KABANATA 10 - BALAK

4.5K 161 1
                                    

Kabanata 10 - balak



Matapos ang pagsasalo-salo ay naisipan ni Abella na maglibot-libot sa palasyo ng mga Lobo. May kanya-kanya kasing pinag-uusapan ang nakakatandang kasama nya, kaya ng mainip sya ay naisipan nyang lumabas sa silid na pinagsaluhan nila.

Napahinto sya ng matapat sya sa isang silid kung saan maraming sandata ng pandigma ang naroon. Naging bituwin siguro ang mga mata nya ng masilayan nya ang magagandang armas.

Pumasok sya ngunit agad syang napabalik ng may humila sa bewang nya. Napalingon sya sa humila sa kanya na hindi parin sya binibitawan.

"Antonios.." aniya.

"Hindi ka maaaring pumasok d'yan. Isang sagrado yan at kung papasukin mo ay handa ka bang maging akin?" seryosong tono nitong sabi kaya inalis nya ang kamay nito at hinarap nya ito.

"Ano naman ang kinalaman ng silid ng mga armas sayo?" tanong nya.

"Dahil pagmamay-ari ko yan. Ikaw lang ang pahihintulutan ko pero oras na pumasok ka ay ibig sabihin lang din no'n ay pumapayag ka na maging akin." sabi nito sa kanya at lumapit.

"Wag na." sabi nya at agad na tinalikuran ito.

"Palagi mo nalang akong tinatalikuran pero palagi naman kitang nahahabol. Hindi mo man lang ba ako kakamustahin nung araw na iniwan mo ako?"

Napahinto sya sa paglalakad dahil sa sinabi nito.

"Hindi na kailangan, dahil kita ko na maayos ka. Pasensya na sa pag-iwan sa'yo dahil hindi mo rin naman ako masisisi dahil hindi ko alam na kakaiba ka rin pala." sabi nya habang nakatalikod kay Antonios.

Agad na lumapit si Antonios at nagtungo sa harap ng dalaga para makita ito ng harapan.

"Oo, ayos ang pisikal kong anyo. Pero ang nilalaman ng puso ko ay hindi ayos. Nasaktan ako ng sobra dahil iniwan mo ako pero ngayon na naaabot nalang kita, kaya kitang angkinin kahit kelan ko gustuhin." sabi ni Antonios at hinaplos ang mukha ni Abella na puno ng pagtataka.

"Hindi ko alam ang lumalabas sa bibig mo, paumanhin ngunit kailangan ko ng bumalik kela ama." sabi ni Abella at pinigil ang kamay ni Antonios sa paghaplos sa pisngi nya.

Agad nyang nilagpasan ito ngunit napahinto sya ng muling humarang ito sa daan nya.

Naglaho sya at sa isang aklatang silid sya napadpad. Hindi pa nya kabisado ang pasikot-sikot sa palasyo ng mga lobo kaya naliligaw sya.

"Isa sa mga araw na ito ay imumungkahi ko sa aking ama na ikasal sayo, Aking Abella." nabigla sya sa umalingawngaw ang tinig nito sa buong silid aklatan.

Hinanap nya ito sa medyo madilim na aklatan ngunit nabigla sya ng sa isang iglap ay nasa harap na nya muli si Antonios na hindi nya naramdaman.

Kakaiba ang bilis nito dahil hindi man lang nya naramdaman.

"Hindi ko pa nais na maikasal kahit na kanino, maging sayo." seryoso nyang sabi na kinangisi nito. Ibang Antonios ang nasa harap nya. Isang malakas, kakaiba, at may awtoridad na awra.

"Hindi mo ba alam na kaya nais ni Ama na makipagsanib pwersa ay para maging malapit sa inyo at kung sakali na imungkahi ko na ikasal tayo ay madali ng mapapayag ang inyong hari." sabi nito.

Dahil sa inis nya ay naglabasan ang matatalim nyang pangil at kuko. Sinugod nya si Antonios na nalilibang sa pag-iwas sa kanyang pagsugod.

Ginamit nya ang lakas para sipain ito na agad nitong sinalag. Gagamitan nya sana ito ng kamao ng maagap nitong hinawakan ang pulso nya at hinila para makalapit sya.

BLOOD BOOK 2 (Unedited) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon