Nasa condo lang sila ni Manang nang hapong iyon nang tawagan siya nito. At nakakapanibago iyon.

Napaayos siya ng upo mula sa pagkakasandal sa sofa.

"Sir?" sabi naman niya at nakagat ang ibabang labi.
Woo, landi mo!

"Can you fetch me early? May gusto akong puntahan pagkagaling dito sa office."

Napatingin naman siya sa suot niyang relo. Quarter to five na pala.

"Pupunta na ako ngayon diyan kung gano'n, Sir."

"Better. I'll wait for you."

Ibinuka niya ang bibig at tumili nang walang tunog na lumalabas sa kanyang lalamunan.
He'll wait for me raw, o!

Para siyang sira.

"Noelle?" untag pa ni Thirdy.

Natauhan naman siya at napatikhim.

"S-sabi ko nga, Sir, papunta na 'ko," sabi niya. "See you, Sir. Baboosh!"

Pagkatapos ng tawag ay excited siyang tumayo.

"O, saan ka pupunta?" tanong naman ni Manang Lory sa likuran niya.

Sa kusina ito galing habang ang hawak ang tray ng juice at sandwich na merienda nila. Nanonood kasi sila ng tagalized na foreign film sa isang TV station simula pa kanina.

"Kailangan ko na pong umalis, Manang. Niyaya akong mag-date ni Sir Thirdy," sabi niya at humagikhik.

"Kung gano'n baunin mo na lang 'tong sandwich. Sayang naman."

"Thanks, Manang!"

Umikot siya sa likuran ng sofa at kinuha ang sandwich.

"Hindi ka na magre-retouch sa lagay na 'yan?" pabirong tanong pa nito.

"Hindi na, Manang. I prefer natural beauty. Echos!"

Tatawa-tawa pa ito habang tinutungo niya ang pintuan ng condo. Hindi ba ito naniniwala?

NANG huminto ang sasakyan sa tapat ng isang coffee shop ay lihim siyang nagtaka. Halos twenty minutes din ang naging biyahe mula opisina.

"Diyan po sa coffee shop na 'yan niyo gustong magpunta?" paninigurado niya.

"Yeah. Why?"

Napakamot siya sa ilalim ng kanyang tenga. "Ano pong meron diyan? Kasi kung gusto niyo lang namang magkape, marami namang coffee shop na malapit sa opisina niyo."

Thirdy looked at her with amusement. Saka naman niya na-realize ang mga pinagsasasabi niya.

Sino siya para kwestiyunin ito eh hamak na driver lang naman siya?

She bit her lip and smiled guiltily.

"H-huwag niyo po akong pansinin, Sir. I'm just joking. Ehehe."

He chuckled on the other hand. "Maybe we can talk about that after you have parked. Hihintayin na lang kita sa loob."

"S-sige po, Sir," embarassed pa ring sabi niya.

Nauna nang bumaba si Thirdy ng sasakyan at naglakad papasok sa coffee shop na may pangalang Kohii Ai.

WALA sa loob na nakiskis niya ang mga palad nang pumasok na siya. Agad naman niyang nakita ang mesang kinaroroonan ni Thirdy. Nasa table for two ito na nakadikit sa dingding na kinasasabitan ng isang painting ng isang babae.

Alejandro's Empire #2: His Lovely Driver(Completed)Where stories live. Discover now