Masaya Part 6

1.2K 11 0
                                    

Part 6

"Uhhhmmm... uuhhhmmm"
Ang ungol ni Kimberly noon, at nakakalibog siyang humalinghing noon, hinde ko alam kung sadyang ganoon siya humalinghing o sinasadya niya ito para mas malibugan ako, at hinde naman siya nabigo dito, because she awaken the beast inside me, dahan dahan kong ibinangon ang aking katawan at agad na sinuso ang isa sa mga dibdib ni Kimberly habang nilalamas lamas ito, siya din namang himas niya sa aking ulo at tila ba sinusubsob pa niya ang aking mukha dito. Matpos kong masuso ang dibdib niyang iyon ay siya namang lipat ko sa kabila na kanina ay nilalamas lamas ko pa
"Shiiit kaahh... ahhh"
Ang ungol niya habang gigil na gigil kong dinedede ang utong niya habang ang kabila naman ay hinihilahila ko nang aking hintuturo't hinlalake, mayamaya pa ay ginapang ko ang aking halik paitaas mula sa kanyang suso, patungo sa kanyang leeg, hanggan sa maglapat muli ang aming labi habang muli ay nilamas lamas ko ang magkabila niyang susong kay lambot at mainit init pa. Sa bawat piga na aking ginagawa dito ay siya namang papusok na papusok na paghalik niya sa akin, matapos ay nilisan ko ang kanyang labi at sinimulan namang halikan ang kanyang leeg at halikhalikan ang likod nang kanyang tenga. Damang dama ko ang init nang bawat hingang ginagawa ni Kimberly noon habang patuloy kong hinahagkan ang kanyang katawan, ilang sandali pa ay inalis niya ang aking damit, matapos ay dahan dahan niya akong tinutulak paibaba, hanggang sa tuluyan ko nang mailapat ang aking likod sa malambot niyang kama. Mayamaya pa ay dahan dahan siyang umaatras pababa at nadama ko na lamang na binubuksan niya ang zipper at butones nang aking pantalon at ilang sandali pa ay nadama ko na ang mainit at malambot niyang palad na dumakma sa aking nangangalit na Manoy. Napapikit na ako nang maramdaman kong sinisubo na niya ito at nakakatuwa kung paano niya ito bigyan nang blow job nang mga sandaling iyon, no hands siya at kung paano niya ito isubo ay sadya namang kay sarap, yung tipong, iniaatras abante niya ang ulo niya habang panay ang labas pasok nang aking Manoy sa bibig niya at para bang ang datingan eh kinakantot ko ang bibig niya, at di ko maiwasang mapanganga nang bilisan niya pa ang kanyang ginagawa sa aking alaga, mas nanigas pa ito dahil sa sarap at sensayon na aking nadarama, mayamaya pa ay nakita ko na siyang nagaalis nang salawal, at mayamaya pa ay dahan dahan na siyang pumupwesto sa aking bewang , nagtaka ako nang tila ba ang tagal niyang nakaupo at tila ba may pinapakinggan
"Bakit?"
Ang tanong ko sa kanya
"May narinig ka bang pumasok? Parang bumukas kasi yung pinto eh?"
Ang sabi niya sa akin, pinakinggan kong maiigi ang paligid at tila may kung sino nga ang nakapasok nang bahay.
"S-sandali, dito ka lang"
Ang sabi ko noon kay Kimberly at kinuha ang nakita kong panungkit nang damit upang magsilbing pamalo, di ko alam kung makakatulong nga ito pero wala naman akong makitang kahit ano sa loob nang kwarto ni Kimberly na pwedeng gawing sandata maliban doon, gawa naman ito sa bakal, tubo na pinasadya upang maging panungkit kaya naman pwede na itong pang hambalos kahit papaano. Dahan
dahan akong lumabas nang noon at sumilip at may nakita akong isang anino sa may kusina at walang sabi sabi ay hinataw ko ito sa balikat
"Arrrrrraaaaaaayyy!!!! TANG EEENAAAAHHH!!!"
Agad kong binuksan ang ilaw at nang babambuhin ko pa sana ito ay agad na lumapit sa akin si Kimberly
"HALA! GILBERT?!"
"PUTANG INA ANG SAKIITT!!!"
Ang naiiyak na sabi nang lalake, ay teka muna... mali, baklang nahataw ko nang mga sandaling iyon, at mangiyak ngiyak ito at dahan dahan siyang tinayo ni Kimberly mula sa pagkakaluhod
"TANG INA KANG GAGO KA! BAT MO KO PINALO!!!"
Ang sabi nito sa akin at binato ako nang suot nitong sandals, agad naman akong umiwas dahil alam kong malakas ang pagkakabato niya dito at siguradong masakit ito pagtumama
"Naku Gilbert sorry, akala namin magnanakaw eh!"
"Eh yan ang mukhang magnanakaw eh!!! Sino ba yan?!"
Ang naiiyak na natatawang sabi ng baklang iyon
"Boypren ko si El Nunal, ano El Nunal... pinsan ko si Gilbert, Gil for short"
Sinubukan ko siyang batiin pero inismiran lang ako nang baklang iyon, hinde ko naman siya masisisi kung maggagalit siya sa akin nang mga sandaling iyon dahil nga pinalo ko siya, mabute na lang pala at hinde ko sa ulo pinalo ang baklang iyon kung hinde ay baka nakapatay pa ako dahil bigay todo ako sa pagpalo
"Tignan mo oh! Namamaga na! Ang sakiit!!!"
Ang umiiyak na sabi nito habang natatawa kay Kimberly
"Eh bakla ka kasi! Para ka kasing magnanakaw na pumasok nang bahay! Bakit ba hinde ka muna nagbukas nang ilaw? Diba ganoon naman ang ginagawa mo pagdumadating ka nang madaling araw?"
"Akala ko kasi nandito si Mommy eh, alam mo naman na jojombagin ako nun pag nakita ako, ang sakit talaga bhe!"
Umupo sila noon sa may kusina at dinampian nang mainit na bimbo ni Kimberly ang nahataw kong braso, ako naman ay kakamot kamot na nakatingin mula sa may kwarto ni Kimberly. Nanatili ako sa kwarto nang mga sandaling iyon, at nahiga na muna, maya maya pa ay pumasok na si Kim habang natatawa
"Ano ok lang ba yung pinsan mo?"
"Oo, nakausap ko na, sabi ko hinde mo naman sadya"
"Hinde ko naman talaga sadya eh"
Ang sabi ko sa kanya, tumabi siya sa akin at umunan sa aking braso
"Sorry kamo sa pinsan mo"
Ang sabi ko sa kanya habang hinahalik halkan ang noo ni Kimberly
"Naku, wala yun, ok na yun kay Gil, mas malala pa nga ang inaabot niya kay Auntie eh, sabi ko nga sa kanya istorbo siya eh"
Natawa ako sa sinabi ni Kim, istorbo naman kasi talaga ang pinsan niya sa ginagawa namin
"Tuloy ba natin?"
Ang tanong ko sa kanya
"Ayaw ko na, nandiyan si Gil, maririnig tayo nun, tska anong oras na din"
Napatingin ako sa cellphone ko, alas tres kinse na pala, kahit na medyo nabitin ako ay minabute ko na nga lang din na matulog, isa pa, wala na din kasi ako sa mood dahil nakaramdam ako nang bahagyang guilt sa pagkakahampas ko sa pinsan ni Kimberly, kaya naman dinaan na lamang namin sa tulog ang lahat.
"El Nunal, gising na po"
Ang mahinang sabi ni Kim sa akin habang kinakalikot nito at pinipisil pisil ang ilong ko
"Anong oras na ba?"
"Alas dose na, bangon na tayo"
Kahit gusto ko pang bumangon noon ay hinde ko magawa dahil tila ba yakap ako nang kama, at ang sarap kasi sa kwarto ni Kimberly dahil nga air condtioned ito habang nadarama ko pa ang mainit na katawan niya na nakayapos sa akin
"Bangon na tayo... nagluluto na si Gil nang tanghalian natin"
Pumatong siya sa ibaba ko noon at pinaghahalikan ang aking labi
"Bangon na Bhebs"
Ang muli niyang sabi sa akin habang panay ang tuka sa akin, natawa ako na pati ang nunal ko noon ay napagtripan niyang halikan
"Bebs ahitin natin yang buhok nang nunal mo, ang kapal na oh"
" Mamaya siguro... paano ako babangon niyan eh nakadagan ka sa akin"
"Ay oo nga naman"
Ang natatawang sabi niya at dahan dahan siyang umalis sa pagkakadagan sa akin
"Bangon na diyan, dali, mamaya pati may lakad ako"
"Saan ka pupunta?"
"Sa Medical ko, sama ka?"
"Wala akong pamasahe eh, libre mo ba ako? Naiwan ko yung pera ko sa bahay eh"
"Hala? Iniiwan mo yung pera mo a bahay? Paano kung mawala yun?"
"Hinde yun, may tiwala naman ako sa mga kaibigan ko isa pa, hinde naman nila alam kung saang sulok nang bahay ko tinatago ang pera ko eh"
"Kahit na Bhebs, alam mo sa pera, mahirap magtiwala noh? Paano kung mawala yun, tapos itangi nila, siyempre wala kang laban, ikaw pa nga, ang tanga mo"
Natawa lang ako sa sinabi niya
"Bumangon ka na nga diyan"
Ang iritadong sabi niya sa akin at lumabas nang kwarto, napapangiti at napapailing lang ako, ambilis talaga nang mood swing ni Kimberly, kung papatulan ko na naman ito ay siguradong magaaway na naman kami, kaya naman hinde ko na lang ito pinansin at bumangon na
"Oh Gil ayan na yung bumaboo sa iyo oh"
Ang sabi ni Kimberly noon, habang nakaupo siya sa upuan sa kusina at nakapatong ang paa dito, hinde ko maiwasang mapatingin sa hita niya at natawa ako nang masilip ko na wala pala siyang suot na short, may kalakihan kasi ang suot na damit niya at abot hanggang ibabaw nang tuhod niya
"Hoy! Ang sama mo ha?! Tong Nunal na to! Bute na lang batak na ako kay Mommy!"
Ang natatawang sabi nito sa akin
"Sorry talaga ha?"
"Oh kumain ka na"
Ang sabi ni Kim sa akin at inabutan ako nang plato na may dalawang hotdog, isang sunny side up egg at sangngag na kanin.
"Sorry talaga ha?"
"Ok na yun, kung ako din naman yun din ang gagawin ko, nawala kasi sa isip ko kagabi na dito na nga pala muna titira si Kimpot, teka kelan ba alis ni Cosme?"
"Baka this month, inaantay na lang nya yung Job Order sa kanya tapos lilipad na siya, pati pala yung ticket"
"Ahh"
"Oi bakla peram nga nang damit, papamedical ako ngayon"
"Aba manigas ka! Wala ka bang pera at di ka makabile nang damit?"
"Etong bakla na to, sige ka hinde na kita papautangin pagnagkapera ako, may utang ka panga sa akin eh, ano sige bayaran mo ko ngayon at bibile ako nang damit"
Ang natatawang sabi ni Kimberly sa bakla
"Biro lang ito naman, tignan mo na lang sa kwarto"
"Oi Bakla palinis naman nung rooftop, para may tambayan din kami sa taas"
"Doon ba kayo magjejejerjeran nitong boylet mo?"
"Gagu!"
Ang natatawang sabi ni Kimberly
"Eh di ko nga makita yung susi nung padlock eh, wasakin nyo na lang, tska di ako pwede ngaun Bhe at may raket ako mamaya kayo na lang maglinis, kayo naman gagamit noon eh"
"Sus! Tapos pagmalinis na doon mo na naman dadalhin yung Papa mo?"
"Sorry wala akong Papa ngayon, hinde muna uso sa akin"
"Wala na kayo ni Papu?"
"Wala na Bhe, last week pa, naghanap na nang puke"
Natawa lang si Kimberly sa sinabi nang pinsan
"Taga saan ka kuya?"
Tanog sa akin nito habang kumakain kami
"NPA"
"Anong NPA?"
"No Permanent Address, kung saan saan, palipat lipat kasi ako eh"
"Ano ka ba tinatanong ko kung saan ka nagstay adik ka din eh noh? Nasobrahan ata sa solvent tong shota mo Kimpot eh"
Ang natatawang sabi nito sa akin
"Secret walang clue"
Natawa lang ang bakla sa sinagot ko sabay irap sa akin
"Taga Rizal din yan, sa Binangonan"
Ang sabi ni Kimberly habang kumakain nang hotdog, hinde ko alam kung bakit ba ang green nang isip ko pero ang sexy niyang tignan habang kumakain nang hotdog, jumbo cheese dog kasi ang kinakain namin noon, tapos kung paano niya pa ito isubo ay sadya namang nakakabuhay libido, nakita niya ako noon at tila nagtaka, napangite siya at bigla akong sinipa nang pabiro
"El Nunal ha?"
Ang natatawang sabi ni Kimberly sa akin, napailing lang ako noon at nagpatuloy sa pagkain. Matapos naming mananghalian ay umalis na ang pinsan ni Kimberly at naiwan kaming dalawa
"Ano sama ka ba?"
Ang tanong niya sa akin habang inaayos ang damit na susuotin
"Ikaw, sasama ba ako?"
"Ikaw nga tinatanong ko tapos sasagutin mo din ako nang tanong"
"Hinde ko kasi alam sa iyo, sa akin ok lang, wala ka na bang ibang lakad?"
"Ikaw ba wala?"
"Ewan ko lang"
"Anong ewan?"
"Eh biglaan kasi ang mga lakad ko eh, isa pa, wala naman kadalasang kwenta ang lakad ko eh"
"Edi sasamahan mo ko?"
"Ikaw nga?"
"Ang kulet mo Nunal ha! Pipisain ko yang mole mo eh!"
Ang sabi nito sa akin at lumapit sabay kinurot ako sa pisnge. Hinawakan ko ang kamay niya at hinalikan ito
"Oh, ano ibig sabihin niyan?"
Ang nakangiteng tanong ni Kimberly sa akin
"Wala lang, hinahalikan ko lang kamay mo, anong oras ka ba magpapamedikal?"
"Mga alas dos"
"Maaga pa pala eh, magaala una pa lang oh, saan ka ba papamedikal?"
"Sa may Taft, ano kaya mas maganda MRT o Bus?"
"Ano ba trip mo?"
"Ikaw pa nga nakakaasar kang tanungin!"
Bintukan ko ni Kimberly at halatang naasar ito, natawa naman ako at niyakap agad siya
"Ano ba, bitawan mo nga ako, Iihh El Nunal, maliligo na ako"
"Maya ka na maligo, maaga pa naman eh, naasar ka na naman eh"
"Para ka kasing timang eh, tinatanong kita puro tanong din ang sagot mo"
"Kasi, mas gusto ko na ikaw ang mamimili"
"Tapos magrereklamo ka kapag hinde mo nagustuhan yung desisyon ko?"
"Hinde ah"
"Naku, ayaw ko dala na ako sa ganun eh, nasusumbat sa akin yan nang mga naging boypren ko eh, kesyo ako naman daw ang may gusto, eh tinatanong ko naman sila, ikaw ba, ganyan ka din sa mga dati mo?"
"Oo, hinahayaan ko lang sila na magdesisyon"
"Tapos sa huli maaasar ka sa kanila?"
Natahimik ako noon, bigla ko kasing naalala ang ginawa ko kay Charice, I just let her do what she asked me if it's ok, hinayaan ko lang siya, bigla akong kumalas sa pagkakayakap kay Kimberly at nagtungo sa labas at nagsinde nang sigarilyo
"Oh bakit?"
Ang biglang tanong ni Kimberly sa akin, nakita ko sa mukha niya na tila ba nabahala siya, umiling lang ako at nagsigarilyo, alam kong may ibig sabihin ang ismid niyang iyon sa akin bago siya pumasok nang bahay nang Auntie niya, nang mga sandaling iyon, bigla akong napatitig sa hawak kong sigarilyo, at naalala muli si Charice, nakaramdam na naman ako nang lungkot nang mga oras na iyon, hinde ko ba alam kung bakit sa tuwing naalala ko siya ay puro kalungkutan at panghihinayang ang aking nararamdaman, hinde ko kasi talaga maintindihan, kung bakit, bakit ba talaga siya nagpakasal, kung mahal niya talaga ako, bakit siya sumangayon sa kagustuhan nang Lola niya, alam kong naipaliwanag na ito sa akin ni Charice, pero, hinde ko pa din talaga matanggap.
"Dito ka nga sa loob"
Ang biglang tawag sa akin ni Kimberly, agad naman akong pumasok at napatingin agad sa kanya noon, nakatapis na lamang siya at nakapuson ang buhok, ang ikli lamang nang tuwalang gamit niya at kitang kita ang makinis na hita niya, at ang cleavage nang kanyang dibdib, Noon ko lang napansin na may nunal pala siya sa kanang ibabaw na bahagi nang kanyang dibdib.
"Sama ka ba? Oo o hinde lang ha?"
"Hinde na muna siguro, wala akong dalang pera eh"
"May pera naman ako eh, sumama ka na"
Napangisi lang ako at tumango, tulad nga nang aking inaasahan, isasama pa din naman niya ako, nakakatuwa talaga minsan ang mga babae, hinde mo alam kung saan ka lulugar o pwepwesto, kung ano ang isasagot mo sa kanila, lalo pa kung moody tulad ni Kimberly.
"Di ka ba maliligo?"
Ang tanong niya sa akin habang dala dala na ang mga gagamitin niya para sa paglilinis nang kanyang katawan
"Maghihilamos na lang ako, may sipilyo ka bang extra dyan?"
"Meron, sa may bag ko, kunin mo na lang"
At pumasok na siya nang kwarto, pumasok ako nang kwarto at kinalikot ang bag niya. Habang nagkakalikot nang gamit niya ay may napansin akong isang piraso nang stationary na nakatupe, hinde ko alam kung bakit tila ba naisipan ko itong kunin at buksan, at nagulat ako nang makita ko na isa itong
sulat, love letter para kay Kimberly galing sa hinde ko kilalang lalake na nagngangalang "Arthur". Napangisi ako at binalik ang sulat sa bag niya, hinde ko alam kung bakit pero parang nabadtrip ako, siguro naman ay kahit sino ay mababadtrip kapag nakabasa ka nang loveletter sa bag nang kasintahan mo galing sa ibang lalake hinde ba? Matapos kong magsipilyo ay muli na naman akong nagsigarilyo, makalipas ang kalahating oras ay natapos na din si Kimberly sa paliligo
"Nagyoyosi ka naman?! Aba nakakaisang kaha ka na ah?"
Ang sabi ni Kimberly sa akin pero, hinde ako kumibo, hinde ko siya pinansin, ganito ako kapag badtrip ako, hinde palausap, hinde palakibo, at nanahimik lamang, hanggang sa kaya ko nang magsalita at humarap sa taong kinaiinisan ko
"Adjaw, parang walang naririnig to ah oh? Huy!"
Ang sabi niya sa akin habang nagpupunas nang buhok.
"El Nunal, ayaw ko pa nga nang ginaganyan ako, anong problema mo?"
"Sino si Arthur?"
Ang tanong ko sa kanya, hinde siya nakaimik at pinagpatulo ang papunas nang buhok sa salamin
"Bakit mo naman natanong si Arthur? Kilala mo ba?"
"Nabasa ko yung sulat niya sa bag mo, ang sweet nga eh"
"Nakielam ka nang gamit nang may gamit? Sabi ko sepilyo lang kunin mo di ba?"
Ang inis na sagot niya sa akin, medyo nainis ako, galit na ako tapos nakikigalit pa siya, hinde na ako umimik noon, hinde ako kumibo, matapos kong magsigarilyo ay uminom ako nang tubig.
"Wala yun, nanliligaw lang sa akin yun, ito naman, nagagalit ka dun?"
Ang nakangiteng sabi niya sa akin, hinde ako umimik at umupo lamang sa sofa nila, inaantay ko lang siyang matapos magbihis bago umalis, badtrip talaga ako, ayaw ko kasi sa lahat na ako na yung parang naagrabyado, sila pa ang galit, nakakainis lang, isa pa, panget talaga ang naging mood ko noon dahil nga sa di ko nagustuhan ang sinabi niya sa akin, ayaw kong magsalita nang kung anoano sa kanya, alam ko kasi na pag ako galit, may mga bagay akong nasasabi na masakit talaga, at ayaw kong mangyari iyon. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang tuhod ko at lumuhod
"Huy, ito naman, bakit ka ba nagagalit?"
Huminga muna ako nang malalim nang ilang ulit bago ako magsalita
"Sino bang hinde maasar sa ginawa mo? Ikaw ba matutuwa kung makakita ka nang love letter sa gamit ko tapos sabihan kita bakit ka nangingialam nang gamit? Matutuwa ka ba doon?"
Hinde siya nakaimik at tumabi sa akin at niyakap ako
"Wag ka nang maasar, sorry na"
"Sino ba yung kumag na yun?"
"Kasama ko papasukan ko, nanliligaw sa akin"
"Ahh... ok"
Ang sabi ko noon habang iiling iling
"Bakit sa tingin mo ba papatulan ko yun?"
"Ewan ko? Tinangap mo nga yung sulat eh, malay ko ba kung ano pa tatangapin mo sa kanya di ba?"
"Eto naman! Para ka namang timang diyan, sulat lang yun ano ka ba? Wag ka nga, halika sumama ka talaga sa akin, ipapakilala kita sa kanya, papakita ko sa kanya ang boypren ko, sumama ka na ha?"
Tinignan ko siya, at hinalikan niya ako noon sa labi, hinde ako sumagot sa halik niyang iyon at patuloy na yumakap sa akin
"Ito naman, nagagalit agad sa ganun oh, napakaseloso mo naman"
"Hinde naman sa ganun, kaya lang, nakakabadtrip lang eh"
"Asus! Wag ka nga, nunal mo lumalaki oh!"
Ang nakangiseng sabi niya sa akin at pinisil pisil ang nunal ko, napangite lang ako noon sa kanya at hinalikan din ang labi niya
"Magbihis ka na"
"Sasama ka ha?"
"Oo na, gusto ko din makita yung lalake"
"Baka naman sapakin mo ha? Kilala kita eh"
"Hinde ako yung dating nanapak na lang bigla noh? Wag lang magkakamali nang galawan yun at bibigyan ko yun"
"Malaking tao yun tangek"
"Bakit, naalala mo naman mga nakasapakan ko dati ah?"
Ang sabi ko sa kanya, alam kasi ni Kimberly at nakikita niya noong grade 6 kami ay mas malaki pa ang kadalasan kong nakakaaway at nakakasuntukan, mabangasan (masuntok at mamaga ang mukha) man ako sa mukha, sigurado namang mas bangas ang mukha nang nakakasuntukan ko. Alam niyang suki ako nang away noong grade 6 ako, madalas ay may mga gang pa ang nakakainitan ko kaya naman laging may nagaabang sa akin tuwing uwian, naging ganoon ang buhay ko noong elementarya ako, natigil lang naman ako sa pakikipag basag ulo nang magaral ako sa Catholic, nabantaan na kasi ako nang school na ikikick out ako pag gumawa pa ako nang gulo noon first year ako, sa loob kasi nang isang buwan, nakagawa agad ako nang major offense sa eskwelahan na iyon, pero natuto na din naman ako sa kamalian kong iyon, na maliit pala ang mundo mo kapag madami kang kaaway, kaya naman natuto na din akong ibaba ang pride at iwasan na lang ang pakikipagsuntukan, maliban na lamang kung natatapakan na ang aking pagkalalake.
"Oo na, ikaw na, kaya nga crush kita dati pa eh, tigas mo masyado, pero sana hinde ka na tulad nang dati ha? Ayaw ko nang gulo El Nunal ha? Papakita ko lang sa kanya na hinde na ako pwede dahil may shota na ako"
"May extrang pera ka pa ba?"
"Oo naman, magkano lang naman pamasahe di ba? Isa pa sagot nang kumpanya yung medical ko, pero sabi ko kay mama may bayad"
"Lukaluka ka talaga"
"Ok lang yan, minsan lang naman eh, bihis na ako ha?"
Hinawakan ko ang kamay niya at ngumite
"El Nunal, wag ngayon at may lakad tayo"
"Maaga pa naman eh"
"Tsk Ihh... ikaw pa nga ang libog mo! Talo mo pa ang butiking Pasay sa kalibugan"
"Ha?"
Natawa ako sa sinabi niya, bago kasi sa pandinig ko ang salitang iyon
"Nabitin ako kaninang madaling araw eh"
"Ikaskas mo sa pader sa banyo, tiles yun, hinde masakit"
Ang natatawang sabi niya, hinila ko siya at halata naman na sinadya na madagan sa akin at napahiga siya sa aking binte
"El Nunal... tsk... eto naman oh, maya na lang"
"Uuwi na ako mamaya eh"
"Edi sabay na tayo, tapos bukas samahan mo na lang ulit ako dito? Ano? Ha?"
"Sige na nga, magbihis ka na habang nakakapagpigil pa ako"
Ang sabi ko sa kanya at dahan dahan siyang bumangon at hinalikan ako sa noo
"Love you!"
At dali dali siyang tumayo at pumasok nang kwarto. Nang mga sandaling iyon, pinilit kong patayin ang yamot na naramdaman ko sa nakita kong sulat, maya maya pa ay nagulat ako nang biglang may tumawag sa aking cellphone.
"Oh Pauline, napatawag ka?"
Ang tanong ko sa kanya
"Nasaan ka? Bat hinde ka umuwi kagabe? Napagalitan kami kagabi nung mukhang katulong na babae, galit na galit nga eh, pinaalis kami, sino ba yun?"
"Hipag ko, sila kasi may ari nang bahay"
"Ahh... yari ka, nagagalit, kasi may matanda munang pumunta tapos sunod yung babaeng payat"
"Nalinis nyo ba yung bahay?"
"Hinde nga eh, pinaalis kami agad eh, sasagutin nga dapat ni Lyn eh bute nandoon si Mike"
"Sige sige, salamat sa tawag"
"Nasaan ka?"
"Sa bahay nang kaibigan ko"
"Kaibigan o Kaibitan?"
Natawa lang ako noon, mayamaya pa ay binaba ko na ang tawag. Mayamaya pa ay may dumating naman text, mula kay Rika, hinahanap ako, hinde ko na ito nireplyan at naginat inat. Mayamaya pa ay lumabas na si Kimberly mula sa kwarto at napangite ako sa itsura niya, ang cute niyang tignan sa Chinese dress na suot niya na kulay itim na may disenyong gold na lettering nang intsik, kasama pa ang chopstiks na ipit niya sa buhok.
"Bagay ba?"
"Ang cute mo!'
