Chapter 11

695 38 3
                                    

Deana (POV)

sobrang saya ko na sa wakas magiging asawa ko na siya soon hihihi .

Pagtapos naming magkasiyahan ay bumalik narin kami sa hotel at nagpahinga ,halos lahat kami nakainom na at yung iba di na makagulapay haha, si jema hindi naman uminom at alam niya na ganito ang mangyayari . Ako tipsy lang naman.

Dumiretso na kami sa room namin pagkatapos naming tulungan ang iba naming kaibigan.

"Babe, I love you"- sabi ko rito sabay kiss sa lips niya .

"I love you too ,deana."- sagot naman niya.

"Nga pala babe tawagan ko lang sipa mommy ha"- paalam ko sa kanya at tumango naman siya at dumiretso sa cr at magpapalit ng damit .

Una ko tinawagan ay sila mommy .

Ilang ring lang naman ay sinagot na nila .

"Hi mom/dad"- bati ko sa kanila ng nakangiti.

"Hello anak, so kamusta ang pagpopropose mo kay jema"- nakangiting tanong ni dad.

Sakto namang labas ni jema at nakapang tulog na damit na.

Lumapit siya at pinakita yung singsing na nakasuot na sa kanya . 

Masayang masaya sila mom at dad dahil sa wakas napa oo ko na raw si jema.

"Anak, jema. Sabihin mo lang sakin pag niloko ka ng anak ko ha, tatanggalan ko siya ng mana at lahat lahat sa kanya"- sabi ni dad .

Nagulat naman kami parehas ni jema sa sinabi ni dad.

"Hahah, deana your face. "- natatawang sabi nila ni mom

"Pero anak , gagawin ko talaga yon pag niloko mo si jema at ng magiging mga apo ko ha."- seryosong sabi ni dad.

Napatango na lamang ako , langya mga magulang ko ba talaga sila.

Nagtawanan at nagkamustahan lang kami at nagpaalam na sa kanila.

Ang sabi ni dad ay after 3months ay magpapakasal na kami dahil hindi na daw sila bumabata at gusto na nilang mag alaga ng apo , kaya after ng bakasyon namin dito ay aasikasuhin na namin ang lahat para sa kasal namin.  Sunod naman naming tinawagan ay ang parents ni jema.

"Mga anak"- masayang bati ni tita at tito.

"Hello mama/ hi tita"- bati naming pareho ni jema.

"Oh deana anak kamusta na pa oo mo naman ba ang panganay ko?"- tanong ni tito

Tumango na lamang ako sa kanila at nagtawanan kami itinaas din ni jema yung kamay niya na may singsing.

"Deana, wag mong sasaktan yang anak ko ha,  kahit isang beses mo lang siyang masaktan at niloko , hinding hindi mo na siya makikita, ipinapangako ko sayo yan."- sabi ni tito .

"Opo tito, hindi po ako nangangako na hindi ko siya mapapaiyak pero ang dahilan po ng pag iyak niya ay dahil sa tuwa hindi po ng dahil sa sakit. Sobrang mahal ko po ang anak niyo"- sabi ko sa kanila sabay tingin kay jema.

Nakita ko namang tumutulo na yung luha niya kaya niyakap ko siya.

"O siya sige at mag iingat kayo diyan ha. Congratulations sa inyong dalawa mga anak ha. At tsaka deana wag mo na kong tawaging tita ,kundi mama na ang itawag mo sakin."- mama ni jema.

"Pati saakin ha , papa na lang"- papa ni jema .

"Opo ma, pa."- sabi ko

Ng matapos na ang pag uusap namin with jema's parents ay nagpalit narin ako ng damit at humiga na katabi ni jema.

"Babe, pano yung trabaho natin pagbalik natin sa manila?"- biglang tanong ni jema .

"Ang sabi sakin ni dad ay mag leave daw muna tayo para maayos na natin ang mga Kailangan gawin para sa kasal natin, and wag ka mag aalala si ate nicole ang papalit sakin sa office habang wala tayo"- sagot sa kanya .

"Ah , sige babe. "- jema.

Pagkatapos naming mag usap ay natulog na din kami.

Natapos ang ilang araw ng pagsasaya at pamamasyal namin ay sobrang saya naman.

Pagbalik namin sa manila ay nagkanya kanya na kami ng uwi .

"Bye guys ,thank you sa tulong ha."- pasasalamat ko sa kanila.

"Nga pala deana wag mo ng pakawalan yang si jema bahala ka ,ikaw din."- sabi ni ate jia.

"Oo nga deans, ikaw din pag pinakawalan baka di muna makuha ulit"- ate bea

Sabay tawa sila

"Hahah pangako sainyo guys hinding hindi ko sasaktan si jema , mahal na mahal ko kaya to haha. O sige una na kami."- paalam ko sa kanila.

Nag beso beso lang kami bago maghiwa hiwalay.

"Babe, sobrang saya ko"- sabi ni jema

Nginitian ko namna siya.

"Hahah lalo na ko babe, gusto na kitang matawag na Mrs. Wong hahaha. "- sagot ko naman sa kanya.

Namula naman siya haha. Ang kyut ng soon to be misis ko kiligin haha.

Pagdating namin sa bahay ay nakita namin sina nanay sally.

"Oh , kamusta ang bakasyon mga anak?"- tanong ni nanay sally.

"Magandang tanghali po nay sally, haha ayos naman po at eto po(sabay taas ng ring finger niya)"- sabi ni jema habang nakangiti .

"Waaaaahhhh, congratulations sa inyong dalawa mga anak. Krissy, Shannie "- nanay sally.

Lumabas naman sila galing kusina at dumiretso sa harap namin.

Tinaas ni jema yung kamay niya katulad kay nanay sally , nanlaki ang kanilang mata sabay yakap kay jema.

"Awww congratulations jema sayo, ikakasal na kayo"- ate shannie

Nagtawanan sila at nagkwento si jema kung paano naging successful yung pag propose ko sa kanya. Ang sarap lang sa pakiramdam na , sobrang lapit ng mapapangasawa ko sa mga taong malalapit din sakin.

"Mga ate , at nanay sally akyat na po muna kami magpapahinga lang po kami napagod po kami ng kaunti sa biyahe "- singit ko sa kanila.

"Ay naku buti pa nga at ipapatawag ko na lamang kayo pag mag hahapunan na ha."- nanay sally .

Niyakap lang namin sila bago umakyat sa kwarto.

****************************************
Hello po sa inyo🤗. Maraming salamat po sa 1k na nagbasa po ng kwento na ito.

Pasensya po sa sobrang tagal na update.
Godbless po sa lahat

I Give UpWhere stories live. Discover now