Ikalawang Yugto

1K 28 5
                                    

1899

Aking Talarawan,

Pitong taon na ang nakakalipas matapos ang huling beses kong nakita si Carmela, matapos nyang napagtagumpayan ang misyon nyang iligtas ako't panatilihing buhay.

Bakit huli na nang aking malaman ang katotohanang hindi pala dito nagmula si Carmela, bakit huli na nang malaman kong hindi sya ang tunay na anak nila Don Alejandrro at Donya Juanita. Sana'y nalaman ko ng mas maaga upang napaghandaan ko manlang sana kanyang paglisan at nasulit ang mga huling pagkakataon na kami ay magkasama.

"Sabi ko na nga ba at nandito ka lamang, sa Lugar na lagi mong binabalik-balikan, Sa lugar kung saan nagmula ang lahat. Umaasa ka parin ba na babalik pa sya kahit natapos na ang misyon nya"

Bigla akong napaalis sa pagkakasandal sa puno ng mangga nang marinig ko ang isang pamilyar na boses na nanggagaling sa aking likuran. Ang boses ng aking kapatid na si Angelito na hindi ko namalayan ang kanyang pagdating. Alam na nya ang lahat, ang katotohanan, Ang pagpapanggap ni Carmela, Ang misyon nya at ang pinagmulan nya. Nasabi ko ang lahat kay Angelito at ganun narin kay Theresita na hanggang ngayon ay kanya paring kasintahan. Mabuti pa silang dalawa ay parehong taga rito kung kaya't walang anumang magiging hadlang sa kanilang pagmamamahalan hindi tulad ng sa amin ni Carmela.

Nasa 20 anyos na ngayon si Angelito at nag-aaral ng kolehiyo sa kursong pagaabogasya. Nang matapos ko ang pag aaral ng medisina at maging isang ganap na Doktor sa tulong ng isang professor ay sya naman ang pinag aral ko. Si Theresita naman patuloy parin pinaaaral ni Madam Ofelia marahil ay nakitaan nya ito ng potensyal at kasipagan lalo nat mabuting tao si Theresita na ngayon ay nasa 21 gulang naman. Lagi kong ipinapalala sa kanilang dalawa na tapusin muna ang kanilang pag aaral bago pairalin ang kanilang kapusukan lalo na si Angelito na alam kong darating ang araw na siya'y magiging haligi rin ng tahanan.

"Kuya Juanito, ayos ka lang ba"
Muling sambit ni Angelito na syang naging dahilan upang bumalik ang aking ulirat.

"Oo naman, ayos lamang ako, napalalim lamang ang aking iniisip kanina kung kaya't hindi ko namalayan ang iyong pagdating"

tugon ko kay Angelito na ngayon ay nasa tapat ko. Bigla naman kaming napayakap sa isa't-isa marahil sa pananabik. Ilang taon rin akong nawala dito sa San Alfonso dahil kinakailangan kong magtungo sa iba't-ibang lugar upang manggamot at ngayon ay napagpasyahan kong dito nalamang mamalagi sa San Alfonso, Sa sarili kong bayan na binuo at itinaguyod ng aking mga ninuno.

Nang makawala ako sa mahigpit na pagkakayakap ni Angelito ay napatingin ako sa kanya mula ulo hanggang paa. Ang laki na ng pinagbago niya, ngayon ay mayroon na siyang bigote na tanda ng kanyang pagiging isang ganap na binatilyo at lumaki ng bahagya ang kanya pangagatawan, parang kailan lamang ay mas matangkad pa ako sa kanya ngunit ngayon ay kasing tangkad na nya ako.

Sadyang napakabilis ng panahon.

"Anong oras ka nakarating dito sa San Alfonso, hindi ka manlang nagpadala ng sulat na uuwi ka upang napaghandaan manlang namin ni Theresita. Kauuwi ko lamang nung nakaraang lingo mula sa maynila at dumating naman si Theresita nung isang araw  nang payagan siya ni Madam Ofelia na makauwi rito sa San Alfonso." pagsasaad ni Angelito

"Pasensya na kung hindi ako nakapagsabi nais ko lamang kayong surpresahin ngunit mukhang ako ang nasurpresa sa pagdating mo rito."

Nakangiting kong sagot sa kanya

"Nakita ni Mang Adolfo ang pagbaba mo kanina sa Barko, isasakay ka sana nya ngunit may iba na syang pasahero kung kaya't hindi kana nya naisakay at nang magkita kami kanina ay natanong nya kung nakarating kana ba dito sa San Alfonson na siyang ikinagulat namin ni Theresita dahil ang alam namin ay abala ka sa paggagamot at pagbibigay ng paunang lunas sa mga lugar na may mga sakit na Tuberkyulosis"

pagpapaliwanag ni Angelito.

Ito ang panahon na maraming mamamayang pilipino ang nagkakakit ng Tuberkyulosis (Tuberculosis) na kung saan ay panahon ng mga amerikano at maraming namamatay dahil wala pang sapat na lunas o mga gamot ang naiimbento sa panahong ito.

"Pasensya na kung hindi muna ako dumiretsyo sa ating tahanan, ninais ko lamang dumaan muna rito upang sariwain ang mga ala-ala namin ni Carmela sa lugar na ito."

nakangiti kong tugon sa kanya.

"iyan ang unang pumasok sa aking isipan kaya't nagpaalam muna ako kay Theresita at agad na nagtungo rito upang sunduin ka sapagkat sa mga oras na ito ay tiyak na nakahain na ang Pananghalian, Iniluto pa naman nya ang iyong paboritong Caldereta ala Montecarlos.

Naalala kong matagal nga palang nagsilbi si Theresita sa mga Montecarlos kaya't kabisadong-kabisado na nya ang pagluluto nito.

"O sya tara na, baka lumamig pa ang iniluto't inihain ng iyong sinta."

Nakangiti kong tugon na syang ikinapula ni Angelito nang sabihin ko ang salitang sinta. Naalala ko na ganyan din ako kiligin nuon kay Carmela at halos ganyan din ang edad ko nang mapaibig ako sa kanya.

Pagdating namin sa Hacienda ay tumambad sa amin ang amoy ng Caldereta. Malaki narin ang pinagbago ng aming Hacienda. Maraming ala-ala ang aming pamilya sa tahanang ito bago pa kami halughugin ng mga guardia civil sa pamumuno ni Heneral Seleno at marahil ay dito rin lumaki si Angelito, mabuti nalamang ay nagawan ko ng paraan upang mabawi ito sa pamahalaan lalo na't  napamatunayang inosente ang aking ama at si Kuya Sergio at ganuon narin si Kapitan Corpuz. Ngunit ang yaman at karangyaan ng aming pamilya ay hindi ko na nabawi pa.

"Nariyan na pala kayo mga ginoo" nakangiting tugon sa amin ni Theresita habang naglalagay ng mga plato sa hapag kainan.

Agad naman kaming umupo ni Angelito, ako ang nakaupo ngayon sa dating inuupuaan ni ama sa gitna, nasa gawing kanan ko naman si Angelito at gawing kaliwa si Theresita. Marahil ay nahihiya sila sa akin na magtabi ng upuan kaya't magkatapat lamang sila ngayon.

Naaalala ko nung mga panahong kumpleto pa kami dito sa hapag kainan laging nasa kanan ni ama si ina, sa kaliwa naman si Kuya Sergio habang nasa tabi nya ako at katabi naman ni ina si Angelito kung kaya't si ina at kuya Sergio ang magkatapat sa mesa at kami naman ni Angelito. Nakakapangulila ang mga tawanan nila ama, ina kuya sergio at Sonya. Mula naman nang maikasal si Sonya kay Ignacio ay nakakasama na lamang namin siya sa hapag kainan tuwing umuuwi siya rito.

"Ilang taon narin ang nakalipas Ginoong Juanito mula nang huli tayong nagkita at hindi maipagkakailang wala parin sa iyong nagbago bukod sa salamin at gupit ng iyong buhok ay mas lalo ka lamang gumwapo."

Nakangiting tugon ni Theresita habang nakatingin sakin at agad namang napatingin sa kanya si Angelito na tila naninibugho. Napangiti nalamang ako.

Agad ko naman siyang tinignan at nginitian.

"Nagdududa ka parin ba sa pag -ibig sayo ni binibining Theresita aking kapatid?"

Tugon ko kay Angelito dahilan kaya't bigla siyang nasamid. Agad namang tumayo si Theresita at inabutan siya nung tubig.

"Hindi naman sa ganuon kuya"

tugon nito matapos makainom ng tubig.

"Marami ng napatunayan si Binibining Theresita sa akin upang pagdudahan pa ang kanyang pag-Ibig"

Nakangiting tugon ni Angelito habang nakatitig sa mga mata ni Theresita

Matapos ang pananghaliaan ay agad akong nagtungo sa aking silid upang ayusin ang aking mga gamit, tinulungan naman ni Angelito si Theresita sa pag huhugas ng mga plato.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 15, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Te Amo Juanito Alfonso(I love You Juanito)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon