Chapter 10

7K 368 8
                                    

Chapter 10

"Excuse me ma'am." Napatingin ako sa pinto at nagulat ng kaunti dahil nakita ko si Mr. Ssg!

Nagaktanginan pa kaming dalawa bago ay nag iwas din siya agad ng tingin. Napayuko ako saglit at pinagmasdan siya papalapit sa harap.

"Listen class. Just for a minute, listen to the announcement." ani ng Guro namin.

"Ahem.. Uhmm. So, I'm here to announce what are the activities we will be having. First is quiz bee as usual, poster making and quote of the month. For this month ofcourse we will be having a pageant. Every section should have representatives, one for girls and one for boys. The dates and time of the contests will be posted at the bulletin on the main hall of the building. I hope y'all join to have fun. That's all thank you," sabi ni Mr. Ssg at tumingin muna kay ma'am at nagpaalam bago lumabas.

Sinundan ko lamang siya ng tingin at nakitant sinulyapan niya ako. Naguguluhan tuloy ako kung bakit gano'n kilos niya.

"Hala. Excited na'ko sa pageant."

"Ako rin."

"Sino kaya magiging representative natin?"

"Muse and escort!"

"Oo tama!"

Napatingin ako ng tahimik sa mga kaklase ko na nagsi-ingay dahil sa ina-nnounce. Kun'sabagay maraming magaganda sa section namin.

"Eh? Lagi na lang Muse and Escort! Pwede naman iba!"

"Oo nga naman.."

"Tsaka may debate oy! Buti kung sana kaya makipagsagutan ng muse and escort natin 'diba?" said by the President of our class.

"Debate?"

"Hindi ba Q & A lang?"

"Hindi na. Binago na. Pipili ang mga judge ng dalawang magaling or panalo. Like first and second winner. Sila yung magde-debate at kung sino manalo ay siya'ng winner talaga!" Naging interesado naman akonsa sinabi ng presidente namin.

Maganda-ganda 'yon ah.

Pagkatapos ng klase ay nakita ko naman si Mr. Ssg pagkalabas ko ng room namin!

"Pssst! Oyyy! Mr. Ssg!" tawag ko dito dahil hindi n'ya ako pinapansin ng ilang araw na.

"Nakaliptint ako!" sabi ko ngunit hindi man lang s'ya huminto.

"Ahh, so okay lang magliptint? Okay." Inilabas ko ang liptint ko at akmang lalagyan ang labi ko nang may pumigil.

"Bawal mag liptint." Napatingin ako sa pumigil at si Mr. Vice. Hindi ko siya napansin. Nakita ko naman ang pagbaba ng tingin ni Mr. Ssg sa parteng hawak ni Mr. Vice na kamay ko.

"Sige ka ikukulong kita. Pagsusulatin kita ng mahabang mahabang essay." sabi n'ya na parang nanunuya sa boses n'ya. Nagulat na lamang ako nang agawin ni Mr. Ssg ang kamay ko kay Mr. Vice.

"Ako ng bahala sa kan'ya." Pagkasabi no'n ay kinaladkad ako papalayo.

Kumabog at kinabahan naman ako. Bakit ba siya ganito? Bakit pabago-bago 'yunt mood niya? Daig pa ako 'kala mo may dalaw.

Eh ako bakit ako ganito?

"Aray ha!" Sabi ko at binawi ang kamay ko.

Pagkarating namin sa isang room ay pumasok kami roon. Hinila n'ya ang isang upuan at pinaupo ako roon. Naglapag s'ya ng isang yellow paper at ballpen.

Napanguso ako dahil pinipigilan kong magalit. Wala naman akong maalalang ginawang masama sa kaniya.

"Magsulat ka ng essay kung bakit hindi mo mapigilan maglagay ng liptint sa labi mo," an'ya at hindi parin tumitingin sa'kin.

"Hindi naman ako naglagay ng liptint," sabi ko at narinigkong umismid s'ya.

"Sabi mo nakaliptint ka."

"Bakit hindi ka tumingin sa'kin para makita mo kung may liptint ako?" sabi ko at napairap.

"Magsulat ka na lang," an'ya at sa inis ko ay lumapit ako sa kanya at ikinulong ang mukha n'ya sa dalawa kong palad at iniharap sa'kin. Pinilit ko pang ipantay ang mukha n'ya sa mukha ko.

"Oh! Hindi ako nakaliptint. Nakalipbalm ako. Lipbalm na binigay mo," sabi ko at ngumuso sa harap n'ya. Nakita ko naman ang pagitig n'ya rito kaya napakagat ako at lumayo ng konti.

"Oh ano? Pagsusulatin mo pa'ko?" sabi ko at namula dahil nakita ko ang pag ngisi n'ya na tila pinipigilan ngumiti.

Kainis ka talaga Mr. Ssg!

"Hindi na," aniya at akmang lalabas ngunit pinigilan ko 'to.

"Bakit?" tanong n'ya at sa wakas ay tumingin na s'ya sa mata ko! Pero, dahil sa seryosong tingin n'ya ay parang nanghihina ako.

"Sabi mo hindi ka naman nakaliptint. Ano ba? Gulo mo ah," he mocked and that made me to pout.

Hindi ko din alam kung bakit ganito ako hays.

"Ahmm. Salamat pala sa lipbalm," sabi ko at tumango naman s'ya at tinalikuran ako. Hindi niya talaga ako balak pansinin. Naiinis ako at sa sobrang inis ko ay parang may lalabas na luha mula sa'kin.

"Bakit mo ba kasi ako hindi pinapansin!" Napapikit ako sa naisigaw ko. Para naman akong tanga rito. Gusto ata ako nitong magpakatanga eh.

Eh bakit ba ako nagpapakatanga kung gano'n? Bakit nga ba?!

Napanguso na lamang ako nang wala akong narinig na sagot. Iniwan talaga ako. Unti na lang talaga ay pakiramdam kong may tutulong luha sa'kin. Hindi miya na ako pinansin ng walang dahilan. Daig ko pa naghosting.

Pagkadilat ko ay napalayo ka'gad ako dahil ang lapit ng mukha n'ya sa mukha ko!

"Na miss mo'ko?" tanong n'ya at nangunot ang noo ko. Anong klaseng tanong 'yon? E-eh?

Syempre OO—erase! Erase!

Namumula na panigurado ang pisngi ko!

Nag iwas nqn ako mg tingin, "H-hindi ah."

"Talaga? Hmm?"

"H-hindi."

"Bakit na nabubulol?"

"Hindi nga sabi!" sabi ko at tumayo naman na s'ya ng maayos mula sa pagkakapantay sa'kin.

"Okay," sabi n'ya at akmang aalis ay nagsalita ulit ako.

"Oo na! Bwisit ka!" Napahinto naman s'ya sa sinabi ko at humarap sa'kin ng nakangiti!

Takte—um-oo talaga ako?!

"A-anong ngiti 'yan?" sabi ko dahil abot tenga ang ngiti n'ya.

"W-wala." Sabi n'ya na umiwas ng tingin sabay talikod at aalis na naman!

"Lah! Parang tanga! Aalis na naman," sabi ko at liningon n'ya ako.

"Baka gusto mo kase sumunod 'diba?
Para hindi ka maiwan," sabi n'ya at inirapan ko naman s'ya.

"Eh bakit hindi mo'ko pinapansin?" tanong ko at napangisi s'ya.

"Secret. Hindi tayo bati," sabi at nauna ng maglakad. Bumagsak ang balikat ko sa kadahilanang lalo siyang nag iiwan sa'kin ng gulo sa isipan ko.

_______

YOUR VOTE AND COMMENTS ARE HIGHLY APPRECIATED!

DO COMMENT SO I WILL KNOW OF WHAT YOU THOUGHT IN THIS STORY!

IF YOU'RE READING THIS STORY THEN YOU'RE ONE OF MY VIELATS!

LALABS MY VIELATS!

-i c o l i t t l e m e ❤

MR. SSG [ COMPLETED ] *editing*Where stories live. Discover now