17

43 1 0
                                    

Chapter 17: Danger

"Marco, anong meron?!"

"Mamaya ko nalang ipapaliwanag" sagot niya sa akin

"Paano kita matutulungan kung hindi mo sasabihin sa akin?" tanong ko sa kanya

"Kalirea, wag ka nang makulit. Wag ka nalang maingay. Kailangan natin umalis dito" sabi niya

Luminga linga ako at nakakita ng isang metal pipe.

"Marco, kunin mo yun oh" bulong ko at itinuro ang sa kanya ang metal pipe

"Para saan?!" bulong niya

"Just incase" sagot ko

Wala kaming laban sa baril, but having something to protect yourself is better than being unarmed.

Dahan dahan siyang gumapang papunta sa metal pipe. Sumilip ako mula sa dingding kung nasaan na ang lalaki. Malapit siya dun sa fire exit. Oh crap!

Nang makabalik na si Marco nakisilip rin siya.

"We can go out through the fire exit, may stairs pababa" sabi ko sa kanya

"Eh paano? Nakabantay sa dun" sabi ni Marco

"Madali lang yan" sabi ko at napangisi.

Tinanggal ko ang ipit ko sa buhok at binato sa hagdanan. Mabigat ang ipit ko kaya matunog siya.

Agad na naalaarma ang lalaki at nagpunta papunta sa hagdanan at bumaba kaagad agad.

"Tara na" sabi ko at dahan dahan kaming naglakad papunta sa fire exit. Nang buksan namin ang pinto sa fire exit, nakita namin na meron ding mga lalaki sa labas na nagbabantay.

Nagkatinginan kami ni Marco

"Let's make a run for it" halos sabay pa naming binigkas.

Dahan dahan muna kaming bumaba ng hagdanan para hindi kami mapansin. Nang makababa na kami, agad agad kami tumakbo palayo sa lugar na yun. Napunta kami sa pier.

Maghahanap sana kami ng tulong nang may nakita kaming nakababahala...

Isang babae...sunog sunog ang katawan. Wala na siyang mukha dahil sunog na rin. She's dead.
Bigla akong kinabahan...

Paano kung si Xyrene yan?

"Tulong! Tulong!" sigaw ni Marco at nakisigaw narin ako

May mga taong nagsilapitan sa amin, and crowded around the body.

Then I noticed something off, there was a part of her body that isn't burned, sa ankle and may tattoo siya dun. Eh...last year nagpatattoo si Xyrene sa ankle niya. I just don't know what design.

May tumawag ng police at nang makarating ang police, kinausap namin sila

"Sir...maari niyo po bang maidentify ang identity niya...baka kasi siya yung nawawala kong kaibigan" sabi ko at napansin na ang kausap kong police ay yung police na may hawak sa kaso ni Xyrene

Again, he's not doing his job.

"Mahirap maidentify ang isang tao kung ganito ang kalagayan niya. Posible pero mahirap" sabi ng police

"Then do it." sabi ko

Nagpatawag din sila ng police para asikasuhin kami at mahuli ang mga taong humahabol sa amin, ngunit pagrating namin sa mga buildings kanina, wala na sila. Baka nakatunog siya.

We were able to get our things from Marco's ruined car at hinatid rin kami ng police pauwi.

My parents were alarmed once again. But I was more alarmed than them.

I was lying there in my bed, thinking about it what happened today.

We were chased to death by evil people. We discovered a dead body. To think about it, it was like the news earlier at Eleven's place. Except this one is a woman.

May buhok pa yung babae, at kung hindi ako nagkakamali, same length lang ng buhok ni Xyrene. Sexy at payat ang figure ng babae, parang si Xyrene lang.

Marami namang ganun eh pero yung tattoo...paano nga kaya kung si Xyrene yun?

Hindi ako makatulog dahil sa mga nangyare kanina.

Sino nga ba yung humahabol sa amin? May iba pa bang kapatid si Marco bukod sa kambal niya? At ano ang ginawa ng kapatid niya? Ano ang kelangan pagbayaran ni Marco?

Is that why laging wala si Marco? Yun ba ang dahilan kung bakit namomoblema siya?

What the heck is going on?!

Hayst makatulog na nga.

???'s POV

"Hinahanap ka nila, wala ka bang gagawin?" Tanong ko sa kanya

Wala nang buhay ang mukha niya.

"Wala ka rin naman magagawa kahit hindi ka nawawala." sabi ko sa kanya at tumayo

"Maghintay lang kayo. Ipaparamdam ko sa inyo ang sakit, ang mga sikreto niyong matagal niyo nang tinatakasan."

"Humanda kayo"

"Diba Xyrene?"

Where is XyreneOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz