Chapter 5

727 39 2
                                    

Jema (POV)

Tapos na akong mag linis ng katawan ko at  hihiga na sana ako pero sumilip muna ako sa bintana at umuulan pala ng malakas may kulog at kidlat pang kasama.

Pahiga na sana ko kaso nakaramdam ako ng uhaw kaya lumabas ako ng kwarto , napahinto ako bigla ng may narinig akong umiiyak at sigurado akong sa kwarto ni deana iyon nang gagaling.

Nataranta ako at kumatok ng malakas sa pinto ng kwarto niya.

"Deana, deana, deana"- tawag ko pero tanging iyak parin niya ang naririnig ko

"Deana buksan mo itong pinto si jema to, please"- tawag ko ulit.

Maya maya binuksan niya at nakita ko siyang sobrang maga na ang mata at maputla.

"Bakit ano nangyari?"- nataranta kong tanong sa kanya.

Tinitigan lang niya ko habang patuloy parin yung mga luha niya.

Niyakap ko siya para malaman niyang nandito lang ako .

Naramdaman ko namang kumalma siya at hindi narin siya umiiyak.

" Are you okay?"- tanong ko ulit

" Yeah, im fine. Thank you"- sagot niya

Tumango na lamang ako at magpapaalam sa nang lumabas pero hinawakan niya yung kamay ko.

"Dont leave , please!"- sabi ni deana na parang anytime may mga luha na namang papatak galing sa mata niya .

"Okay , sige na higa ka na , tatabihan na lang kita hindi ako aalis ha"- sagot ko

Humiga naman siya then tinabihan ko siya . Pinaharap ko siya sakin at niyakap para maayos ang tulog niya. Hindi naman siya umangal.

Naramdaman ko din namang hinigpitan niya yung yakap niya and sumiksik sa leeg ko. Parang may naramdaman akong kakaiba , biglang lumakas yung kabig ng dibdib ko pero parang ang safe ng pakiramdam ko pag siya yung kayakap ko.

Ilang minuto lang ay nakatulog na din siya tinitigan ko siya at sobrang ganda niya .

Di ko namalayan na nakatulog na rin pala ako.

Nagising ako at ako na lang mag isa sa kwarto ni deana siguro bumaba na siya.

Bumangon na ako at nagdasal muna bago tuluyang tumayo.

Bigla namang lumabas si deana galing cr at natapos ng maligo at nakabihis na din.

"Good morning"- bati ko sa kanya

Nginitian naman niya ako

" Good morning din"- deana

Tumabi siya sakin at ngumiti

"Thank you sa pagsama sakin sa pag tulog ha. "- deana

"Your welcome, ano nakatulog ka ba ng maayos?"- tanong ko.

" Ah yeah , nakatulog ako ng maayos dahil nanjan ka sa tabi ko"- sagot naman ni deana

Para naman may biglang nagwalang mga paru- paro sa loob ng tiyan ko. Baka mamaya e namula pa pisngi ko . Nakakahiya ka jema, hay naku.

" Ah ganon ba"- ako

Nagpaalam na kong pumunta sa kwarto at tumango naman siya .

Pag punta ko sa kwarto ay naligo na rin ako . Wala naman akong pasok ngayon kasi linggo.

Nagsuot ako ng white polkadots na dress na at nag flat shoes lang. Mag sisimba ako ngayon.

Lumabas ako at saktong paglabas din ni deana sa kwarto niya .

" O san punta mo?"- tanong niya

" Mag sisimba kasi ako, san nga pala yung may malapit na church dito ?"-  ako

" Ah samahan na lang kita ha, wait bihis lang ako "- sabi ni deana

Tumango na lamang ako at naghintay sa baba.

Saglit lang naman nagbihis si deana at bumaba na din. Nakita ko yung damit niya at nagulat ako dahil polkadots na white polo ang suot niya na nakabukas pa yung dalawang botones sa taas .

Spell HOT? D-E-A-N-A   W-O-N-G.  shemay ang gwapo pa niya. Naiinlove na ata ako sa  kanya.

"Lets go"- aya niya.

Pag dating namin sa simbahan ay saktong magsisimula pa lamang ang misa ng pari.

Nagpasalamat ako at pinagdasal ko rin na sana maging maayos na si deana kung ano man yung pinagdaaanan niya before, nag aalala ko sa kanya ng sobra kagabi.

Tinitigan ko siya habang kami ay nakaluhod at nagdadasal , siya ay nakapikit kaya malaya ko siyang titigan.

Nandito lang ako deana hangga't kailangan mo ng kasama.

Natapos ang misa ng maayos .

Umuwi na rin kami after dahil sunday dapat pahinga lang maghapon kasi bukas back to work na ulit. 

Nang malapit na kami sa gate ay may nakahintong puting kotse at may nakatayong babae sa harap ng gate ni deana.

Tinignan ko siya at biglang sumeryoso ang mukha niya, na para bang pwedeng manakit anytime.

Bumaba na kami at ang nakita namin ay walang iba kundi si FELECIA CUI. Ang akala mo asawa kung umasta EX naman na.!!

"What are you doing here?"- deana

" Oh, jema right?"- Felecia

Tinignan ko lang siya at hindi nag pakita ng kahit anong reaksyon.

"So kaya pala ayaw mo kong balikan dahil meron na palang sawa na tumutuklaw sayo habang wala ako?!!"- sabi ni Felecia habang matalim ang titig sakin

"Well , nakakadismaya dahil bumaba na ata ang taste mo ngayon deana(sabay tawa) , well wala naman akong magagawa dahil ang nagigipit sa patalim kumakapit , am i right jema?"- dagdag niya pa

Di na ko nakapag timpi at sinampal ko na siya wala siyang karapatang pagsalitaan akong mga salitang yon.

" Marunong akong gumalang felecia , pero sa mga taong deserving hindi sa mga katulad mong naturingan ngang mayaman  nasa talampakan naman ang utak, at ang ugali hindi ugaling edukada."- ako . Laitan pala gusto niya pwes diko siya aatrasan.

"Stop , what do you think your doing ha Felecia?!"- galit na tanong ni deana.

"Bakit ba deana ayaw mo kong balikan? Dahil ba sa lowclass na babae na yan , for godsake deana , she's your secretary right?! Then why are you two doing things like this?"- mangiyak ngiyak na sabi ni Felecia.

" Bakit may masama ba sa ginagawa namin ha felecia? Sabihin mo nga ANO?! , You dont have any right to say those words to jema . We already done with each other so move on!- galit na sabi ni deana

" No, hindi kita isusuko deana lalong lalo na sa babae na yan.!"- felecia.

"I dont care!."- deana

"Ikaw jema sobrang hirap mo ba para patulan si deana? Magkano ba kailangan mo ? 1 million ,5 or 10 million ? Pwede kong ibigay sayo layuan mo lang si deana!"- felecia

Lalong nag panting yung tenga ko at nasampal ko ulit siya.

" Hindi ko kailangan ng kahit ilang milyon na yan felecia, isaksak mo sa baga mo!, Wala akong habol sa kanya na kahit ilang sentimo para sa kaalaman mo! Binuhay , pinag aral at pinag tapos ako ng magulang ko hindi para maliitin mo, wala ka ni katiting na karapatan na husgahan ako, tandaan mo yan!"- pag ka sabi ko na yon pumasok na ko kaagad sa loob at dumiretso sa guestroom.

Pag pasok ko nanghina ako at bigla na lamang tumulo ang mga luha ko .

Siguro dahil wala pang taong nang maliit sa akin ng ganito.


I Give UpWhere stories live. Discover now