14

33.1K 845 14
                                    


UNANG biyahe patungong Palawan ang sinakyan ni Alexa. Sa kabila ng pagpigil ni Eleanor na manatili muna siya sa Maynila ay hindi napahinuhod ang dalaga.

Mabigat ang dibdib na tinanaw niya ang dagat. Sana'y maging maligaya sina Jake at Sandra.

Gusto niyang mangilabot nang maisip na posibleng magtatalik sina Jake at Sandra. Iyon ang isang posibilidad na malamang na mangyari. Silang magkapatid sa iisang lalaki. Gusto niyang umiyak nang umiyak. Dalawang magkaibang emosyon ang nasa dibdib niya. Paninibugho para sa kapatid at decency. Pero hindi iyon alam ni Jake maliban na lamang kung totoo ang sinasabi ni Sandra na wala talagang nangyari between her sister and Ryan noong gabing iyon.

His wife couldn't be a virgin the second time around! Paano 'yon ipaliliwanag ni Sandra kung sakali?

Tuluyan na siyang napaiyak. Ano itong nagawa niya? Nagkamaii ba si Eleanor na hingin ang tulong niya? At nagkamali rin ba siya sa pagsang-ayon?

Natiyak niya ang kamalian ng lahat ng mga pagpapasiya at huli na para sa pagsisisi. Tanging siya ang naiwang sugatan sa mga pangyayari. Kung kailan maghihilom ang sugat ay hindi niya matiyak.

Sa loob ng maikling panahon ay minahal niya si Jake. Pero batid niyang sa simula pa lamang ay problema na ang pinasok niyang relasyon. Hindi siya dapat masaktan dahil alam niya ang kahihinatnan sa una pa man.

Dumating at umalis siya sa buhay nito na tila bula. Walang sariling identity. Umiyak siya nang umiyak at hindi pinansin ang ilang matang nakatingin sa kanya.

ALAS-TRES ng hapon nang dumating si Jake sa mansion.

"Nasaan si Ma'am Sandra mo?'' tanong nito sa katulong.

"Nasa likod, Sir. Sa swimming pool."

Mabilis na lumakad patungo roon si Jake. Mula sa pinto sa bukana ay tahimik nitong pinanood si Sandra sa marahang paglangoy. Makalipas ang ilang sandali ay napuna ng babae ang presensiya ng 'asawa'.

Mabilis na umahon si Sandra. Dinampot ang tuwalyang nakasabit sa silyang bakal at nilapitan si Jake habang tinutuyo ang buhok.

"Hello, Jake!" nakangiting salubong ng dalaga. "Kumusta ang Papa?"

"Mabuti, Sandra," sagot nito na nagsalubong ang mga kilay. Hinagod ng tingin ang kabuuan ng dalaga. "Bakit sa tingin ko ay malaki ang nabawas sa timbang mo?'

Umiwas ng tingin ang dalaga. Nagpatiunang pumasok sa loob. "I've been doing some swimming exercise sa loob ng tatlong araw. Gano'n ba kaepektibo ang slimming program na iyon? Well, I'm glad. I can recommend it to some friends." Nilingon ang katulong. "Lucy, dalhin mo sa itaas ang gatas ko."

"Opo, Ma'am."

"Iniwan ko sa Batangas si Ryan," patuloy ni Jake sa pagsasalita habang nakasunod sa kanya papanhik sa itaas.

"Ow? What made your brother stay longer?" Tuloy-tuloy ang dalaga sa silid kasunod pa rin si Jake. "I know Ryan hated country life."

"Pansamantala ay doon na muna siya kasama ng asawang si Marcie. Pangangasiwaan niya ang planta." Patuloy na pinanonood ng lalaki ang pagbubukas ni Sandra ng wardrobe at ang pagkuha ng ibibihis.

"Magbibihis ako, Jake, iwan mo muna ako. I'll see you downstairs," ani Sandra.

Tumaas ang isang sulok ng mga labi ng lalaki. "You're almost naked diyan sa suot mong string bikini. What difference does it make?"

"A lot, Jake, so please...?" naiiritang sabi. Humakbang papalapit si Jake at inalis mula sa mga balikat ni Sandra ang tuwalya. "Nakita ko ng lahat iyan, di ba?" he said softly.

Bigla ang pagbaling ng tingin ng dalaga. Hindi ang uri ni Alexa ang maghuhubad sa harapan ni Jake. She is too conservative. Baka ang sinasabi ni Jake ay ang pangyayari sa Batangas when Ryan tried to make pass on her and she cried 'rape'. Kumot lang ang itinabing ni Sandra sa katawan noon.

Hinaplos ni Jake ang mga balikat ng 'asawa'. "I missed you, Sandra."

Umiwas ang dalaga. "What are you talking about?" naiiritang sabi. "Gusto kong magbihis kaya maaari bang lumabas ka muna?"

Ilang sandali munang tumitig ang lalaki bago binuksan ang connecting door at pumasok sa sariling silid. Nakahinga nang maluwag si Sandra.

Isang body hugger na mini-skirt ang napili ng dalaga. Pinatuyo ng blower ang buhok. Naglagay ng light make-up at nag-spray ng paboritong pabango.

Pagkatapos magsuot ng flat sandals ay binuksan ang pinto at nakasalubong ang maid na may dalang isang baso ng gatas.

"Dalhin mo na sa ibaba 'yan, Lucy, sa terrace." Sa terasa'y abalang-abala ang isip ni Sandra. Hindi nito mapaniwalaang nasa Batangas na si Ryan. Paano mapupuntahan ng dalaga ang lalaki nang walang dahilan?

Napapitlag si Sandra nang maramdaman ang pagdantay ng kamay ni Jake sa kanyang mga balikat. Pagkatapos ay yumuko ang lalaki at hinalikan ang batok ng dalaga bago pa nakaiwas ang huli.

Nanlisik ang mga matang hinarap nito ang lalaki. "Hindi ko alam kung ano ang gusto mong palabasin! Pareho nating alam kung para saan ang pagpapakasal na ito. I know you hate me, Jake, dahil inaakala mong kagagawan ko kung bakit ako pinagsamantalahan ni Ryan. Na hindi gagawin ni Ryan iyon kung hindi ako nagbigay ng motibo."

Halos magdikit na ang mga kilay ng lalaki. "Hindi ba, Sandra?"

"Magkasintahan kami, Jake! He promised to marry me. He told me he loved me!"

"Hindi ko akalaing ganoon ka ka-naive, Sandra. Men are men."

"Kung ikawsi Ryan, Jake,gagawin mo ba ang ginawa niya?"

Nalito ang lalaki. Pumasok sa isip ang huling pagtatalik nito at ng 'asawa'. Didn't he almost raped her kung hindi lamang ito tumugon? Pero iba ang sitwasyon nila. He was consumed by anger and jealousy.

Kung hindi gumanti ng init ang asawa at nanlaban, itutuloy din ba ni Jake ang balak gawin? Hindi maisip ng lalaki ang sagot. Ang tanging masasabi nito ay nagsindi ng higit pang damdamin ang ginawang pagtugon ng asawa.

Nilapitan ni Jake si Sandra. Hinapit at niyakap sa pagkabigla ng dalaga. "Let's forget about it, Sandra." He was kissing her temple. Pagkatapos ay pinagapang ang mga labi sa pisngi ng babae. "Nakaraan na iyon." Patuloy nito sa pagitan ng paghalik.

Sari-sari ang nasa isip ni Sandra sa mga sandaling iyon. She wanted to welcome the peace offering na iniaalok ni Jake. Pikit-matang tinanggap ng dalaga ang halik and kissed him back.

Pagkatapos ay pumasok naman sa isip ang kapatid. Minsan man ay hindi nangyaring lumapit si Jake noong araw para hawakan ang dalaga o yakapin tulad ng ginawa nito ngayon.

Nagsinungaling ba si Alexa tungkol kay Jake o ang lalaki mismo ang nagbago? Kung anuman ang sagot sa mga iniisip ni Sandra ay hindi na makuhang makapangibabaw dahil sa biglang paghinto ni Jake.

Bahagya nitong inilayo ang 'asawa' at tinitigan. "I'm... sorry," ang mahinang sabi nito sabay bitaw.

"Sorry? You were sorry that you kissed me?"

"Yes. No." Bahagya nitong ipinilig ang ulo. "Damn! Hindi ko alam. Siguro ay nasisira na ang ulo ko. Now I like you, now I don't."

"Did you like me when you left for Batangas, Jake?"

"Yes. And even though I loved you already," gulo ang isip na sabi nito. "Pagkatapos ng nangyari sa atin... I wanted to..."

"And now, Jake?" patuloy ng dalaga na nagugulumihanan din.

Inilahad ni Jake ang dalawang kamay. "I don't really hate you, Sandra, tulad ng alam mo. Hindi lang ako makapaniwalang ang isang matinong babaeng tulad mo ay papatol sa isang may-asawa then cried rape. Intense dislike, iyon ang maaari kong itawag sa damdamin ko sa iyo. Pero nauwi iyon sa pagkasuklam nang pilitin ako ng Papa na pakasalan ka. Pero napatunayan ko na malinis ka—"

"Napatunayan mong malinis ako?" agap ni Sandra sa sasabihin pa nito.

Napailing si Jake. "Kalimutan na natin ang usapang ito, Sandra. Bigyan natin ng tsansa ang pagsasamang ito. Magsimula tayong muli. It might work." Pagkasabi noo'y tumalikod ang lalaki.

Kristine Series 3: Dahil Ikaw COMPLETED (Published by PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon