CHAPTER 5

11.5K 346 8
                                    

CHAPTER:05

|Texana West POV|

Inihinto ko ang motor ko ng makarating ako sa tapat ng Mansion ni Uncle Luiz. Today is Sunday, One day passed after I met Kalem.

"Ikaw ba si West, Ija?" Tanong ng gwardiya na sumilip mula sa gate kaya tumango ako bilang sagot at agad niya namang binuksan ang gate kaya muli kong pinaandar ang motor ko papasok.

Bumaba ako ng motor ko ng maparada iyon sa garahe nila Uncle Luiz tsaka ako pumasok sa loob ng mansion nila at bumungad naman sa akin ang ilang maid.

"Magandang umaga ija, ikaw ba si West?" Tanong ng isang matandang babae

Pst! Mukhang sinabi sa kanila ni Uncle Luiz na darating ako ah.

"Morning and yeah, it's me." Tipid kong sagot at ngumiti naman ito

"Maupo ka muna dito ija, pababa na rin 'yon si Luiz, gusto mo ba ng maiinom?" Nakangiti niyang wika

"No thanks."

"Ok, Maiwan muna kita ija, magluluto lang ako." Isang tango lang ulit ang itinugon ko sa kanya

Inilibot ko ang paningin ko sa kabuuhan ng bahay ni Uncle Luiz at masasabi kong napakalaki ng bahay niya at ganda. Parang katulad lang ng bahay namin.

"West?"

Napalingon ako sa taong tumawag sa pangalan ko at agad ko namang nakita si Uncle Luiz na ngayon ay malaki ang ngiti habang naglalakad palapit sa akin.

Huminto ito sa harapan ko tsaka ako mahigpit na niyakap.

"Na-miss kitang bata ka, ang tagal rin nating hindi nagkita ah, napakalaki at ganda mo na." Wika nito bago kumalas mula sa pagkakayakap sa akin

"I guess napaliwanag na sayo lahat ng dad mo ang mga dapat mong malaman." Usal niya kaya tumango ako tsaka naupo sa sofa at dumi-quatro

"Where is he?" I asked

"Excited to see him?" Ngisi niyang turan kaya malamig ko siyang tiningnan

"Just kidding, He's still in his room." Sagot niya kaya hindi na ako umimik

"Nga pala, Salamat at pumayag ka West, Napaka-pasaway kasi ng batang 'yon, Kung saan saan pumupunta kahit na alam niyang nasa panganib ang buhay niya." Naiiling na wika nito

"Does he have a bodyguard?"

"Yes, Marami na akong binigay na bodyguard sa kanya pero gumagawa talaga siya ng paraan para makatakas sa mga ito, hindi lang 'yon dahil lahat ng bodyguard na kinuha ko para bantayan siya ay nag-resign lahat dahil pinagti-tripan niya ang mga ito, araw araw." Kamot ulo niyang saad kaya napailing ako

Mukhang pasaway nga talaga ang anak niya.

"Nandyan na pala siya eh." Biglang saad ni Uncle Luiz habang nakatingin sa likuran ko kung nasaan banda ang hagdanan.

"Come here, Son."

"Why?" Natigilan ako ng marinig ang pamilyar na boses.

Kalem Dela Vega. So, it's him? What a small world. Tch, Bakit ba nakalimutan kong Dela Vega nga pala ang surname ni Uncle Luiz?

Ramdam ko ang mga yabag nito palapit sa amin ni uncle Luiz tsaka ito huminto sa tabi ng ama na nakaupo sa sofa na kaharap ko

"West, this is my son, His name is Kalem and Kalem, this is West. Your new bodyguard." Pakilala sa amin ni Uncle Luiz sa isa't isa at ng magtama ang paningin naming dalawa ay agad na nalukot ang mukha nito

"What?!" Sigaw nito na halatang hindi nagustuhan ang sinabi ng ama "Are you fucking Serious na ang babaeng 'to ang magiging bodyguard ko? Sa tingin niyo ba kaya ako nitong protektahan? Baka ako pa ang mag-protekta dito, itsura palang mukhang mahina na!" Inis na singhal niya habang nakaturo sa akin kaya bahagyang tumaas ang sulok ng labi ko

His Bodyguard Wife (COMPLETED)Where stories live. Discover now