At bigla ko siyang niyakap
"Adik to, bat di ka pa nagaayos, sandali, magpolo ka nga, baho na nang damit mo eh"
Pumasok siya ulet nang kwarto niya at inabutan ako nang isang asul na polong long sleeves.
"Ang init init pagsusuotin mo ko nang sleeves?"
"Itupi mo siyempre adik ka pa nga, halika dito"
At habang binibihisan niya ako ay di ko maiwasan na alalahanin muli si Charice, naalala ko kasi siya na inaayusan ako nang bihis, si Charice din kasi ang nagturo sa akin na maging balidoso, maglotion, magpabango, tamang paggegel at style nang buhok, pagporma.
"Oh, tahimik ka na naman diyan?"
Ang tanong sa akin ni Kimberly habang hinahawi ang buhok ko at inaayos ito
"Wala, may naalala lang ako"
"Wag kang sisimangot, ang panget mo na nga eh papanget ka pa lalo"
Natawa ako sinabi niya, naalala ko kasi na binati din ako ni Charice nang ganoon nang minsan akong sumimangot at nakita ako ni Charice.
"Ayan, ok na, mukha ka nang tao ulet, sandali eto yung sulat di ba?"
Pinakita niya sa akin at kinuha ang lighter at sinindihan ito sa harapan ko
"Oh ayan, baka sabihin mo kasi may meaning sa akin yang papel na yan"
"Adik to bat mo naman sa loob nang bahay sinindihan?"
"Medyo nainis ako eh, nakita ko kasi kanina pagkuha ko nang lipstick"
Agad kong sinipa palabas nang pinto ang papel na iyon habang nasusunog, nakakatuwa talaga tong babae na ito.
"Tara na, alis na tayo, para maaga tayong makauwi sa Binangonan"
Ang sabi niya sa akin, kumha siya nang isang payon na nakasabit sa may rack sa loob nang bahay ng auntie niya, matapos ay nilock na niya ang bahay at umalis na kami. Hinde ko maiwasan na mailang dahil nang mga sandaling iyon, pinagtitinginan kami nang mga nakatambay sa kanila, yung iba pa ay panay ang sipol
"Oh, wag mo nang pansinin yung mga yun, kilala ko yung mga yun, sira ulo lang talaga yang mga yan at madalas akong pagtripan, mga kalaro ko yan at ni Kuya Cosme noon, wag kang magalala walang mambabastos sa akin dito at takot sila kay Kuya"
"Gangster ba kuya mo?"
"Tao Gamma si Kuya"
Nabigla ako noon, hinde ko inakala na kabilang pala ang kapatid ni Kimberly sa isang kilalang fraternity.
"Ikaw hinde ka ba kasali sa mga frat?"
"Ano naman mapapala ko sa frat frat na yan? Ikaw? May frat ka ba?"
Ang nakasimangot na tingin niya sa akin
"Oo"
"Weh? Di nga? Ano naman?"
"Frating Gutom"
Natawa siya at binatukan ako
"Ang korni mo!"
"Natawa ka naman eh ayos na yun"
"Loko loko ka talaga"
Sumakay na kami nang tricycle at nagtungo sa pinakamalapit na MRT station, magaalas dos na kasi noon kaya naman mas minabute na naming mag MRT. Maluwag lang ang pila dahil hinde naman Rush Hour at nakaupo pa kami sa loob nang tren.
"Malayo ba yung clinic na pupuntahan mo?"
"Hinde naman, after sa last station, tapos dadaan tayo sa may over pass tapos ayun na"
Habang naguusap kami ay biglang may tamawag sa kanyang cellphone
"Oh, napatawag kayo, oo papunta na ako, si ARTHUR?! NANDYAN BA?!"
Ang may puntong tanong ni Kimberly sa kausap niya sa phone habang nakatingin sa akin habang nakangite
"Ganun ba? Sige sige, sabihin mo padatin na ako, oo, sige sige"
Tumingin siya sa akin at piningot ang ilong ko
"Nandoon si Arthur, inaantay daw ako may dalang rose at tsokolate"
"Tangapin mo sayang"
"Sus! Gaganyan ganyan ka tapos mamaya aawayin mo ako?"
"Hinde ah, bahala ka na kung tatangapin mo o hinde"
"Ito naasar na naman"
"Adjaw, nakangite nga ako tapos maasar ako?"
"Bahala ka, tatangapin ko talaga yun"
"Bahala ka"
"Talaga!"
Natawa ako sa kanya dahil ang cute niyang tignan lalo pa nang ngumuso siya
"Biro lang ito naman naiinis na naman"
"Che! Wag mo nga akong hawakan usug usug shuu! Shuu!!"
Ang natatawang sabi niya sa akin, natawa lang ako at inakbayan siya
"Ano tatangapin ko ba?"
"Ikaw nga "
"Kahit kelan ka talaga wala kang kwentang tanungin"
Ang sabi niya sa akin. Ilang sandali pa ay nakarating na din kami nang Taft, at nagpunta sa sinasabing clinic ni Kimberly
"Wow si Loli Chan Chinese na!"
Ang sabi noon ni Romel, inapiran ako at nilapitan
"Uy kuya, may nanliligaw pa nga dyan kay Kimberly"
Ang sabi nito sa akin at sinuntok ni Kimberly ang binata
"Loko loko ka talaga Romel yari ka talaga sa akin"
Natawa lang ako, mukhang close na sila ni Anime Guy, yun na kasi ang tawag ko sa kanya nang malaman kong katulad ko din siyang nanunuod nang mga Anime.
"Ihhh!!! Nandyan na ang crush mo Arthur!"
Ang sabi nang mga kasamang babae ni Kimberly, hinde ito yung grupo nang babaeng nakita ko na kainuman niya noong nakaraan, si Romel o Anime Guy lang natatandaan ko sa lahat nang nakasama kong maginom. Tumingin sa akin si Kimberly at ngumite lang ako
"Oi My Loves nandito ka na pala!"
Ang sabi ng isang lalakeng nakasuot pa nang jacket na may logo nang Ataneo de Manila, magankad nga ito, sa tantya ko ay mga 5'8 hanggang 5'9 ito, mukhang basket ball player ito, hinde ko maipagkakailang gwapo ang kumag, pero halatang mayabang at presko, hinde ako kumibo at nagmatyag lang, nakita ko na inakbayan siya nang lalake at akmang hahalikan sa pisnge at sinupalpal sa mukha nang papel ni Kimberly ang binata
"Kuya, ok ka lang?"
Ang tanong noon sa akin ni Anime Guy
"Oo naman, tinitignan ko lang naman kung anong gagawin nang GF ko eh"
Ang sabi ko sa kanya pero sa loob loob ko, gusto ko nang basagin ang mukha niya, kapag nakipagsuntukan sa akin ito, pihado, hinde ako luge, panget na naman ako eh, samantalang siya, mukhang alaga pa sa kung ano anong panlagay sa mukha ang binata, natawa nga ako nang mapansin ko na tila may foundation day pa ang mukha nito (foundation day =foundation, face powder).
"Arthur, para kang tanga ha?"
Ang narinig kong sabi ni Kimberly noon
"Bakit ba ayaw mo sa akin My Loves?"
"Sasapakin kita diyan"
"Eto oh, binili kita nang chocolates"
Nagulat ako dahil nasipat ko na hinde basta basta tsokolate ang dala ng kumag, mamahaling uri ito nang tsokolate, at ang rosas, maganda din, halatang mayaman ang lalake, sa bagay, kita ko din naman sa suot niyang damit, at pantalon at maging sapatos, lahat branded. Nang mga sandaling iyon, medyo hinde na ako nakapagtimpi nang pilit pa din niyang inaakbayan ang girlfriend ko at kitang kita ko ang pagkagulat nang mga kasama ni Kimberly sa aking ginawa, sa unang pagkakataon, ginawa ko ang isang bagay na hinde ko kelan pa ginagawa kahit kanina, maliban kay Kim.
Nakita ko noon na nabigla si Kim sa aking ginawa, sa harap nang madaming tao, hinalikan ko siya sa labi, maging ang lalaking nangungulet sa kanya noon ay natigalan lamang, hinde din nakapagsalita si Kimberly
"Bhebs, ok ka lang?"
Ang nakangiteng tanong ko sa kanya, ngumite siya sa akin at piningot ang aking ilong
"Loko loko ka talaga"
Ang mahinang sabi ni Kimberly sa akin, hinawakan niya ang aking kamay at kasama niya akong pumasok sa loob nang clinic, nilinga ko ang lalakeng gwapings na halatang naasar at nayamot sa aking ginawa. Habang nakaupo sa loob, nagtaka ako kung bakit tahimik si Kimberly
"Problema?"
Ang tanong ko sa kanya, umiling siya pero alam ko na kapag ang babae nanahimik, madaming iniisip yan, hinde lang isa o dalawa, there might might countless thoughts na umaandar sa isip niya nang mga oras na iyon, hinde ko siya kinulit, ayaw ko kasing magaway kami sa harapan nang mga kasama niya na nandoon, lalo pa at nakita ko na pumasok noon si Arthur na noon ay panay ang kuyakoy at iiling iling sa tuwing nahuhuli kong nakatingin sa amin ni Kimberly.
"Kumusta?"
Ang tanong ni Kimberly kay Anime Guy
"Ayus naman, after three days daw natin makukuha yung results, ikaw na "
Ang sabi nito kay Kim at siya munang tumabi sa akin. Pinahawak sa akin ni Kimberly ang dala niyang bag at pumasok na sa examination room
"Astig nang ginawa mo doon ah, idol"
Ang sabi ni Anime Guy sa akin, marahil ang sinasabi niya ay ang hayagang pagsasabi ko na akin ang babaeng gustong pormahan ni Arthur
"Ganoon talaga tol, kesa naman manahimik ka lang at awayin mo ang Girlfriend mo di ba?"
Ang medyo may kalakasan kong sabi noon kay Romel, pinaparinig ko kasi talaga sa lalakeng iyon ang aking sinasabi, may ugali din kasi akong mangaasar. Halata namang tinablan ang binata at tila ba lumabas muna ito, ang tatlong babae naman na kasamahan ni Kimberly noon ay tila ba mga manang na nagchichismisan, pero mukhang hinde naman kami ang pinaguusapan nang mga ito, may binabasa kasi sila sa text.
"Mukhang masaya ang work napapasukan nang girlfriend ko ah"
Ang sabi ko kay Romel
"Medyo, maganda naman ang sahod, ikaw kuya baka gusto mo magapply, graduate ka ba nang 4 year course?"
"Yun lang, hanggang two years lang ako, under grad pa nga eh"
"Ay yun lang, hanap kasi nila graduate eh, may kasama nga ako eh, sayang, mabilis pa naman magtype yun, kaso ayun under grad din, hinde na siya ininterview kasi bagsak na agad sa requirements"
"Yun nga minsan nakakabadtrip sa mga kumpanya eh, dami nila demands na requirements, bakit hinde nila tignan ang talent at performance nang nagaapply sa kanila"
"Sabagay"
Ang tantango tangong sabi ni Romel, sa totoo lang, yun din ang kinaasar ko kaya din ako tinatamad na magapply noon sa mga office work, requirements nila eh kung hinde ka dapat graduate nang four year courses eh may 6 – 1 year experience ka na, paano ka magkakaexperience kung hinde ka nila bibigyan nang pagkakataon upang magtrabaho, pero siguro, nagrereflect din kasi sa tao kung graduate ka or hinde, naalala ko kasi nang minsang pagusapan namin iyon ni Charice, kung bakit kailangan baguhin ang standards nang papasok na mga tauhan sa dati kong pinapasukang company sa callcenter, na from high school kailangan atleast 2 years college, tulad ko na aminadong tinamad talaga na pumasok, maaring iyon din ang naiisip nang ibang kumpanya, kung sa pagaaral nga lang tinamad na ang taong to at hinde nakatapos, sa trabaho pa kaya, hinde ko din naman masisi ang ibang kumpanya na mas piliin ang mga kahit bagito pero graduate kesa sa may experience pero hinde naman tapos. Halos kalahating oras din ako naghintay sa labas bago matapos si Kimberly
"Oh, ok na?"
Ngumite siya at tumango
"Wala ba kayong gala nang mga kasama mo?"
Ang tanong ko sa kanya
"Naku, uwi na lang tayo, nasaan na yung iba kong kasama?"
"Yung tatlong maria umalis na, yung letter sender mo lumabas, si Anime Guy naman kakaalis lang, may tumawag daw eh"
"Ahh... ikaw wala ka bang gusto puntahan?"
"Kung may pera ako, baka inaya kita magmall, wala ako ades na dala diba?"
"Oo nga pala, wala din ako ecxtra eh, pamasahe na lang natin, ano uwi na tayo?"
At hawak kamay kaming lumabas nang clinic. Muli ay napansin ko na tila ba balisa na naman si Kimberly habang nakasanday sa aking balikat habang nakasakay kami sa FX pauwi. Iniisip ko kung inaantok lang ba siya o may iniisip, pero ano naman kaya, hinde ako nakatiis at tinanong na siya
"Ano bang iniisip mo?"
"Parang ang bilis natin noh?"
Natigilan ako bigla sa sinabi niya, bakit kaya niya biglang naisip sabihin ito sa akin
"B-bakit? May problema ba sa atin?"
"Wala naman... napaisip lang ako bigla... parang ang bilis nang phasing natin, sinagot kita last week tapos this week may something na tayo agad na ginagawa.. parang ang bilis lang"
Hinawakan ko ang kamay niya at hinalikan ito
"Ok lang yan, ano ka ba, hinde naman tayo bata para magpatweetums pa di ba?"
Naalala ko ang linyang ito na sinabi sa akin ni Charice, naalala ko din kasi na minsan kong natanong ito sa kanya, na parang ambilis naman ata nang phasing nang relationship namin, wala manlang ligaw ligaw portion, pero magkaiba kasi si Charice at si Kimberly, unlike Charice na complete stranger, kahit papaano ay may nakaraan kami ni Kimberly bilang malapit na magkaibigan at alam na namin halos ang ugali nang isa't isa, pero, nang mga sandaling iyon, napaisip din ako, parang ang bilis nga nang phasing nang relasyon namin.
"Masaya ka ba?"
Ang tanong ko sa kanya
"Ha?"
Ang sagot niya sa akin na tila ba nagulat sa aking tanong
"Masaya ka ba sa akin? Sa relasyon natin?"
"Sa tingin mo?'
"Ewan ko... pwede naman kasi na napilitan ka lang, pwede din naman na hinde ka naman masaya, pinipilit mo lang, pwede din naman oo masaya ka, hinde ko alam eh, inoobserbahan pa kita"
"Sa tingin mo bakit nagiistay ang isang tao sa isang lugar? Ganoon din ang tao, bakit sila nagiistay na karelasyon ang isang tao?"
Ang nakangiteng tanong niya sa akin, hinimas ko ang ulo niya at hinalikan ang noo ni Kimberly
"Ikaw pa nga mukha ka talagang halik, nga pala, wag mo nang gagawin ulit yun ha? Nakakahiya eh"
"Bakit naman? Masama ba?"
"Hinde naman, wala naman kaso sa akin yun kaso, anong iisipin nang ibang tao sa atin? Masyado tayong PDA? Ikaw na din ang nagsabi di na tayo bata di ba?"
"Sorry, ngyon ko lang naman ginawa yun eh"
"Weh?"
"Di wag kang maniwala, isa pa, ginawa ko lang naman yun kasi medyo naasar na ako sa ginagawa sa iyo ni Letter Sender mo eh, masyadong presko at inaakbayan ka na, aba, hinde na naman ata tama yun"
"Nagseselos ka dun?"
"Aba, sa gwapo nun, mamaya mahulog ang panty mo"
Natawa siya at binatukan ako
"Bunganga mo naman, tingin mo papatol naman ako basta basta sa ganun? Kilala mo naman ako na ayaw ko sa ganun di ba? Masyadong presko, ok lang sana kung mayabang siya eh, pero mayabang na presko pa"
"Mayabang ba ako?"
"Oo naman, hinde mo lang kasi napapansin, pero yung yabang mo naman ayos lang eh, kasi may ipagyayabang ka naman, tulad nang mole mo"
Ang natatawang sabi niya, natawa lang ako sa kanya at muli ay dumantay na siya sa akin
"Hanggang kelan kaya tayong ganito?"
Isang tanong na sinabi niya sa akin, isang tanong na biglang tumimo nang husto sa aking isipan, hanggang kelan nga kaya ni Kimberly na ganito.
"Dito na tayo, Kim, gising na"
Ang sabi ko kay Kimberly habang mahimbing na natutulog, agad naman siyang nagising, natawa ako dahil tulo laway pala siya nang mga sandaling iyon, pinunasan ko ito at napangite siya
"Sorry, sarap nang tulog ko eh"
Napansin ko na basa ang balikat ko, may isang bagay ako naalala, isang taong unang gumawa sa akin nang bagay na iyon, pinagmasdan ko siya at tila nagtaka at nakangiteng nagtanong sa akin
"Bakit? May muta ba ako?"
Umiling lang ako noon at muli ay hinalikan ko siya sa kanyang noo
"Ikaw pa nga, mukha ka talagang halik"
Ang nakangiteng sabi niya sa akin at ilang minuto pa ang lumipas ay bumaba na kami sa tapat nang plaza sa harap nang barangay kung saan siya nakatira.
"Tambay muna tayo dito, maya na tayo umuwi, maaga pa naman eh"
Ang sabi ni Kimberly sa akin at hinawakan ang aking kamay at inaya niya ako na umupo sa isa sa mga bakanteng bench. Tahimik lang kami na nakaupo habang hawak kamay kami at pinagmamasdan ang mga taong dumadaan, mga estudyanteng naglalabasan, nagtetext, may mga tinatawagan, may mga kasintahang hinihintay, barkadang inaabangan.
"Di ba nag URS ka din?"
"Oo, sa Morong"
"Di mo din tinapos noh?"
"Katamad eh, isang semester lang akong gumala, pero may mga natutunan naman ako kahit papaano so di naman sayang ang pageenrol ko doon"
"Ahh, bakit hinde ka nag RTU?"
"Bukod sa malayo, hinde ako pasado sa standards nila, kasi atleast average of 84 ang kailangan nila sa student na grade nang highschool"
"Oh, bakit? Bobo ka na ba sa academics?"
"Wagas naman ang pagkakabobo mo"
"Palakol ba nakuha mo? Anong nangyare sa brainiac na El Nunal na kilala ko?"
"Huy, hinde naman ako ganoon kabobo noh? Sa Math lang alam mo naman yan diba?"
"Sabagay, doon ka ba nadale?"
"Oo pero hinde makatarungan ang nangyare sa akin, napaginitan ako nang teacher kong manyikul eh"
Natawa siya at mukhang interesado sa aking kwento kaya naman kinuwento ko sa kanya kung bakit ako nakakuha nang line of 7 sa aking grades, ang masakit kasi nito third at fourth grading ako binigyan nito nang line of 7 (78-77), alam ko sa sarili ko na hinde ako bobo sa math na iyon dahil hinde naman ito more on formule, business math ito, more on taxation, word problems at simple at basic math, sadyang naging mainit lang naman ang ulo sa akin nang teacher ko na iyon dahil nasuspend siya sa panununtok sa isang estudyante matapos ay kamukha ko daw ang estudyante na iyon kaya mainit ang dugo sa akin, pangalawa ay nang sa harapan niya ay sabihan ko ang sinisilipan niyang estudyante na kita o na lose button ang suot niyang uniporme at kita na ang bra niya, masyado kasing malaki ang dibdib nang kaklase ko na iyon sa subject naming iyon, hinde ko nga siya matatawag na suso, joga siya, dahil malalaking melon talaga ang suso niya, bukod pa sa maganda na ito at cute, inosente ito masyado, at shota siya nang isa sa mga kaibigan ko noong highschool ako kaya naman, repeto na din, kahit na noong una eh panay din ang boso ko sa babaeng iyon.(lalake eh, ano pang aasahan nyo :3)
"Grabe naman yung teacher mo na yun?"
"Naku, hanggang ngayon yamot pa din ako, pagnasasalubong ko nga yung matandang hukluban na yun, hinde ko pinapansin eh, kahit isang beses binati ako, wala, para lang siyang hangin, kesa naman makipagplastikan pa ako hinde ba?"
"Sabagay, tska baka mabastos mo pa, mahirap na, sumasagot ka ba sa matanda?"
"Oo naman, pero depende, kilala mo naman ako ayaw na ayaw kong maagrabyado ako nang wala naman akong kasalanan diba? Ayus lang sa aking kung buntalin nila ako kasi may ninakaw ako o may nasira ako na gamit nila o ako yung nanggulo, pero yung tipong nanahimik ako tapos gagaguhin ako ay, gera na to, kahit naman sino di ba?"
"Sabagay, kahit naman ako ganyan eh, pero hinde ko pa ata nagagawang sumagot sa matanda, tumitiklop ako eh"
"Naku, paano yan kung sila naman yung may kasalanan, sa trabaho mo sigurado may matanda kang maeencounter na ganyan, pwede mo naman sila sagutin basta, tatandaan mo lang na dapat nasa posisyon ka para sumagot at nasa katwiran ka"
"Sumagot ka ba sa magulang mo? Sa ate mo? Sa mama mo?"
"Oo naman, pero alam nila na nasa katwiran ako kung sumagot, hinde naman ako sumasagot kapag alam kung mali ako at ngumingite na lang eh"
"El Nunal, paano kung isang araw si Mama makaharap mo, sasagutin mo din ba siya?"
"Depende, kung sasabihin mong wag akong sumagot ibabahag ko ang buntot ko para sa iyo, alam ko naman na hinde mo magugustuhan yun di ba?"
"Talaga! Akala ko sasabihin mo sasagutin mo siya, ako nga hinde ko maaway yun kahit alam kong mali na siya, kahit si Kuya eh, kaya nga sinasabihan na kita na wag kang basta basta pupunta nang bahay"
"Alam ko po"
"Pinapaalalahanan lang naman kita eh, mahirap na, di ba? Kain tayo kwekkwek, nagutom ako, nainget ako sa kanila eh"
Ang nakangiteng sabi niya sa akin at agad naman kaming nagtungo sa malappit na turo turo at kumain, matapos ay naglakad na kami papunta sa kanila. Wala naman doon ang Mama niya kaya namna naihatid ko siya pauwi sa kanila.
"Oy, salamat ha?"
"Si kuya mo?"
"Wala, malamang nakina Reggie yun kasama si Bunso"
"Ikaw lang diyan?"
Ang nakangiteng sabi ko sa kanya
"Yang ngite mo na namang yan ha? Ikaw talaga, next time na"
"Sabe mo eh paguwe"
Ang nakangusong sabi ko, di ko alam kung anong itsura ko, siguro panget at nakakatawa dahil bigla siyang tumawa noon
"Loko loko ka talaga, umuwi ka na nga, tsk ikaw talaga, kiss na lang kita"
"Kisabayag?"
"Loko Loko! Sige labas mo!"
"Nake! Napaka green! Sabi ko Kiss sabay Hug"
At nagkatawanan kami noon, bigla niyang inabot ang buhok ko at sinabunutan ako nang pabiro
"Loko ka talaga, pero seryoso, bawas tayo nang ganun, pumayag na nga ako sa iyo na walang kapote di ba? Isa pa wag nating sanayin ang sarili natin laging mag ganun"
"Anong magganun?"
"Ulul mo! Seryoso, kahit twice o once a week na lang, hinde yung magkadikit tayo eh may ganun"
"P-pasensya na, natigang lang kasi ako eh, hinde naman ako ganun eh"
"Uluuul! Magdradrama kapa, sige na umuwi ka na, matutulog na din muna ako, text na lang kita pagnagising ako ha?"
"Sige sige"
"Oi sandali"
"Bakit?"
At lumabas siya nang gate at hinalikan ako bigla sa aking labi. Ngumite siya at pinisl ang aking ilong at pumasok na sa loob nang bahay nila. Iiling iling lang ako at nagsimula nang maglakad patungo sa sakayan. Habang nasa jiip ako ay nagiisip ako, masaya na ba ako ngayon sa piling ni Kimberly, hinde naman ako naboboring, pero, hinde naman ako ganoon kasaya katulad nang pagiging masaya ko noong karelasyon ko si Charice. Marahil ay hinde pa kasi ako nakakamove on nang lubusan kay Charice, at si kimberly ang ginagawa kong medium para mawala ang lumbay ko at lungkot sa babaeng iyon, iniisip ko nga, ang sama ko, ginagawa kong panakip butas si Kimberly, pero, kahit papaano ay nahuhulog na naman ako kay Kimberly, kahit na moody siya, mabait at sweet naman, kaya lamang, muli na namang tumimo sa aking isip ang salitang binitawan niya kanina
"Hanggang kelan kaya tayong ganito?"
Masyado akong napapaisip nang mga oras na iyon kaya naman hinde ko namalayan na lumampas na pala ako nang aking bababaan at natawa ako, kaya naman dumiretso na din ako at nagtungo na lamang sa tambayan at doon na lamang ako naghapunan.
"Wait lang El Nunal ha? Malapit na maluto"
Ang sabi sa akin nang may ari nang tambayan namin
"Pa shot ka naman"
"Wala akong dalang bala ngayon eh, uutangin ko nga muna yang inorder ko eh, pero babalik din ako mamaya, ok lang ba kuya?"
"Oo naman, umutang ka na din nang alak, kukuha na ako?"
Hinde naman ako nakatangi at nilibre na nang alak ang may ari nang tamabyan namin, kumuha siya nang dalawang baso at yelo at doon hinde ko inasahan na mapapainom ako. Mayamaya pa ay may isang motor na dumating, kilala ko na kung sino iyon, si Mcoy, kasama si Fae, agad na nanakbo papunta sa akin si Fae at sinabunutan ako
"Bakit ngayon lang tayo nagkita! Painom ka naman!"
Natawa lang ako noon, pansin ko na tila nakainom na sila ni Mcoy, umupo siya at si Mcoy sa table namin kasama ang may ari nang tambayan namin, kumuha pa nang dalawang baso ang may ari at isang RH pa.
"Saan ka ba nagpupunta? Hinde ka ata napupunta kina Pauline?"
Ang tanong ni Fae sa akin
"May inaasikaso lang ako, may kaibigan lang akong pinupuntahan"
"Weh? Kaibitan ata eh"
Ang sabi ni Fae, mayamaya pa ay natigilan ako sa pagsasalita nang makita ko ang isang taong biglang dumating sa tambayan, hinde ko inasahan na darating siya
"El Nunal!"
Ang bati niya sa akin at kumaway ito at tanging ngiteng aso lang ang nagawa ko

Masaya Book 5 By El NunalDonde viven las historias. Descúbrelo ahora