James POV
Nandito ako sa library kasama mga kaibigan ko kasi may hiniram kaming libro para sa test namin.
" uyy umaasenso tayo ngayon ah" sabi ng kaibigan kong si Jasper na natatawa.
" haha kayo lang ako matagal na. Buti nga at naisipan niyo magaral ng leksyon. " sabi ko naman.
" oo nga pare kailangan eh. Alam mo naman dagdag pogi points sa mga chicks hahaha. " sabi naman ni Miguel.
Nagtatawanan kami ng may mabangga akong babae at natapon ang tubig ko sa kaniya ang kukulit kasi ng mga kaibigan ko eh buti nalang tubig lang.
" Sorry Miss -"
Hindi ko na tapos yung sasabihin ko nung humarap yung babae sa akin at putek! Ang ganda niya. Siguro transferee palang to ngayon ko lang siya nakita eh pero ang ganda niya talaga. Natauhan nalang ako nung nagsalita siya.
" ahh hindi ok lang" sabi niya sabay ngiti ang ganda ng ngiti niya OA na kung OA pero nung ngumiti siya sa akin WOOW!
Hinila na ako ng mga kaibigan ko at tawa ng tawa at pilit akong tinutukso.
" uyy pare malapit ng tumulo laway mo kanina ahh "
"ano ang ganda noh type mo? hahahaha" sabi ng mga kaibigan ko
Dahil doon nahiya ako at pilit na ilabas sila sa library.
Ganoon ba talaga ako kanina? Pero kung totoo nga anong magagawa ko ang ganda talaga niya eh. Ano ba yan nakakabakla hahahah.
Pero ito lang talaga ang kanina ko pa iniisip.
Ano kaya pangalan niya?
Nangyari ang pangyayaring ito siguro magiisang lingo na at hindi ko parin nakikita ang babaeng yun. Alam ko naman na ang laki nitong campus namin pero simula nung araw na yun hindi na talaga siya nawala sa utal ko.
Monday ngayon at hinahanp ko ang bago kong classroom kasi nalipat ako sa ibang section dahil tumaas daw mga grades ko.
Naglalakad ako ng may mabangga akong babae. Ano ba yan lagi nalang ako may nababangga. Nakayuko kasi yung babae at nung humarap siya nagulat ako dahil sa wakas nakita ko na rin siya ang babaeng nasa library pero ang mas ikinagulat ko ay may luha siya sa mga mata anong nangyari?
" Ms. Sorry ahh nagmamadali-"
" ikaw yun!"
" huh?" Sabi niya
" ikaw yung babae sa library! Sorry nga pala ulit ahh dun sa natapunan kita ng tubig."
" ahh ikaw pala yun. Ok lang nagsorry ka naman na noon."
" Nga pala ako si James." Inabot ko sa kaniya kamay ko at ganoon din siya at nalaman ko na siya pala si Aly.
Aly, kay gandang pangalan bagay sa kaniya.
Magkahawak parin kami ng kamay dahil parang ayaw ko na itong bitawan pero siya na rin kusang nagtanggal ng may tumawag sa kaniyang lalaki at tinawag niya itong Lucas.
Siya ba yung dahilan kung bakit siya umiiyak kanina?
Nagkakilala kaming dalawa at tinanong ko pa kung bakit siya umiiyak kanina pero sabi niya napuwing lang daw siya . Hinayaan ko nalang siya dahil parang ayaw niyang pagusapan. hindi rin nagtagal ay nagpaalam na sila dahil late na daw sila sa klase nila. At doon ko lang naalala na hinahanap ko pa pala yung bagong classroom ko hayy. Umalis na siya pero atleast alam ko na pangalan niya.

YOU ARE READING
Melancholy In Love
RomanceSANA Simula nung ikay aking masilayan labis na galak at saya ang aking naramdaman mula sa mga ngiti at tawa na ating pinagsaluhan aba't ako'y talagang tinamaan hinihiling ko na sana, ako'y mapansin mo subalit kahit anong gawin ko isa parin ako sa...