Chapter 30

5.8K 276 39
                                    

Chapter 30

Hindi ako makapaniwala. May gusto ako sa kaniya at ngayong nalaman ko na may gusto din siya ay tila gusto kong magpa-handa. Mag letchon ng baboy, gano'n. Feel na feel ko ang saya ng krinushback.

Waah!

"Huy gaga. Pinapunta mo kami dito tapos tutulala ka lang?" Bumalik ako sa huwisyo nang marinig ang naiinis na sabi ni Janelle.

"Ha?"

"Hotdog," ani Stephanie.

Napakagat ako ng labi. Kahit barahin nila ako ay hindi ako mainis-inis dahil sa sobrang kilig ko.

"Kase ano.."

"Sige take your time. Mag pa suspense ka," Nicole said sarcastically.

"Kase sinabi ni Mr. Ssg na.."

"Na.." sabay na sabi nilang tatlo.

"Na gusto niya daw ako!" Napatakip ako ng mukha dahil sa hiya nang pumiyok pa ako sa dulo. Narinig ko naman ang hagalpak ng tawa nilang tatlo.

"Anong nakakatawa?" nakangusong sabi ko.

"Natulog ka ba ng mabuti?" Hinawakan pa ni Janelle ang noo ko.

"Wala ka namang lagnat," dagdag niya.

"Baka puyat ka lang girl. Tignan mo oh laki ng eyebags mo." Natatawang wika naman ni Nicole.

Umirap ako.

"Bahala nga kayo. Ayaw niyo maniwala-"

"Proof nga aber?" Napahinto ako sa sinabi ni Janelle.

"Nagkita na ba kayo?" tanong ni Nicole at hindi naman ako nakasagot agad. Umiling ako.

"Eh ano iyon? Pagkatapos umamin wala ng paramdam?" Natatawang sabi ni Nicole.

"Naghosting ka Dhay!" si Stephanie at tumawa silang tatlo. Napaisip din ako. Isang linggo na ang nakalipas at hindi nagparamdam iyon. Anong nangyari. Napanguso tuloy ako dahil sa iniisip ko.

"Baka nanaginip ka lang Aria ha? Nako," wika ni Janelle.

Napapitlag ako nang mag vibrate and phone ko. Kinuha ko ito at nanlaki ang mata ko.

Kentot calling...

"Si kentot tumatawag!" Napalakas ang boses ko. Napatingin silang tatlo.

"Kentot?" tanong nilang tatlo. Winasiwas ko ang kamay ko para sabihin 'nevermind'.

Inilapag ko ang phone sa gitna ng lamesa at sinagot ang tawag. Niloud speaker ko ito.

"Aria.." he said huskily on the line. Nanlaki ang mata nilang tatlo at naghagikgikan. I cleared my throat.

"Yesh?" Napakagat ako sa naging tono ko.

"Gaga ang landi mo," bulong ni Janelle. Kinurot naman ako ni Nicole sa tagiliran at hinampas ako ni Stephanie sa braso.

'Diba? Kaibigan nga naman.

I heard Mr. Ssg chuckled.

"Kamusta?" Napakunot ang noo ko dahil sa tanong niya.  'Yon lang?

"A-ayos lang. Hehe ikaw?"

"I'm fine too.. about last time. I mean it. I really like you," wika niya at napatakip ng bibig ang tatlo kong kaibigan. Ngumisi naman ako sa kanila. Nagulat ako nang itulak nila ako kaya nahulog ako mula sa kinauupuan ko. Lumikha naman ito ng ingay.

"Aria? Anong meron? Are you okay?" Dinig ko. Inalalayan naman ako nilang tatlo pabalik.

"Ah wala hahahaha! May baliw lang na nahulog."

MR. SSG [ COMPLETED ] *editing*Where stories live. Discover now