[14] His Lovely Driver

12.3K 253 7
                                    

CHAPTER FOURTEEN

ISANG BAGAY ang na-realize niya nang gabi ring iyon. Kung naramdaman man niya na sawa na siya sa buhay niya, iyon ay hindi dahil sa kailangan niyang sumubok ng bagong bagay kundi ay dahil sa hindi niya alam kung ano ba talaga ang sense ng mga ginagawa niyang iyon.

Hindi dapat niya ginawa ang lahat ng mga bagay-bagay para lang may mapatunayan sa ibang tao. Dapat ginawa niya iyon para sa sarili at sa pamilya niya nang walang anumang kinikimkim na negatibong bagay.

That's it! I wasn't able to make sense with all the hardships. Ang ginusto ko lang ay patunayan ang sarili ko kahit hindi naman kinakailangan. Dapat ginawa ko ang mga iyon out of passion. Ako ang nagpahirap sa sarili ko. Silly me!

Imbes na ma-disappoint sa sarili ay lihim na lang siyang natawa. Ano pang magagawa niya? Nangyari na ang mga bagay-bagay. At least, natututo siya nang bigtime.

"I bet hindi pinagsisihan ng Papa mo na kayo ang naging mga anak nila ng Mama niyo."

Mula sa pagbibilang ng mga alikabok sa sementadong sidewalk ay sinulyapan niya si Thirdy. Nang magsimulang dumami ang mga customers sa dough nut shop ay nagpasya na silang umalis. T-in-ake out na lang nila ang mga hindi nila naubos dahil balak na lang nila iyong ipasalubong kay Manang Lory. Ngayon ay naglalakad na naman sila kahit walang partikular na patutungahan.

"Lagi nila 'yong sinasabi sa amin," nakangiting sabi niya. "Pero in fairness kay Papa, hindi pa rin niya kami pinabayaan. Responsable pa rin siyang ama kahit na hindi niya kami madalas makasama. At bilib din naman ako kay Tita Emma. Kasi kahit ganoon na ang nangyari, hindi pa rin niya sinukuan si Papa."

"How about your Mom?"

"Tinutulak namin siyang makipag-date ni Reina pero mukhang ayaw niya. Ang dami kasi niyang dahilan." Napahagikhik siya. "May edad na raw siya para sa mga gano'n."

"Bakit? Si Manang nga may textmate, eh."

Natawa silang dalawa. Bilang may sampung taong biyuda na si Manang Lory, naging libangan na raw nito ang pakikipag-textmate dahil sa text lang naman iyon. Wala ring kaso iyon sa isang anak nito na ngayon daw ay isa nang propesyonal na engineer at may sarili nang pamilya.

Nang mahimasmasan ay napatingala siya sa kalangitan at huminga nang malalim.

"Grabe, ang dami kong na-realize ngayong gabi," wika niya. "Kung matagal ko lang sanang nalaman na ito lang pala ang kailangan ko, hindi na sana umabot sa ganito."
Hindi ko na sana kailangang magpanggap bilang driver para malaman kung ano pa ang kulang sa buhay ko. On the other hand, hindi ko naman makikilala si Thirdy at ang mga taong mahahalaga sa kanya. Ang gulo, ha.

"Maybe nakatakda talaga tayong magkakilala," wika naman ni Thirdy. "What do you think?"

Sa sinabi nito ay kinilig na naman siya.

"I think so," pagsang-ayon niya.

"You made me realize important things, you know. Thanks, Radelyn," he said smiling.

Pinigil niya ang sariling kunin ang cellphone at i-capture ang ngiti nitong iyon.

Kasi naman, 'no! Masisisi niyo ba 'ko?

"Do you believe in destiny, Radee?" tanong pa nito.

"Jai ho--este oo naman, Sir. Destiny is what I call God's plan for me and what I do with my choices. Hindi iyon 'yong hihintayin mo na lang mangyari sa'yo nang wala man lang ginagawang kahit na ano."

"Do you believe in true love then?"

"Oo naman!"

Pero saan ba papunta ang usapan nilang iyon? At bakit ganoon ang mga tanong ni Thirdy? Nagpapaka-romantic ba ito?

Alejandro's Empire #2: His Lovely Driver(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon