Chapter 27 - Rescued!

710 57 6
                                    


"Then what do you want me to do?" nakangiting tanong ni Ajie pero imbes na sagutin siya ay isang malakas na sampal ang natanggap niya at napaupo siya sa sahig sa lakas nito

"Yin Xi!!" sigaw ni Aria at nilapitan niya ito. Buong tapang na hinarap niya si Lady Lin pero sapak rin ang natanggap niya

"Guards!!!" sigaw ni Lady Lin. Pumasok ang limang guards at nagbow kay Lady Lin

"Put them into the dungeon now!!!" galit na galit niyang sigaw

"Yin Xi" naiiyak na sabi Aria pero sinenyasan lang siya nito na tumahimik. Hinawakan sila ng mga guards, isa sa kanan at isa sa kaliwa

"You! You'll pay for this incompetent maid!" at tinuro turo niya si Ajie, nilapitan niya ito at pinunit ang kanyang kasuotan na ngayon ay nakasuot na lamang siya ng manipis na tela. Hindi pa siya nakuntento at sinapak niyang muli ang kabilang pisngi ni Ajie

Maririnig ang mga iyak ng ibang maids sa paligid pero nang tinignan sila ni Lady Lin ay agad silang tumahimik

"Bring them there now and don't give them any food or drink!!" kinaladkad nila si Ajie at Aria habang ang naiwang ibang maids naman ay pinarusahan ng tigga fifty gamit ang discipline whip

"Yin Xi" umiiyak na sabi ni Aria at niyakap niya si Ajie

"It's fine Aria. We'll be fine, okay?" pagpapatahan ni Ajie pero mas lalo lamang siyang humagulgol sa sinapit ng prinsesa

Isa siyang prinsesa pero hindi niya alam kung bakit hinahayaan niya na mabully siya ng iba

......

Sa kabilang banda nakaramdam ng sakit ng katawan si Mingyu at nanghihina itong napaupo

"Mingyu! What's the matter!" alalang tanong ni Jingyi

"P-Princess.....Princess Ajie My master.....is...is in danger" nanghihina nitong sabi

"W-What do y-you m-mean?" kinakabahang tanong ni Jiyang. May pina inom si Jingyi kay Mingyu at unti unti itong nagkakaroon ng lakas

"My s-shijie?!" lumingon ito kay Jiyang "Jiyang! diba nasa Prince's Chamber siya? Didn't you put any barrier?"

"Wala akong naramdaman na nabreak ang barrier" alalang sagot niya

"She's in dungeon. We don't have much time" sabi ni Mingyu at nagtransform ito into dragon. Lumipad ang apat papuntang Nightless Kingdom ng sobrang bilis

'Ji'er, please be safe until i arrive!" bulong ni Jiyang

Lumapag ang apat sa entrance ng Nightless Palace at tumakbo sila papuntang dungeon.

Kasalukuyang nakarelax na nakaupo si Lady Lin at umiinom ng tea nang makita niya si Jiyang. Hindi niya alam na may mga kasama ito at nilapitan niya sila

"Prince Jiyang, your back" nakangiti niyang bati pero nilampasan lang siya ng mga ito at dumiretso sila sa dungeon. Nagtataka naman siya kung bakit nagrurush ang mga ito na pumunta roon at dahil sa matagal niyang hindi nakita si Jiyang at gusto niya siyang makita ay sinundan niya  sila

Napamulagat ang apat sa nakikitang hitsura ni Ajie. Marami itong pasa at ang puti nitong suot ay naging pula na dahil sa kanyang dugo

"Shijie!/Ji'er!/Ajie!/Master!" sabay sabay na tawag nila at dali dali nilang nilapitan si Ajie habang yakap yakap siya ni Aria upang protektahan ang suot nito

"Dammit! Sinong may gawa nito!!" galit na sabi ni Jiyang at inalis niya ang kanyang outer robe at pinasuot kay Ajie. Inalalayan siyang tumayo ni Jinling at Jiyang habang si Aria naman ay tinulungan siya nina Jingyi at Mingyu

Dumating si Lady Lin at gulat na gulat itong nakatingin sa kanila. Hindi ito makapaniwala na ang isang maid lang ay tinulungan ni Prince Jiyang

Lumingon si Jiyang kay Lady Lin at galit na sinigawan ito "Call the physician now!!" napatalon siya sa gulat dahil iyon ang kauna unahang beses na sinigawan niya ito. Tumulo ang kanyang mga luha at tumakbong papalabas sa Dungeon

"P-Prince J-Jiyang its h-her. S-She....She d-did this to p-princess A-Ajie" mahinang sabi ni Aria at pinunasan niya ang mga luhang tumulo sa kanyang mga mata

"WHAT?!! SHE DARED TO HURT MY SISTER?!!!" galit na sigaw ni Jinling

"Don't hurt her..." mahinang sabi ni Ajie. Napalingon ang lahat sa nakapikit na Ajie habang paulit ulit nitong sinasabi na huwag saktan si Lady Lin

Dahan dahang pinahiga ni Jiyang si Ajie sa kanyang kama. Dali dali namang chineck ni Jingyi ang pulso nito at nakahinga siya ng maluwang nang walang maramdamang masama

Dumating ang physician at ineksaming muli si Ajie

"She's okay your highness. Kailangan lang niyang magpahinga, ipainom niyo lang ito sa kanya para mawala ang kanyang mga sugat" inabot niya kay Jiyang ang isang bottle at lumingong muli kay Ajie

"Ji'er" mahina nitong tawag at hinawakan ang kamay nito "I'm sorry for leaving you" malungkot niyang dugtong

Nanghihinang iminulat ni Ajie ang kanyang mga mata at ngumiti sakanila

"I'm alright guys. Dont worry about me" lumingon siyang muli kay Jiyang at pinisil niya ang mga kamay nito na nakahawak sa kanyang kamay "Jiyang can you please sing that song for me again?" tukoy nito sa kantang kinanta niya ng pinapatulog niya si Ajie ng nakaraan gabi, tumango si Jiyang at nagsimula itong kumanta, unti unti namang lumuwang ang pagkakahawak ni Ajie sa kanyang kamay hanggang sa tuluyan itong napabitaw na sensyales na wala na itong malay sa sobrang pagod at hirap na kanyang nararamdaman

Dahan dahan silang lumabas pero naiwan ni Mingyu sa pintuan upang bantayan si Ajie habang ang tatlo naman ay dumiretso sa maids quarter

"Where's Lin?!" malamig na tanong nito sa guard. Nanginginig na tinuro niya ang kinaroroonan ni Lady Lin at nilapitan nila ito

Masayang sinalubong sila ni Lady Lin pero sa nakikitang seryosong mukha ng tatlo ay bigla itong napaluhod dahil may ideya na siya kung bakit ganon ang trato ni Jiyang sa kanya na ni minsan ay hindi siya trinato ng ganon kundi sa mga pinaparusahan lamang niya

"Guards! put her in the dungeon and don't hurt her!" mapait na napangiti si Lady Lin sa narinig at masaya ito sa narinig na hindi siya maaring saktan

'Bakit ba napakabig deal ang maid na yun? tsk!"sabi nito sakanyang isip

Tahimik na sumunod si Lady Lin habang hawak hawak siya ng nga guards dahil alam niyang hindi siya matitiis ni Jiyang at ilalabas siya agad doon katulad ng nangyari noon na wala pang tatlong oras ay inilabas siya nito

Lumipas ang ilang oras na kahit anino ni Jiyang ay wala siyang nakita. Tumulo ang mga luha nitong napaupo sa sahig at iniisip kung bang anong meron sa maid na iyon

____________
Thanks for reading!

~slnt_scrms

Sparks Amidst Snow: The Ancient (UNEDITED)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant