Chapter 13

373 8 0
                                    

Nakatulog siya ng mahimbing sa sahig, siguro dahil sa pagod at sa lamig ng klima sa Tagaytay.

Tumayo siya at pumunta sa terrace, gusto niyang langhapin ang sariwang hangin. Binuksan niya ang kanyang cellphone at nakita niyang maraming tawag at message galing sa mama niya at sa papa ni Marco. wala siyang balak sagutin ang mga eto. Nahihiya siya sa mga eto, bagama't parang puro pag aalala ang mga nasa message nito sa kanya ay di niya pa rin alam kung anong naiisip ng mga eto.

Iniisip niyang siguro sa ngayon ay nakarating na sa America sila Marco, lumipas na ang ilang araw, eto ang hinihintay niyang tumawag sa kanya pero di siguro ito tatawag dahil masaya ito, ayaw na niyang umasa pa.

Pero bakit di niya mapigilan ang kanyang puso na umasa, na pakiramdam niya pag eto ang tatawag at hahanapin siya ay baka sumunod siya dito ng di oras, maghihintay siya ng ilang araw sakaling tatawag ito.

Pumunta siya sa mall at bumili ng mga furniture at pagkain, lahat ay ipapadeliver niya bukas, pagod na pagod siya sa pamimili. Kinabukasan ay ginugol niya ang araw sa pag ayos ng kanyang apartment. Tuwang tuwa siya sa kinalabasan ng dekorasyon niya, naging bahay ang bahay niya. Bumili din siya ng bagong cellphone para bago na rin nag kanyang number. Kelangan niya ang sariling makalimot kung hindi ay mababaliw lamang siya sa kaiisip kay Marco.

Bukas naman ay paghahanap ng trabaho ang plano niya kaya natulog siya agad. Kinaumagahan ay agad siyang lumakad, nakahanap siya ng bangko na naghahanap ng teller, nakasulat sa requirements na pwede ang natapos niya kaya nagpass siya ng resume, gamit niya ang pagkadalaga niyang apelyido. Walang nakakakilala sa kanya sa Tagaytay.

Pumasyal pasyal sa paligid, maganda ang Tagaytay,  sumasabay siya sa mga Turista at masaya palang mamasyal na mag isa. Bandang hapon na ng balak na niyang umuwi, biglang nagring ang kanyang bagong cellphone at hindi kilalang numero ang tumatawag. Tinatawag siya bukas para sa Interview, agad siyang umuoo at ng binaba ang kanyang cellphone, tuwang tuwa siya.

Umuwi siya at nagpahinga, tiningnan niya ang dati niyang cellphone pero puro message at tawag galing sa kanyang ina, hayy walang paramdam si Marco si kanya. Alam na kaya nito na nagtapat na siya sa lahat?, un ang nakatulugan niyang tanong sa kanyang isip. Natulog siya ng maaga para sa interview niya bukas.

Nakuha siya bilang isang teller sa bangko na iyon, hindi ganong kalaki ang sweldo pero masaya na siya at may trabaho na siya. Magsisimula na siya sa mga susunod na araw kaya laking tuwa niya di paubos na ang ipon niya paghahanap ng bagong trabaho, wala siyang nagagastos noon nung magkasama sila ni Marco dahil lahat ay gastos ni Marco. Pero sa ngayon ay ayaw niya namang maubos lahat ng perang naipon niya.

Madali naman niyang naaral ang kanyang trabaho lalo na at accomodating ang mga katrabaho niya. Di niya namalayang mag iisang buwan na siyang nakatira sa Tagaytay, at ni minsan ay hindi tumawag si Marco sa kanya.

Isang umaga ay mabigat ang kanyang pakiramdam, hindi siya nasusuka pero matamlay siya at parating nahihilo, iniisip niya kung dahil ba sa pagod o dahil sa lungkot na nilalabanan? para masagot ang kanyanh mga tanong ay nagpachek up siya sa isang doktor at laking gulat niya ng sabihin ng doktor na buntis siya, dalawang buwan mahigit na siyang buntis, halos maiyak siya sa saya, magkakaanak na sila ni Marco, ang pangarap niyang anak ay dumating din.

Napaisip siya kung susunod ba siya sa America, kumpleto naman ang ticket at may visa na siya kaso ni tawag mula kay Marco ay wala, ni wala siyang alam kung paano macontact ito dahil si Marco lang naman ang may alam kung paano siya kontakin. Naisip niyang magchek ng social media nito, dun niya kaya ikontak ito pero laking gulat niya sa kanyang mga nakita.

Karamihan ay kuha ni Liana at Marco sa pamamasyal ang nandoon na bago, si Liana ang nagpopost ng mga picture, lahat ng larawan nila ay magkadikit, may isa pa na halos magkahalikan na. Para siyang nabuhusan ng malamig na tubig sa mga nakita..Aasa pa ba siya?, tama bang ipaalam niya ang kanyang pagbubuntis? pero dahil sa mga nakita niya ay napagdesisyunan  niyang kalimutan na si Marco ng tuluyan, wala rin lang silang pagbabago kung susunod siya sa America baka mas mahirap pa dahil magkakaanak sila.

Pinatay niya ang kanyang lumang cellphone at binuksan ang likod, inalis nito ang sim saka tinapon, tama na ang pagiging martyr niya, pabayaan na niyang maging masaya si Marco at Liana, ayusin na lamang niya ang kanyang buhay para sa anak.

Araw araw ay kinakausap niya sng kanyang anak, ito ang nagbibigay lakas loob sa kanya. Nang sinabi niya sa manager nila na buntis siya ay ok lang sa mga ito na magkakaanak siya at nagdahilan na ang kanyang boyfriend ay nasa ibang bansa lahat naman ay di na nagtanong pa, nag iipon nalang siya ng nagiipon para sa anak, swerte niya at nakahanap pa siya ng kasa kasama na matandang dalaga, nirecomend ng katrabaho niya.

Paminsan minsan ay pumapasok sa isip niya si Marco pero nilalabanan niya ito, inaabala sa kung anong pwdeng gawin. Lumipas ang mga buwan na wala na siyang komunikasyon kay Marco, paminsan minsan ay tumatawag siya sa kanya pamilya para mangumusta pero kahit anong pilit ng mga eto para sabihin kung asan siya ay agad niyang pinuputol ang usapan. Timugal din ay hindi na nagpumilit pa ang mga eto.

Marco's POV
Halos lumipas na ang ilang buwan mula ng araw na dapat ay darating si Cheska, pero hindi ito dumating. Sa buong buwan mula ng dumating siya sa America ay halos nakalimutan niya ito dahil sa mga dapat ayusin sa kanyang eskwelahan.

Nagulat siya nga ibalita ng kanyang papa na umalis si Cheska at pinagtapat ang lahat, mahal niya si Cheska pero dahil gusto niyang mag kaayos sila ng wala itong kamalay malay ay mas pinili pala nito ang lumayo.

Ilang beses siyang bumalik sa Pilipinas para alamin kung asan si Cheska, gusto niyang huwag ng ipagpatuloy ang pag aaral kaso dahil sa payo ng kanyang magulang ay pinilit niya pa ring tapusin ito kahit ang isip niya sa nakay Cheska.

Saan niya ito hahanapin?, kakilala at mga kaibigan ay walang alam kung asan ito, magkikita pa kaya sila ni Cheska?.

All I wanted is youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon