KABANATA 5 - TUNAY NA PAGKATAO

4.9K 180 6
                                    

Kabanata 5 - Tunay na pagkatao

Mga ilang oras din ang nilagi ni Abella sa pagdiriwang ni Antonios. Hindi na sila lumabas ni Antonios sa loob ng bahay at pinili nalang nito na ipakita sa kanya ang kwarto nito na maraming larawan na tungkol sa panggamot.

Napatingin si Abella sa larawan ni Antonios nung bata palang ito. May birth mark pala ito sa dibdib na hugis korona. Pinakita sa kanya ni Antonios iyon at namangha sya dahil hugis korona nga na merong balahibo na kulay puti at abo. Parang yung balahibo ng aso. Sabi sa kanya ni Antonios ay baka daw dahil pinaglihi ito ng mommy nito sa aso kaya daw nagkaroon ng ganung marka. Pinaniwalaan nalang nya iyon dahil bakit naman ito magsisinungaling.

Napalibot sya ng tingin mula sa paligid kung saan ay dinaraan ng sasakyan ni Antonios. Lulan na sila ng sasakyan at ihahatid sya ni Antonios sa bahay nila. May naramdaman kasi sya na mga awra at nakatingin sa kanila. At dahil kaya ng mata nya na makita ang malayong lugar ay sa isang kagubatan ang nadaanan nila at merong isang puno na malaki kung saan ay nakita nya ang mga asong lobo habang may isa na nag-anyong tao. Nagtataka sya kung bakit nakamasid ang mga ito sa sinasakyan nila?

"Hey, ayos ka lang?" pukaw sa kanya ni Antonios. Tumango sya pero nakasunod ang mata nya sa kagubatan kung saan ang mga ito naroon.

Sino ang mga ito? At bakit nagmamasid ito sa kanila?

Huminto na ang sasakyan ni Antonios kaya napatingin sya sa paligid. Nasa kanila na pala sya. Bumaba si Antonios at umikot. Pinagbuksan sya nito ng pinto kaya bumaba na sya. Hinatid sya nito hanggang sa pintuan nila.

"Tulog na ata ang Inay mo. Pakisabi na salamat sa pagpayag sayo na makadalo." Sabi sa kanya ni Antonios kaya tumango sya.

"Sige." maikli nyang tugon bilang hudyat na tinatapos na rin nya ang usapan. Tumalikod na sya pero napatingin sya sa braso nya ng pigilan sya ng binata sa pagpasok. Humarap sya rito kaya binitawan na nito ang braso nya. "Bakit?" tanong nya na patungkol sa pagpigil nito.

"Gusto ko lang na magpasalamat at makakuha ng regalo sayo." sabi nito pero wala syang naging reaksyon. Lumapit ito sa kanya at para syang natuod ng halikan sya nito pisngi. Napangiti ito at nagpaalam na. Mabilis na tumalikod ito at sumakay ng sasakyan nito. Bumusina muna ito bago pinaandar ang sasakyan paalis sa bahay nila. Sya naman ay hanggang ngayon ay nakatayo parin sa pinto at natulala. Hindi nya alam ang ginawa ng binata. Pero bakit parang uminit ang buong mukha nya ng dumampi ang malambot at mainit nitong labi sa pisngi nya?

"Oh anak, bakit nakatayo pa d'yan? Pumasok ka na." sabi ng kanyang ina mula sa bintana. Agad naman syang nagbalik sa sarili ng magsalita ang ina nya.

"Opo." tugon nya at isinawalang-bahala nalang ang ginawa ng binata.

Sa kabilang banda ay maraming lobo ang nakasunod ang tingin mula kay Antonios at sa babaeng kasama nito. Nagkatinginan ang mga ito dahil sa nasaksihan.

"Tila umiibig na ang anak ng ating hari, pinunong Miro." sabi ng isang lobo na nag-anyong tao.

"Siguro nga. Pero ang tulad nyang prinsipe ng ating lahi ay hindi nababagay sa tao lang. Hindi ko alam bakit hindi pa kunin ng ating hari ang anak nya kay Felipe." sabi ng pinakapinuno ng lobong mandirigma.

"Dahil ata sa nangyayari ngayon sa buong mundo ng bampira kaya hindi pa makuha-kuha ng ating hari ang kanyang anak. Siguro sa tamang panahon, pag oras na matuklasan na ng prinsipe ang kanyang tunay na pagkatao." sabi ng isa pang lobo.

Napatango naman ang pinuno nila at inaya na sila na bumalik sa kanilang palasyo.

-

"Ina, bakit hindi ako makahinga nung makaamoy ako ng isang uri ng sangkap ng mga tao na tinatawag na bawang? Para akong mapapaso at hindi ko makayanan na maamoy iyon?" tanong ni Abella sa ina na may tinatahing damit nya.

BLOOD BOOK 2 (Unedited) ✓Where stories live. Discover now