Chapter 1

1.8K 46 0
                                    

Jema (POV)

"Ate jema gising na anong oras na!"- mafe

Ano ba naman tong si mafe napaka naman alam namang natutulog pa ko e.

"10 minutes mafe, please."- ako

Sarap sarap pang matulog e.

"Alam mo ate sakin okay lang kahit late ka ng magising or pwede din namang maghapon kang matulog, ang kaso sakin lang okay yon e jan sa trabaho mo? Aber.!"- sagot nito

"Yun lang naman pala e , traba--"-  What trabaho , napabalikwas ako ng gising dahil pagkatingin ko sa orasan namin 8:15 na.

"Waaaaahhhhh ,sobrang late na ko sa trabaho ko mafe , bakit ngayon mo lang ako ginising?"- naiinis kong sabi dito.

Tumakbo na lang ako papuntang cr an ginawa ko na lahat ng dapat gawin.

"Nakakahiya naman sayo ate kaninga pang 7:30 kita ginigising ,ano tulog mantika ka!."- sigaw na mafe sa labas.

Hindi ko na lang siya pinansin at ginayak ko na lang yung sarili ko at sigurado lagot talaga ako nito sa Boss ko.

Pagkatapos ko ,tumakbo nadin ako pababa at nadatnan ko si mama at papa ng nasa harapan na ng hapagkainan pati si mafe.

"Oh anak kumain ka muna bago ka umalis."- mama

"Naku ma, sorry po late na po talaga ako e. kukuha na lang po ako ng sandwich , salamat ma . Bye pa, bye ma, bye mafe. "- sabay labas.

Tumakbo na din ako papasok ng kotse ko at pinaandar ko na kaagad yung engine.

Bago ako tuluyang makaalis bumusina muna ako. Para alam nilang papaalis na ko.

After ilang minutes lang din nakarating ako sa company na pinagtatrabahuan ko.

Lakad takbo na ang ginawa ko dahil sobrang late na talaga ako.

Pagkadating ko sa taas .

"O bes , para ka namang hinabol ng sampung kabayo jan ah."- natatawang sabi ng Best friend ko.

Siya nga pala si kyla atienza bestfriend ko since high school , hindi lang kami naging mag ka schoolmate kasi adamson ako ,pero nagkita ulit kami nung naging mag ka team kami sa creamline.

"Bwiset!, Jan na ba si Boss?"- tanong ko

"Wala pa naman."-sagot naman nito

"Thank God. Akal ko magiging last day ko na ngayon e"- ako.

Natawa na lang si kyla .

"Sige bes punta na ko sa table ko ah."- paalam ko dito.

Tumango na lang siya bilang sagot.

Pagpunta ko sa table ko  inaayos ko lang yung mga papel then gumawa na ako ng coffe para kay maam.

Ilang minuto lang din dumating nadin yung boss namin na mala tigre sa pag susungit yung tipong parang palagi may monthly period.

Nakita kong binati siya ng mga ka workmate ko pero wala dinedma ng lola mo. 

"Good morning maam."-nakangiti kong bati rito

Pero ano ineexpect mo jema , babatiin ka ano close ba kayo , wag mag assume ha.

Pagkapasok niya sa office niya ay kinuha ko na yung coffe na ginawa ko kanina at dinala sa kanya

"Maam eto na po yung kape niyo"- ako

Tinignan lang niya ko na parang ano pa ginagawa mo look.

Pagkalabas ko dumiretso ako sa table ko at chineck ko kung merong schedule ng meeting si maam ngayon.

Pag ka check ko , meron siyang meeting ngayon 9-11am.

Kumatok muna ako bago pumasok.

" Ah maam excuse me po , may meeting po kayo mamayang 9-11am po with ms. Cobb."-sabi ko rito

"Okay"-maam deanna.

Okay yun na yon jema kaya lumabas kana.

Dumaan ang maghapon na ganon lang ang scenario namin sa office.

I Give UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon