Prolouge

1.8K 20 0
                                    

"W-wag kang lumapit, Dyan ka lang!" nangi-nginig na tugon sa akin ni Carmela habang palapit ako ng palapit sa kanya na ngayon may hawak syang Rebolber at laking gulat ko ng ito'y itinaas nya at itinutok sa akin, sa tapat ng aking dib-dib kung nassan ang aking puso.

"Carmela" sa mga pagkakataong ito'y naramdaman ko ang pagtulo ng isang mainit na likido mula sa aking mga mata, hanggang sa patuloy na ang pagbagsak ng aking mga luha at kasabay nito ang pagkagulat ni Carmela at pagbitaw sa Rebolber na hawak nya na kanina lang ay nakatutok sa akin na akma nyang ipuputok.

"Carmela" muli kong pagsambit ng pangalan nya, ng totoo pangalan nya.

Ngayon ay naglalakad ako papalapit sa kanya, ngunit sa bawat paglapit ko ay sya namang paglayo nya.

Bakit Carmela, Bakit ka kumalayo? Bigla syang napatingala na kung saan ay nasa ilalim sya ng Arch of the Centuries na tila ngayon nya lamang napagtanto at kanyang pinagmasdan ang nangyayari sa aming paligid.

Makulilim ang kalangitan ngayon at ilang sandali lang dahan-dahan nang pumatak ang malalaking patak ng ulan, animo'y parang naglalakihang luha ng langit.

Unti-unti nitong hinuhugasan ang duging pumapatak sa aking noo. May mga sugat at galos din sa aking noo at pisngi at malaking telang nakabalot sa aking braso. Puno narin ng dugo ang aking damit. Nakuha ko ang mga ito sa pakikipaglaban kanina sa mga Guardia Civil.

"M-maligayang kaarawan...Carmela" Pagbati ko sa kanya. Ngayon ay Ika-29 ng Pebrero taong 1892, ito ang araw ng kanyang kaarawan, ang araw na nakatakda sana kaming ikasal.

Mas lalo pang lumakas ang pag patak ng aking nga luha, na nakikisabay sa malakas na pagbuhos ng ulan habang ang panig naming mga rebelde ay patuloy nakikipaglaban sa mga mapang abusong opisyal at mga Guardia Civil.

Mas lalong nadurog ang puso ko nang makitang umiiyak si Carmela, kung kayat tinitigan ko ang kanyang mga mata at sinubukang ngumiti upang iparating sa kanya na ayos lang ako, kahit alam kong ito na ang huling pagkakataon na makikita ko sya na makikita ko ang binibining bumihag sa puso ko na nagmula sa ibang panahon.

"A-alam ko na ang lahat...H-hindi ka nagmula sa panahong ito"

Iyan ang mga huling katagang binitawan ko bago ako tuluyang mahilo matapos kong maramdaman ang malakas na pagtama ng Baril sa aking ulo mula sa aking likuran na syang naging dahilan ng aking pagbagsak at pagpikit ng aking mga mata.

Te Amo Juanito Alfonso(I love You Juanito)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon