Prologue

87 5 0
                                    

Hi ako si Alyra G. Mendez, Aly for short. I am 18 years old at nakatira ako sa isang subdivision. College na ako and I love literature. Mahilig akong magsulat ng tula, storya, nobela at iba pa.

Simple lang ang buhay ko. Ako yung babaeng walang inatupag kundi pag-aaral.

ngunittt—

nagbago bigla ang buhay ko ng magtanong ako ng direksyon sa isang lalaki.

3 years ago

"Hayyy! Unang araw palang ng pasukan bad trip na ako!" Sabi ko habang naglalakad

Unang araw ng klase ngayon at third year highschool palang ako at masasabi kong sobrang ganda at laki nitong bagong school na pinasukan ko. Kagising ko kaninang umaga, di ko alam kung kinakabahan ba ako o excited basta alam ko gusto ko ng magaral. nakakainip kaya sa bahay kapag bakasyon *sigh*

Hinahanap ko ngayon yung building ng classroom ko. Pero dahil nga sa pagkalaki-laki ng lugar na ito, mukhang mahihirapan akong hanapin iyon.

Kanina pa ako dito pero di ko talaga makita! Wala pa naman akong kilala dito! Bahala na nga..

Ang daming estudyante kahit maaga pa. Nahihiya akong magtanong kaso lalakasan ko na loob ko kaysa naman sa di ako makapasok noh.

"Ummm...excuse me, pwede bang magtanong kung saan yung highschool building ?" Sabi ko dito sa lalaking may kausap na nakatalikod sa akin sabay kalabit sa kanya.

Ughhh nakakahiya talaga pero keri lang!!!

Kasi naman—

Biglang humarap yung lalaki at... grabeee bakit ang gwapo neto????!

Uyy! Aly ano ka ba focus ngaaa!!

Sabi ko sa utak ko.

"What?" Sabi ni kuya. Ayyy ang sungit ha nagtatanong lang naman.

"Sorry pero naliligaw kasi ako. Bago palang kasi ako dito kaya di ako pamilyar. Saan dito yung
Highschool building?" Sabi ko dito kay Mr. sungit

Grabeee nakakaintimidate naman makatingin toh! Peroo Aly, huwag magpapaapekto!

Kumunot ang noo ni kuya bago sumagot.

"Ummm alright. You see that building?" Sabay turo niya doon sa kulay silver at white na may glass na building. "Pag pasok mo,you'll see a cafeteria so sakay ka ng elevator then stop at 2nd floor."

Wow!! Marunong palang magtagalog si Mr. sungit pero infairness and ganda ng pagkaka english ha.

"Ahh okay maraming salamat!" Sabi ko at umalis na patungo doon sa sinabi niyang building.

Habang naglalakad ako, di ko napansin na may kasalubong pala ako. Ehh kasi naman nawili ako sa paligid eh sorry naman! Oo na kasalanan ko na!

Ughhh ano pa kayang mangyayari sa akin sa araw na ito?? Kainis...

_______________________________
To be continued

hey guys, supp?? ano kaya sa tingin niyo ang mangyayari?? hmmm abang abang lang sa mga chapters readers!! we loveee you all!!

pwede rin kayong mag suggest ng pwede naming gawin sa isang chapter or kung ano gusto nyo maging flow ng story hehe. pwede pa naman mag bago ang isip namin once na nabasa namin yung mga suggestions niyo, yun lang thank you.

Melancholy In Love Where stories live. Discover now