[16] His Lovely Driver

9.5K 295 16
                                    

#ThirDee all the way! Enjoy reading!

CHAPTER SIXTEEN

"BILISAN mo ang lakad, hija, at baka abutan ka ng ulan. Naku, balita pa naman kanina na naging bagyo na raw 'yong low pressure," ani Manang Lory habang inaayos-ayos na niya ang kwelyo ng suot niyang polo shirt.

Dapat kasi ay may isang oras pa bago niya sunduin si Thirdy pero bigla na lang kumulimlim ang kalangitan kaya pinasya na lang niyang lumakad nang mas maaga.

"Oo nga, Manang, eh. Una na po ako, ha?" Dinaanan niya ang susing ipinatong niya sa round table sa sala bago patakbong tinungo ang pintuan ng unit.

"Ingat ka!" pahabol pa ni Manang.

"Thank you, Manang!"

Mukhang minalas yata siya. Malayo na siya sa condo nang nagsimulang pumatak ang ulan. Ayos lang naman sana iyon kung hindi lang biglang bahagyang umalog ang sasakyan.

Pambihira.

Napilitan siyang huminto sa tabi ng kalsada. Wala siyang choice kundi ang bumaba ng kotse upang tingnan ang naging problema. Dahil wala naman siyang kapote, naturalmenteng nabasa siya ng ulan na nang mga sandaling iyon ay may kalakasan na.

Flat ang isang gulong ng kotse na nasa hulihan. Mabuti sana kung kulang lang sa hangin. Ang kaso, mukhang nabutas talaga. Wala sa loob na napatingala siya sa galit na kalangitan.

"When it rains, it really pours, huh."

Binuksan niya ang compartment sa likod at tiningnan kung ano ang available. Iniisa-isa niya ang mga gamit. Kompleto naman bukod sa spare tire.

"Kaya mo 'yan, Radee. Kaya mong ayusin 'to in one hour," pagpapalakas-loob niya sa sarili.

Sa gitna ng ulan at panlalamig ay iniisa-isa niya ang mga turnilyo para tuluyang matanggal ang gulong.

"Huu, grabe!"

Napahilamos siya ng mukha. Hindi pala iyon kasing dali ng inaakala niya. Problema pa kung makakahanap siya ng malapit na talyer sa lugar na iyon.

Matapos ibalik ang mga gamit sa pinagkuhanan ay binitbit niya ang gulong at inisa-isa ang mga nadadaanan niyang establishment.

"Dear Mother Earth, makisama ka naman sa akin kahit ngayon lang. Susunduin ko pa ang prince charming ko, eh. Sige na naman," sabi niya sa sarili.

"Hija, bakit ka naman sumusuong sa ulan? Hindi ka ba natatakot magkasakit?" tanong ng nakasalubong niyang nakasuot ng vest na may pangalan ng isang barangay. May payong ito at may batuta sa isang kamay.

She sensed hope sa kabila ng panginginig dahil sa ginaw.

"Magandang hapon po. Na-flat po kasi ang gulong ng kotse ko, eh. M-may alam po ba kayong malapit na talyer mula rito?" Nayakap niya ang sarili. "Kailangan na kailangan ko lang po kasi na makarating sa pupuntahan ko."

"Kawawa ka naman." Pinasukob siya nito. "Nasa kabilang kanto pa ang pinakamalapit na talyer pero hindi naman ganoon kalayo."

Nakahinga naman siya nang maluwag.

"Salamat po, Kuya! Hindi na po ako mahihiya, ha? P-pwede po bang magpasama?"

"O, sige, sige." Kinuha nito sa kanya ang gulong. "Maswerte ka at dito ka lang naaberya."

"O-oo nga po, eh. Salamat po talaga, ha?"

"Ano bang pangalan mo?"

MABUTI na lang at kadugtong lang ng talyer ang bahay ng may-ari niyon. Tama ang hinala niyang kapitan sa barangay na iyon ang tumulong sa kanya na si Kuya Sixto.

Alejandro's Empire #2: His Lovely Driver(Completed)Where stories live. Discover now