Chapter 6: Meet Maxene

50 2 0
                                    

Aly's pov

*yawns*
hay inaantok pa ako, pero umaga na kasi eh kaya bumaba na ako para mag hilamos.

"good morning anak" bati sakin ni mama, tapos si papa naman nagbihis muna bago kumain dahil may pasok pa siya sa trabaho nya, doctor kasi siya.
"oh aly sabay ka na samin" sabi ng kuya ko na si andrew. by the way college na ang kuya ko, nagaaral siya sa ibang school.

niyaya na ako ni kuya para kumain pero bago yun, nag ayos muna ako ng sarili ko.

pagkatapos nun umupo na ako sa tabi ni kuya tsaka ako kumain. grabe, namiss ko yung mga time na palagi kaming sabay kumakain, ngayon nalang ulit 'to nangyari kase si mama palagi siyang nagtitinda, may bakery shop kasi siya tapos si papa naman nag tatrabaho bilang doctor tapos palagi pang busy si kuya. namiss ko na yung presence nila kaya masaya ako ngayon dahil kasabay ko sila.

"aly gusto mo bang gumala?" tanong sakin ni kuya, tumango ako sakanya tapos nginitian ko na rin sya.
"sige pagtapos mo dyan mag bihis ka, aalis tayo" sagot niya sakin.

"saan kayo pupunta, wag kayong magpapagabi ha" sabi ni mama.
"oo ma, ngayon lang naman ulit kami gagala ni aly" sabi ni kuya kay mama.

nagmadali akong kumain dahil excited na ako kaya ayun natapos ako agad. umakyat ako sa taas para mag bihis. I'm wearing my jeans tapos yung pantaas ko is sweater. simple lang ang sinuot ko kase mag mamall lang naman kami.

nagpulbos din ako tapos naglagay ako ng konting liptint sa labi ko para naman hindi ako maputlang tignan.

bumaba na ulit ako tapos si kuya naman nasa labas na kaya lumabas na rin ako.
"ingat kayo anak" pahabol na sinabi ni mama.

may kotse naman si kuya, kaya di na kami nag commute, tapos ayun sumakay na ako sa loob. tapos pinaandar na niya. magaling mag drive ang kuya ko kaya wala dapat akong ikatakot.

Ayala malls

"libre mo ako" sabi ko sakanya.
"sige ano bang gusto mo" tanong sakin ni kuya. tinuro ko sakanya yung damit na nakadisplay sa H&M, ang ganda kasi.

"pagkain lang, di ko sinabing mamahalin!" sagot niya sakin tapos tumawa kaming dalawa. nagbibiro lang naman ako eh.

so habang naglalakad kami—

"hoy kuyaa! bakit mo siya tinitignan haa, type mo no, yieeeee ikaw ah" asar ko kay kuya. may babae kasing tumitingin ng damit sa side namin tapos nakatingin yung kuya ko.

"hindi ah bakit ako magkakagusto dyan, kilala ko yan eh" sagot niya sakin.
"weh? bakit hindi mo siya kausapin" tanong ko sakanya.

"schoolmate ko lang siya di ko siya ka close. tska sira ulo ka ba same lang kayo ng year, baka mamaya matawag pa akong pedophile." sabi naman ni kuya.

"ah okay, ang ganda niya pala, sana ganyan din ako kaganda" sabi ko.
"maganda nga siya malandi naman" sabi ng kuya ko. nabigla ako sa sinabi niya tapos kumunot yung noo ko sakanya.

"grabe ka naman kuya! napaka judgemental mo naman" sabi ko sakanya.
"alam mo bang maraming pinaglalaruan yun, may boyfriend na siya tapos lumalandi pa sa iba" sabi ni kuya.

hindi ako nagsalita pero si kuya nag kwento parin siya tungkol sa babae na yun, kaya ayun nakinig ako sakanya, pero syempre umalis na yung babae, kami naman patuloy lang sa paglalakad.

"Simula first year highschool palang nakikita ko na siya, may kasamang lalaki, minsan iba iba, tapos nakakarinig din ako ng mga gossip about sakanya."
sabi ni kuya.

"may boyfriend na ba sya nun?" tanong ko.
"siguro, ewan, kasi paibaiba kasama niyang lalaki pero alam kong may bf na siya at bali-balita, mag one year daw sila." sabi niya.
"eh nasan ba yung boyfriend niya" tanong ko kay kuya ko. tapos sabi nya nasa ibang school daw.

Melancholy In Love Where stories live. Discover now