KABANATA 12 - HALIK

5.1K 176 2
                                    

Kabanata 12 - Halik

Nanggagalaiti sa galit si Warren ng bumalik ang dalawang natirang tauhan nya na sugatan mula sa pag-uutos nya sa mga ito na paslangin ang apo ni Uriko. Ngunit ang binalita ng mga ito ay hindi napaslang ang apo ni Uriko.

"Mga walang silbi! Isang batang babae lang ay hindi nyo pa mapatay!" sigaw nya at dinakma nya ang leeg ng isa bago nya dukutin ang puso nito na kinamatay nito at naging abo.

Agarang lumuhod ang isang Sitirian sa kanyang harapan at nagmakaawa.

"Patawad, Mahal na hari. Ngunit ang batang prinsesa ay isang salot."

Napatigil si Warren sa pagdurog ng puso ng pinaslang nyang tauhang Sitirian gamit ang kanyang kamay. Napatingin sya sa isa pang sugatan nyang tauhan.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong nya kahit na naiisip nya ang sinabi ng babaylan na si Fei.

"Kakaiba ang kanyang mga mata at nang mapatingin kami sa kanyang mga mata ay halos maubusan kami ng hininga at hindi makagalaw. Siya ang sinasabi ng propesiya, Mahal na hari."

Napakuyom ang kamay ni Warren at bumalik sa kanyang trono upang maupo. Hindi nya pinakita sa mga alagad nya na siya ay naapektuhan bagkus ay pinatapang nya ang kanyang mukha at humalakhak.

"Wala akong pakialam kung sya ang sinasabi ng propesiya. Dahil hinding-hindi nya ako makakaya." tumingin sya sa mga alagad nya, "Magsihanda kayo! Ipatawag ang Kasero, madali!" utos nya.

Agad na sumunod ang mga alagad nya habang sya ay napupuyos sa galit.

'Gagawa ako ng paraan para maiwasan ang sinasabi ng propesiya. Hindi isang batang Hikaros lang ang magpapabagsak sa akin.' ani ng kanyang isip.

-

Sa sandaling mapayapang pag idlip ni Abella ay nabawasan ng kaunti ang lungkot na dinadala nya. Hindi parin naaalis sa isip nya ang katagang salot. Pinapangambahan nya na baka sya rin ang maging dahilan kung bakit masisira ang palasyo ng kanyang Lolo ng dahil sa kanya.

"Iniisip mo parin iyon?"

Umalis sya sa pagkakasandal kay Antonios at napahinga sya ng malalim habang nakatingin sa dalawang palasyo. Ang palasyo ng kanyang Lolo na maliwanag at makikita mo ang saya na nakapalibot doon. Ngunit sa kabilang palasyo naman ay kadiliman ang nakabalot na hindi nanaisin na puntahan ng kahit sino man.

"Hindi mo maiaalis sa akin ang isipin iyon. Dahil baka ako pa ang magdala ng panganib sa aking pamilya."

Napatingin sya kay Antonios ng hawakan nito ang kanyang kamay. Nais nyang bawiin ang kanyang kamay dahil naiilang sya ngunit mahigpit nito iyong hinawakan.

"Wag kang mag-isip ng ganyan. Hindi ka magiging salot ng inyong lahi. Kahit ano pang sabihin ng propesiya ay hindi parin ito ang basehan para masabing totoo ang mga nakasaad doon at totoong mangyayari iyon."

Tumayo ito at napahawak sya sa balikat nito ng pangkuin sya nito. Nagkatinginan sila at nginitian sya ng binata.

"Ikaw ang makakaalam ng iyong tadhana. Kung iisipin mo ang iyong mga gagawin ay maiiwasan mong magkamali. Wag ka nang malungkot, dahil kung mangyayari man ang nasa propesiya ay poprotektahan ko ang palasyo nyo."

Pagkatapos nitong sabihin iyon ay nagpalit ito ng anyo at nilagay sya nito sa likod nito kaya kumapit sya sa mabalahibo nitong leeg.

Mahigpit na yumakap sya sa leeg nito at kahit papaano ay nawala ang pangamba nya sa pangako nito.

Habang tumatakbo si Antonios ay nilingon nya si Abella. Pinangako nya sa sarili na poprotektahan nya ito at maging ang mahal nito sa buhay.

Pagdating sa palasyo ng Hikaros at sa kwarto nito ay lumakad sya palapit sa kama nito. Tumalon sya sa kama nito at unti-unting napabitaw ang dalaga na nakatulog sa kanyang likod. Kinagat nya ang kumot at kinumutan ito. Hindi sya nagpalit na nang anyo at dinilaan nya ang mukha nito.

BLOOD BOOK 2 (Unedited) ✓Where stories live. Discover now