Masaya Part 12

995 8 0
                                        

Part 12

"Hello... El Nunal... Kumusta ka na?"

Hinde ako nakakibo noon at hinde makapaniwala na muli kong maririnig ang boses ni Charice matapos ang mahabang panahon, tila ba may kung anong kilabot akong naramdaman nang mga sandaling iyon, hinde din ako makahinga nang maayos, agad akong bumangon at nagsindi nang sigarilyo

"Cha... ikaw ba talaga yan?"

"Oo... ako nga, bakit? Hinde mo na ba natatandaan ang bises ko?"

"K-kamusta... kamusta ka na?"

Ang medyo nangangarag ko pang tanong sa kanya, hinde ako makapagsalita nang maayos noon, at pakiramdam ko ba ay nakatapak ang mga paa ko sa yelo, ang mga kamay ko, nanginginig at pinagpapawisan ako nang malamig, at ang kabog nang dibdib ko ay sobrang lakas, isipin nyo na lamang na para kayong naipit sa sitwasyon kung saan gumagawa kayo nang kalokohan tapos bigla kayong inabutan nang magulang nyo, ganoong klaseng pakiramdam ang aking nararamdaman

"El Nunal... ayos ka lang ba?"

Ang malambing na tanong ni Charice sa akin, talagang kilala niya ako, sa paraan pa lang nang pagsasalita ko ay alam na niya na kinakabahan ako, o maari din kasing, tulad ko, call center agent din siya noon kaya naman kahit papaano ay mababasa mo na ang nararamdaman nang tao batay sa kanilang pagsasalita, pinilit kong kumalma noon, malalalim na hithit nang sigarilyo ang aking ginawa noon

"Kumusta ka na diyan sa Amerika?"

"Eto... ok naman kahit papaano, ayos naman kami ng anak ko, ikaw, kumusta ka naman diyan sa pinas?"

"Ok lang... paano mo nga pala nakuha ang numero ko?"

"Hinanap ko ang resume mo sa internet, nalimutan mo na ba na meron akong account bilang employer?"

Naalala ko bigla na bisor nga pala si Charice sa callcenter na pinasukan ko noon, napailing ako natawa, kung gusto nga naman talaga nang tao, may paraan talaga.

"Bakit hinde mo naman ako sinasagot sa mga email ko? Natatangap mo ba?"

"Oo naman... natatangap ko... kaya lang Charice... sinusubukan ko na kasi na kalimutan ka eh... kasi... "

"Kasi ano?"

Ang sabi ni Charice, hinde ako nakasagot at mahabang dead air ang naibigay ko sa kanya, matapos ay muli akong nagsinde ng sigarilyo at isang malalim na buntong hininga ang aking ginawa

"Kasi Charice, kasal ka na, may pamilya ka na, may anak na kayo ni Marc"

"El Nunal... alam mo na anak natin to, hinde namin to anak ni Marc Johns

Cha, please... don't fool yourself"

"Bakit hinde mo na lang hintayin ang paglabas at paglaki nang bata? Bago ka magsalita nang ganyan, tulad nang sinabi ko sa iyo, ikaw ang pinili ko na maging ama nang susunod kong anak, kaya alam ko sa sarili ko na ikaw ang ama nang dinadala ko, at isa pa, kelan ba ako nagsinungaling sa iyo?"

Hinde ako nakasagot, wala akong matandaang isang bagay na pinagsinungalingan niya, subalit hinde ko alam kung bakit ba, sinabi ko sa kanya ang salitang ito

"Nang sinabi mong mahal mo ako"

Hinde siya nakapagsalita sa kabilang linya, hinde din ako nakapagsalita noon, narinig ko na tila ba umiiyak siya at sumisinga noon, ngunit halatang binaba niya muna sa isang patungan ang telepono, medyo malayo kasi ang tunog na naririnig ko, mayamaya pa ay narinig ko nang inangat niya ang telepono

"Cha, umiyak ka ba?"

"Sorry, ganito daw kasi ang buntis medyo madrama"

"Sorry, wag ka nang umiyak, masama sa bata yan... Charice... anak ko ba talaga ang batang yan?"

"Sinabi ko na naman sa iyo di ba? Pero kung ayaw mo naman paniwalaan eh wala naman akong magagawa, makikita mo din naman siguro ang itsura nang bata di ba?"

"Wala lang sanang nunal no? Sana magmana sa iyo na maganda at cute"

Natawa siya nang mga sandaling iyon at hinde ko ba alam kung bakit ba natuwa ako nang muli kong marinig ang tawa niyang iyon

"Hinde ka pa din talaga nagbabago, palabiro ka pa ding panget ka"

"Alam kong panget ako kaya nga sana hinde magmana sa akin yung bata"

At muli siyang natawa

"Namiss talaga kita"

Ang sabi niya noon sa akin, at tila ba, may kung anong humagod sa aking puso noon at muli k ong naramdaman ang kakaibang saya, saya na tanging si Charice lamang ang nakapagpaparamdam sa akin, hinde ko naiwasan na mapaluha, masaya ako, dahil muli ko na namang narinig ang boses nang babaeng minamahal ko

"Oh, umiiyak ka din?"

Ang natatawang tanong sa akin ni Charice

"Masaya lang ako... masayang masaya... pero naiiyak din ako kasi alam kong hinde naman magiging permanente ang kasiyahan ko na ito eh, sandali lang, sandaling sandali lang"

"I'm sorry if i'm causing you much pain... matapos ang lahat lahat nang ginawa mo para sa akin... i'll make it up to you"

"A-anong make it up to you? Anong sinasabi mo Cha?"

"I'm planning on devorcing Mac"

"WHAT?!"

Napatayo ako sa kinauupuan ko noon at nagulat sa aking narinig

"Divorce him?! Bakit naman? Did he hurt you? May ginagawa ba siyang masama sa iyo? Or something na nakakaoffend sa iyo?"

"W-wala naman... actually mabait siya... maasikaso... at inaalagaan niya ako"

"Then bakit ka makikipagdivorce?"

"Kasi... ikaw ang mahal ko"

Hinde ako nakakibo nang marinig ko ang salitang iyon. Sa totoo lang, talagang lumaki ang ulo ko at grabe ang bilib ko sa sarili ko, a married woman like her, is willing to file a divorce just to be with me dahil mahal niya ako, bilang isang lalake, napakamacho ko nang mga sandaling iyon, pakiramdam ko, ang laki nang gwapo ko sa Mac na iyon, pero, hinde nawawala sa isip ko ang isang bagay, ang nakakainis kong konsensya, ang nakakayamot kong pagrerespeto sa kapwa ko lalaki, at ang pagiisip nang matino, at ang pagiging mister right ko, at agad ko siyang kinontra sa kanyang sinabi

"Cha, ano ba namang klaseng pagiisip yan? Di ba maayos ka na naman diyan? Isa pa, kasal ka na, sa mata nang tao, sa papel, at sa mata nang Diyos, ano bang pumapasok na naman sa isip mo at nagiisip ka naman nang ganyan?"

"Iniisip ko lang naman ang bagay na alam kong magpapasaya sa akin, El nunal, hinde naman ako masaya sa piling ni Mac, alam mo naman yun hinde ba?"

"Pero Cha, alam mo naman na hinde ka din naman sasaya sa piling ko hinde ba? Tulad nga nang sinabi sa akin nang lola mo, mapapakain ko ba kayo nang anak mo nang pagibig? Cha naman magisip ka naman oh, hanggang ngayon, tambay pa din ako, at wala akong ginawa ngayon kung hinde mambabae, maginom at maggala, I'm a complete bum, so please... wag mo nang –'

"Alam ko naman kung bakit ka nagkakaganyan hinde ba? Dahil sa akin? Dahil sa nangyare? Dahil sa ginawa kong pagpapakasal kay Mac hinde ba?"

Hinde ako nakausap, kahit ayaw kong aminin sa sarili ko, deep inside, siya nga ang sinisisi ko kung bakit ako nagkakaganito, pero hinde ko naman magawang sabihin iyon sa kanya, hinde ko ito maisumbat, hinde ko ito maireklamo sa kanya, dahil alam ko na hinde naman din niya talaga ito kasalanan, dahil ang mga aksyon na ginagawa ko ngayon ay sarili kong kagustuhan, ginagawa ko ito upang labanan ang kalungkutan na nararamdaman ko, upang maibsan ang sakit na nadarama ko, kahit na alam ko sa sarili ko na mali ito.

"El Nunal... ayaw mo ba na makasama ako?"

"Charice, alam mo ang sagot sa tanong mo na yan"

"Actually hinde na nga eh, hinde ko kasi maintindihan, kung bakit ba pilit mo akong pinagtutulakan palayo kahit na eto ako at handang sumama sa iyo"

"Dahil may mga tao tayong matatapakan, may mga tao tayong masasaktan, at sa tingin mo ba liligaya ka talaga sa piling ko?"

"Oo, sigurado ako, pero ikaw ba, bakit ba hinde mo alam kung ano ang mararamdaman mo kapag nakasama mo na ako?"

Hinde ako nakaimik sa tanong niya, mayamaya pa ay may narinig akong nagsasalita sa likuran niya, tila ba kinakausap siya nito, hinde ko alam ang lengwaheng naririnig ko noon, at siya din namang sinasagot ni Charice, mayamaya pa ay muli na niya akong kinausap

"El Nunal, aalis na muna kami, may pupuntahan lang ako... tatawag na lang ulet ako... ok? Pwede bang hinatayin mo akong tumawag ulit ha?"

"Susubukan ko"

"El Nunal... S-sige... Hintayin mo ako ha?"

Hinde ako nakasagot noon, hinde na din siya nagsalita subalit narinig ko ang isang buntong hininga na ginawa niya at binaba na ang tawag. Muli akong nagsindi nang sigarilyo at umupo sa labas nang aking bahay at tumingala sa kalangitan, isang malalim na buntong hininga ang aking ginawa, napansin ko na maliwanag ang paligid, at bilog na bilog ang buwan

"Amanda... ano bang gagawin ko"

Isang mahinang subalit punong puno nang pighating tanong ko noon sa aking yumaong kasintahan, muli na naman akong nakaramdam nang makadurog taong kalungkutan, hinde ko napigilang mapaluha, hinde ko nagawang napigilan na lumabas ang luha sa aking mga mata, alam ko na ang mga taong dumadaan noon ay nakikita akong umiiyak subalit hinde ako nahihiya, wala akong pakielam sa kanila, nang mga sandaling iyon, muli ko na naman naramdaman ang sakit na naramdaman ko noong iniwan ako ni Charice, noong nakita ko siyang nagpakasal kay Mac, sakit na halos ilang buwan ko nang nilalabanan, kasabay pa nang mga biglang alalaalang nagbalik sa akin, mula kay Jamaica hanggang kay Amanda, at ngayon, ang babae pang pumasok sa buhay kong si Kimberly, at maging ang dati ko pang gusto na si Pauline, lahat ay naghalo halo nang gabing iyon, pakiramdam ko ay sasabog ako, gusto kong manapak, gusto kong magwala, gusto kong sumigaw, napayuko ako at pinatay ang hawak kong sigarilyo gamit ang aking mga palad, nasaktan ako sa ginawa ko dahil sa bagang nasa yosi noon, napaso ang kamay ko, subalit tila ba manhid ang mga kamay ko, hinde ko kasi ininda ang sakit na iyon, mas masakit kasi ang nararamdaman nang aking puso, mabilis ang pagtibok nito, at ang tenga ko ay tila ba umiinit, ang mga mata ko ay nanlalabo na sa kakaluha, hanggang sa magulat ako nang may lumapit sa akin at niyakap ako

"Bakit ka umiiyak El Nunal?"

Laking gulat ko nang mga makita kong si Kimberly iyon, hinde ko napigilan ang aking sarili na mapayakap sa kanya at mapaiyak, hinde ko alam kung bakit pero nang mga sandaling iyon, kinailangan ko nang isang isang babaeng yayakap sa akin, isang babaeng magpapatahan sa akin, at nang mga oras na iyon, si Kimberly ang gumawa noon.

"Doon nga tayo sa loob, para ka namang bata, tara nga doon"

Ang natatawang sabi niya sa akin, dahan dahan akong tumayo at nang makapasok na kami sa loob nang bahay ay muli ko siyang niyakap

"A-ano bang problema?"

"Wag ka munang umalis... yakapin mo naman ako, please... ang sakit na eh... please... dito ka muna"

Ang pakiusap ko sa kanya, nang mga sandaling iyon, panandalian akong pumutok, at hinde kinaya ang sakit na nararamdaman ko, patuloy na umaagos ang luha ko sa aking mga mata, para siyang tubo nang nawasa na nasira dahil sa malakas na pressure nang tubig, tulad nang pressure na sobrang tindi na naramdaman ko nang mga oras na iyon, Tahimik lamang si Kimberly na nakayakap sa akin, at hinahagod ang aking likod, at madiin niya akong niyayakap, hinde ko ba alam kung bakit pero pakiramdam ko ay tila ba awang awa sa akin si Kimberly at tila ba naririnig ko din siyang sumisinghot singot, tila ba umiiyak din siya, pakiwari ko ay dinadamayan niya ako sa aking nararamdamang kalungkutan. Dahan dahan kaming umupo sa foam na nakalatag sa sala, nakita ko na tinapik niya ang kanyang hita, tila ba sinasabing doon muna ko iulo ang aking sarili, at para naman akong isang tutang sumunod sa kanya. Mainit at malambot ang hita ni Kimberly, nadama ko ito nang humiga ako dito, nakapekpek short lamang siya noon na maong kaya naman sa hita niya ako mismo nakahiga, at ang init nito ang nagbigay sa akin nang kakaibang pakiramdam na tila ba nagpapakalma sa aking puso. Nagulat pa ako nang simulan niyang himasin ang aking ulo, hinde ako kumibo, at tila ba sa kanyang ginagawa ay animo'y unti unting humihinahon ang halos nagwawala ko nang damdamin, animo'y napaamo niya ang nagwawalang halimaw sa aking kalooban, sa simpleng paghagod lamang sa aking ulo, na parang isang bata, at bigla kong naalala sa kanya ang aking ate, naalala ko na ginagawa din sa akin yun nang aking ate sa tuwing umiiyak ako noong bata ako kapag hinde ako nakakaganti nang suntok sa mga kalaro ko na nangaasar sa akin, o sa tuwing nasasaktan ako nang asawa niya noon, tila ba, sa ganitong paraan niya sinasabing patawarin mo ako. Maya maya pa ay nagulat ako nang maramdaman ko na dumampi ang labi ni Kimberly sa akin

"Sorry... kung dahil sa akin... nagkakaganyan ka"

Hinde ko lubos akalain na sasabihin niya din ang salitang iyon, at nang mga oras na iyon, bigla kong naaninag ang mukha ni Charice sa kanyang mukha, na tila ba malungkot ito at nagsisisi sa kanyang nagawa. Wala akong ibang ginawa noon kung hinde hawakan ang mukha ni Kimberly, himasin at salatin ito, amg makinis at maamo niyang mukha, ang malalambot at mapulang labi, hinawakan niya ang akin kamay at muli ay nagdikit ang labi naming dalawa.

"Sige... sasamahan kita dito ngayong gabi"

Ang nakangiteng sabi niya sa akin, at dahan dahan akong napapapikit dahil sa nararamdaman kong nakakarelax na ambiance nang sabihin niya ang salitang iyon habang hinihimas himas ang aking ulo hanggang sa makatulog na ako. Mainit at comportable ang aking pakiramdam nang mga oras na iyon, hinde ko alam kung bakit, pero tila ba, ang sarap sarap at ang gaan gaan nang pakiramdam ko, kakaibang init ang nadarama ko nang bumabalot sa aking katawan, dahan dahan kong minulat ang aking mga mata, at nakita ko ang maamong mukha ni Kimberly na natutulog sa aking tabi, nakayakap, nasa foam kami noon at nakahiga, napangite pa ako nang makita ko siyang nakanganga. Hinde ko inakala na nang mga sandaling kailangan ko nang kasama, kailangan ko nang maiiyakan, saktong dating ni Kimberly, at tila ba, sa nangyari ay nakaramdam ako nang hiya sa aking sarili, nahihiya ako dahil ang taong iniisip kong gamitin o ginagamit ko na upang makalimutan ang isang tao ang siya pang taong sumalo sa akin nang mahulog ako, nang mawasak ako nang mga sandaling iyon, siya ang babaeng nandoon upang ayusin ako, ang patahanin ako, ang pagaanin ang aking loob, ang babaeng ninanais kong samantalahin, dahan dahan kong inalis ang pagkakayapos niya sa akin, mahimbing ant tulog niya noon at hinde siya nagising nang bumangon ako. Tinignan ko ang cellphone ko, magaalas

tres na nang madaling araw noon, medyo nahihilo pa ako, dahil siguro ito sa alak na nainom ko, hinde ko naman maintindihan kung paano ako nalasing, kung paano ako tinamaan nang ganoon sa alak, o kaya naman, hinde ito dahil sa alak, maaring pinalabas lang nito ang ako na nasasaktan na nang sobra at lalo pa nang muli kong marinig ang boses nang taong pilit kong kinakalimutan. Dahan dahan akong naglakad at kumuha nang yosi sa lamesa at nagsinde, dahan dahan akong pumunta sa pintuan at binuksan ito at doon umupo, muli ay tumingala ako sa kalangitan, walang kahit ano maliban sa makakapal na ulap, na animo;y nagbabadya nang malakas na pagulan sa mga susunod na oras na darating. Tila ba sa kalangitan ko nakita, ang signo na parating sa akin sa mga susunod na araw, pero, napansin ko din na tila ba pilit na sumisilip ang buwan sa makakapal na ulap na iyon, hanggang sa unti unti ay muli ko na naman nakita ang liwanag nang buwan, na tila ba nagsasabing sa bawat unos na darating, may liwanag pa din na naghihintay, hinde ko alam kung bakit ba tila naging Balagtas ang isip ko nang mga sandaling iyon, marahil, ay pilit ko lang ginagawa iyon para mapagaan ang aking pakiramdam. Nagulat ako nang may bigla na lamang akong maramdamang maiinit na bagay na bumalot sa aking bewang, yumapos sa akin si Kimberly

"Gising ka na pala, kumusta na pakiramdam mo?"

Ang tanong niya sa akin. Napakalambing nang boses niya, hinde ko alam pero pakiwari ko ay napakalambing nito sa akin, hinde ko alam kung anong nangyari sa kanya, hinde ko ba alam kung naapektuhan ba siya sa kanyang nakita kanina, o maaring may nangyari sa kanilang dalawa ni Reno at kailangan niya lang din nang makakasama, tulad ko, pero, kung noong una, mas iniisip ko ang negative side, mas inisip ko na maaring gusto niya akong makasama dahil ako ang mas nakakapagpasaya sa kanya, dahan dahan kong hinawakan ang malambot na kamay ni Kimberly, at humawak din naman siya sa aking kamay, dahan dahan ko itong iniangat at hinalikan

"Bakit?"

Ang tanong niya sa akin

"Gusto ko lang magpasalamat kanina, sorry ha, para akong bata kanina"

"Ok lang, natuwa nga ako eh, alam mo, hinde pa ata kita nakitang umiyak noong elementary tayo... kahit na nabugbog ka na noon, akala ko, iiyak ka katulad ni Kiko nang nabugbog siya, hinde ko alam pero nung nakita kitang umiyak, parang naawa talaga ako sa iyo, tska... ang panget mo palang umiyak"

Ang natatawang sabi niya sa akin

"Pero, alam mo, I admire boys who cried because they're hurt, first time ko makakita nang lalaking umiiyak in person, I mean, grown man ha?"

Dahan dahan akong lumingon sa kanya at nabigla ako nang halikan na lamang niya ako sa labi at niyakap akong muli

"Sorry ha... kung hinde agad kita napuntahan kanina, medyo nagpalusot pa ako para lang makaalis sa mga barkada ni Reno eh, medyo nakainom diin ako kanina, pero hinde naman ako lasing, umalis kasi si Reno kasama yung mga kaklase niya, ang tagal bumalik, hinde pa ako sinasagot kaya nilayasan ko na at nagpunta na lang dito"

"Sorry ha kung tinext kita nang ganoon kanina, hinde ko ba alam kung bakit ako tinamaan nang saltik sa utak"

"Hinde ko naman dala ang cellphone ko kanina eh, naiwan ko sa bahay, kanina ko lang binalikan, kaya gabi ko na din nabasa nung umuwi ako sa bahay para maligo"

"Saan ka ba galing kanina?"

"Sa may Batingan... alam mo ba yung Rizal Science? Sa may gilid noon, may pinuntahan lang kaming kakilala, barkada ni Reno, birthday daw, ewan ko ba dun, naginom tapos may sinundo, dalawang oras na ako naghihintay wala pa din siya, tapos yung isa niyang barkada, panay pa ang porma sa akin, as if naman na papatulan ko siya, tapos nung sinabi ko sa kanya, kinampihan pa yung kaibigan, nagbibiro lang daw, kaya ayun, nilayasan ko, hinde naman ako pinigilan, nakakaasar... para bang mas pinili pa niya ang kaibigan kesa sa akin, palibasa kabrother niya yun eh"

Hinde nga ako nagkamali nang hinala, nagkaaway nga sila kaya siya pumunta dito, pero, ang iniisip ko, maaring hinde lang din naman iyon ang dahilan, dahil na din siguro sa tinext ko siya, yun ang pinapaniwalaan ko at sinisiksik sa utak ko, ayaw kong magisip pa nang kahit anong bagay na makakasama nang loob ko sa kanya, alam kong kaya din siya pumunta siya dito dahil, o marahil, ako lamang ang tanging taong nakakapagpagaan nang loob niya. Alam kong may sasabihin pa siya sa akin, isang reklamo tungkol sa kanyang boyfriend, ngunit bago pa siya makapagsalita pang muli ay agad na akong humarap sa kanya at hinalikan ang kanyang malalambot na labi, at siya din namang ganti niya nang halik sa akin, at tila ba nanumbalik ang kakaibang init na nadarama ko sa mga halik na binibitawan niya sa akin, o hinde kaya, muli, ay masaya na naman ako na makasama si Kimberly. Dahan dahan kong inilalayo ang aking sarili at natatawa ako dahil tila humahabol siya nang halik noon sa akin.

"Sandali, wag tayo dito, masyado naman tayong bulgar eh"

Ang natatawang sabi ko sa kanya at natawa ako nang pingutin niya ang ilong ko

"Hayuup! Pinapahabol mo pa talaga akong bwisit ka"

Ang nakangiteng sabi niya sa akin at nagkatawanan kami, at tila ba nagbalik yung dating pakiramdam ko sa kanya noong una, yung magaan ang loob, at masaya siyang kasama, kahit na alam ko sa ngayon na meron siyang karelasyon, handa akong sumugal at nais na gawin ang isang bagay, iyon ay ang mangaagaw nang kalaguyo nang iba, tulad nang nangyari kay JanJan, Pauline at Nikko. Dahan dahan kaming pumasok sa loob nang bahay, at nang isarado na namin ang pinto ay agad na kaming nagpalitan nang maiinit na halik habang dahan dahang naglalakad patungo sa kinahihigaan naming foam kanina. Dahan dahan kaming lumuhod na dalawa at kapwa nagalis nang suot naming pangibabaw na damit. Matapos ay dahan dahan niyang inalis ang suot niyang bra at muli kong nasilayan ang suso niya, subalit nagtaka ako nang may makita ako na kung marka sa may kaliwang ibabaw nang suso niya, isang maliit na tatoo

"Ay.. napansin mo pala, maganda ba?"

Nilapitan ko ito tinignan, isang maliit na paro paro ang pinatatoo niya, purong itim lang ito

"Hinde pa tapos ang pagtatoo sa akin nung kaibigan ni Reggie eh"

"Masakit ba?"

"Hinde naman, medyo mahapdi lang sa una"

"Teka... lalake ba nagtatoo sa iyo?"

"Hinde, babae, kakilala ni nga ni Reggie, may tatoo kaya si Reggie sa may gilid nang bewang niya tska dito din sa dibdib niya kaso sa kanan naman yung sa kanya, naalala mo yung tatoo ni kuya? Yung susi sa dibdib niya? "

Iniisip ko noon ang katawan ni Cosme at naalala ko nga na napansin ko na may tatoo siyang susi sa may kanang dibdib niya na halos kasing laki lang nang tatoo na nasa dibdib ni Kimberly

"Yung kay Reggie naman yunn lock, natatawa ako kasi yung totoong may susi daw noon eh doon sa unang asawa ni Reggie, pinaduplicate daw ni Kuya"

"Hinde ba maskit?"

Ang tanong ko sa kanya at dahan dahan ko itong hinipo

"Medyo mahapdi lang siya, pero, hinde naman ganoon kahapdi, ikaw, gusto mo ba magpatatoo?"

"Naku, may tatoo na ako sa mukha oh?"

Tinuro ko ito sa kanya at tawa siya nang tawa

"Sabagay, natural yang tatoo mo, teka nasaan na ba tayo?"

Ngumite siya at muli akong sinunggaban nang halik, at dahan dahan ko siyang inihiga habang naghahalikan kami, nagulat ako nang may bigla na lamang noong may kumatok sa labas. Natigilan kami ni Kimberly sa aming ginagawa, agad siya nagsuot nang damit at nagtalukbong nang kumot, nagulat ako nang makita ko kung sino iyon, at agad akong tumayo at lumabas nang pinto para kausapin ito

"Oh, bakit ka napunta dito?"

"El Nunal, nakita mo ba yung bakal na pangharang sa may karinderya?"

Ang tanong sa akin nang nanay nang aking manugang, nagulat ako dahil magaals kwatro pa lamang nang umaga ay gising na ang matandang ito, at halatang iritado pa

"Hinde po nay, hinde ko naman po kasi napapansin eh, baka po yung mga tambay ang dumale"

"Bwisit na, may bisita ka ba?"

Pumasok ito sa bahay at nakita si Kimberly na nagkukunwaring tulog

"Naku, may babae ka naman dito, baka makabuntis ka nang wala sa oras, nga pala yung bayad sa kuryente, sa akin mo na iabot ha?"

"S-sige po"

At lumabas na ito

"Wala na?"

Ang pabulong na sabi ni Kimberly habang nakangite. Panay ang silip ko noon sa labas at nang makita ko nang lumiko ito ay ngumite ako at dahan dahang lumapit sa kanya

"Wala na ba?"

Ang ang nakangiteng tanong niya sa akin

"Ano sa tingin mo?"

Ang nakangiteng sabi ko sa kanya habang dahan dahan akong gumagapang patungo sa kanya, samantalang siya naman ay nakangite lamang habang nakakagat labi at parang batang nagtatago sa ilalim nang kumot.

"Kiiiimmm nandyaan na akooo"

Ang tila ba nanakot na banta ko sa kanya at para siyang batang natatawang kinikilig na hinde ko maintindihan, dahan dahan kong inaangat ang kumot noon at nasilayan ko ang makinis niyang niyang binti, at dahan dahan ko itong hinawakan at hinalikan, hanggang sa marating ko ang kanyang tuhod at nang idampi ko ang aking labi dito ay nagulat ako nang sa di inaasahang pangyayari ay

"ayy shet!"

natuhod niya ako sa mukha, may kiliti pala si Kimberly sa tuhod, nasaktan ako sa ginawa niya, malakas kasi ito, para bang sinapak ako noon at bahagya akong nahilo, napaatras ako at dahan dahang tumayo

"Oi Bhebs, sorry sorry"

Ang sabi niya sa akin sabay yakap sa akin at tinitignan ang mukha ko

"Hinde ka naman gumwapo, panget ka pa din"

Ang nakangiteng sabi niya sa akin at hinalikan niya ang pisnge ko na natuhod niya.

"Sorry ha, hinde ko sadya"

Ang sabi niya sa akin habang nakayakap

"Ang sakit, nahilo ako doon ah"

Ang sabi ko sa kanya

"Sorry, kusa lang gumalaw yung tuhod ko eh, hinde ko naman kasi alam na hahalikan mo yun eh, adik ka din kasi eh, pakiss nga"

At hinalikan ko siya noon sa labi, matapos ay inabot ko ang sigarilyo at muling nagsinde, kumuha din siya at nagsinde at magkatabi kaming nagsigarilyo

"Huy, El nunal, sorry ha?"

Ang sabi niya sa akin

"Ano ka ba, ok lang noh, hinde mo naman sadya eh"

"Hinde yan, I mean... sorry, kung nasaktan ka sa ginawa ko, sa pagsisinungaling ko, sa paglilihim ko tungkol kay Reno, siguro, dapat ko na munang tapusin ang meron kami at –"

"Kim... wag... baka magsisi ka lang sa huli"

Ang sabi ko sa kanya sabay hithit sa hawak kong sigarilyo, hinde naman siya kumibo, marahil ayaw niyang makipagtalo, kaya hinde na din siya sumagot. Nagkatinginan lamang kami at nagkangitian

"Masaya ka ba ngayon na kasama mo ako Kim?"

Ang tanong ko sa kanya sabay hawak nang kamay niya, ngumite lang siya at hinawakan din ang aking kamay

"Nandito ba ako kung hinde? Pwede bang... pakinggan mo lang ang sasbihin ko?"

"Kung tungkol lang yan sa pakikipaghiwalay mo kay Reno... wag na lang po, ok na po ako sa ganitong set up... masaya na naman ako eh"

"Ayaw mo ba na tayo na lang? Wala nang siya?"

"Mahal mo ba talaga siya?"

"Hinde ko na alam El Nunal... pero aaminin ko sa iyo, ayaw kong mawala kayong dalawa sa buhay ko ngayon, siguro, selfish na ako kung selfish, pero hinde ko talaga kaya na hinde ko kayo makikita, at makakasama, mahal ko kasi kayong dalawa"

Natawa ako bigla sa sinabi ni Kimberly, at nakita ko naman sa mukha niya ang pagtataka

"Oh.. bakit ka naman natawa?"

"Kim naman, ano ba yun, hinde naman pwede dalawa ang mahal mo no? Adik ka talaga, alam mo, wag mo na lang gawing kumplikado ang lahat, ok na nga ako, tapos ngayon, ikaw naman napapaisip nang ganyan"

"So talagang ok ka lang sa set up natin na to?"

"Oo ok na ako, pero, hinde ko alam kung hanggang kelan tayo ganito, I mean, parang ang sama naman natin di ba?"

Hinde nakakibo si Kimberly, kasunod ang isang buntong hininga at binaling sa iba ang tingin bago niya itanong sa akin

"Mahal mo ba ako?"

Hinde ako nakakibo nang mga oras na iyon, hinde ko alam kung bakit, alam ko naman ang kasagutan sa tanong niyang iyon, siguro, pero, hinde ko masabi yun sa kanya dahil alam ko na ang hanap lamang niya na sagot ay oo o hinde lamang. Nakatingin siya sa akin at halatang naghihintay talaga nang kasagutan. I don't know why the hell did I say this but I know I'll regret this, nilapit ko ang aking mukha sa kanya at hinalikan ang kanyang labi, at isang sagot ang siyang nagbigay ngite sa kanyang mga labing aking hinalikan

"Oo, mahal kita"

At matapos ay isang matamis na halik din ang binigay niya sa akin

"Itapon na nga natin to!"

Ang sabi niya sa akin sabay kuha nang yosing hawak ko at sabay niyang itinapon sa may labas nang pintuan ang yosing hawak namin at pinagpatuloy ang pagpapalitan nang halik. Dahan dahan kong iginapang ang aking kamay pailalim sa suot niyang damit at sinimulang abutin at lamasin ang kanyang dibdib na noon ay nanayo na ang mga utong, at sinimulan ko itong salatsalatin, laruin gamit ang aking hintuturo nang magkabilang kamay habang nang mga sandaling iyon ay panay din naman ang himas niya sa aking Manoy na naninigas na sa loob nang aking shorts. Mayamaya pa ay nagulat ako nang bigla na lamang niya akong itulak pahiga at biglang hinila paibaba ang suot kong shorts, at agad sumambulat sa kanya ang aking Manoy na tindig na tindig na at napapikit na lamang ako nang tila ba sabik na sabik niyang isubo ito. Halos manirik ang mata ko sa sarap nang pagchupa niya sa aking Manoy, animo'y chupon ito na kanyang sinisipsip sabay mabilis na ilalabas pasok ito sa kanyang mumunting labi, at sa bawat labas pasok nang aking alaga sa kanyang bunganga ay siya din namang hinga ko nang malalim dahil sa nakakabaliw na sarap na aking nadarama. Mayamaya pa ay napanganga ako at napakapit sa kamay niyang noon ay hawak ang aking alaga nang maramdaman ko na ikinakadkad niya ang ulo nang aking Manoy sa kanyang ngalangala at napakasarap talaga nito sa pakiramdam, may halong ngilo na sarap na may kasamang kilig na may konting kiliti na may napakasarap na hagod. At marahil ay nakita ni Kimberly ang aking reaksyon sa kanyang ginagawa at napangite siya.

"Having a good time?"

Ang nakangising tanong niya sa akin habang hinahawi ang buhok niya't isinasabit ito sa kanyang tenga habang ang isang kamay ay patuloy na sinasalsal ang aking Manoy. Napatango lamang ako at muli niyang isinubo ito at muling ginawa ang mga bagay na kanina niyang ginagawa sa aking Manoy at hinde ko maiwasang mapasabi nang

"Shheeettt Kiiim... Taaeennaaahhh kaaahhh"

At tila ba natuwa siya dahil sa papuring iyon kahit na napamura ako, marahil ay alam niya na napamura lamang ako dahil sa sarap nang pagchupa niya sa akin. Halos ilang minuto din ang lumipas nang tigilan niya ito, matapos ay dahan dahan na siyang nagalis nang suot niyang damit, at muli ay nasilayan ko ang hubad niyang katawan na sadya namang hinde binibigong buhayin ang aking pagkalalake, agad kong sinunggaban ang mga suso niya't sinimulang ututin ang kanyang utong habang panay ang lamas ko sa kabilang dibdib niya. Tanging hinga niya lamang noon ang aking naririnig at bahagyang impit na halinghing

"iihhhmmm uuhmmm... uuhh"

At habang nilalaro ang kanyang dibdib ay siya namang abot niyang muli sa aking Manoy at panay ang himas dito. Mayamaya pa ay dahan dahan ko naman siyang inihiga habang ginagapang ang aking halik at habang unti unting bumaba ang aking paghalik ay siya namang pagaalis niya nang kanyang suot na pang salawal, at dahan dahan ko na din itong inaalis kasabay ang kanyang panloob hanggang sa muli ko na namang masilayan ang kanyang Kepyas. Dahan dahan ko itong hinimas habang inilipat ko naman ang paghalik sa kanyang malalambot na labi. Patuloy ang pageeskrima nang aming mga dila habang abala akong hinihimas himas ang kanyang may kabulbulang Kepyas na unti unti nang namamasa nang mga sandaling iyon hanggang sa dahan dahan ko nang idiniin papasok ang aking himpapakyu (gitnang daliri) papasok sa butas nito at marahan kong sinimulan na ilabas pasok ito sa kanyang ari. Kitang kita ko sa kanyang mukha ang kasiyahan sa pagkalkal ko sa kanyang Kepyas, lalo pa nang sinimulan ko nang gawin ang signature move kong "common motion". Napapaliyad siya nang bahagya habang ginagawa ko iyon at nang makapa ko na ang umumbok na kalman sa loob nang kanyang Kepyas ay sinimulan ko na itong diindiinan at mayamaya pa ay sinundan ito nang pagkatas nang kanyang ari. Nakakaaliw pagmasdan ang nagiging reaksyon nang kanyang mukha habang nilalabasan siya, kasunod ang isang magandang ngite at matamis na halik. Mayamaya pa ay dahan dahan na akong pumaibabaw sa kanya, kusa na niyang ibinukaka ang kanyang mga bewang at dahan dahan ko nang itinapat ang aking Manoy sa kanyang pagkababae at dahan dahang idiniin ito papasok at swabeng swabe na shumoot ito papasok sa kanyang Kepyas. Tinignan ko siya at at hinimas ang buhok, at tinanong sa kanya

"Ayos lang ba kahit wala akong kapote?"

Bigla siyang napailing sabay pitik sa aking ilong

"Makaangal pa ba ako eh nakasalpak na yan"

Nagkangitian kami at ilang sandali pa ay muling nagsanib ang aming mga labi, at dahan dahan ko nang iginalaw ang aking bewang at nagsimulang lumabas pasok ang aking alaga sa kanyang namamasang puwerta.

"Shheett... ahhhh... ahhh... sheeeettt...."

Ang mahihina ngunit nakakalibog na ungol ni Kimberly habang pabilis nang pabilis ang paggalaw nang aking bewang hanggang sa simulan ko na siyang bayuhin nang mablis habang panay ang halik ko sa kanyang makinis na leeg. Mayamaya pa ay dahan dahan akong huminto at dahan dahan ko siyang iniangat sa pagkakahiga hanggang sa ang posisyon niya noon ay nakakandong na sa akin at tila ba alam na niya ang kanyang gagawin, dahil nang makapwesto na siya nang maayos ay kusa na siyang gumalaw at sinimulang igalaw ang katawan paitaas baba at nagsimulang lumabas pasok ang aking nangangalit na Manoy sa kanyang kumakatas katas pang Kepyas at kay sarap talaga sa pakiramdam nang pamigamigang sensasyong naidudulot nito sa aking pagkalalake

"Ahh... uuuhh,,, uhhmmm uhhhm,mm uhhmmm"

Ang halinghing niya habang gigil na gigil siyang umiindayog sa pagkakakandong sa akin. Dahan dahan kong hinawakan ang kanyang bewang at ginabayan ang pagtaas baba nang kanyang katawan at ilang sandali pa ay dahan dahan na akong napahiga at dahan dahang pumupwesto upang makagalaw siya nang maayos, mayamaya pa ay sinimulan na niya akong kabayuhin . Pikit mata niyang dinadama ang pagindayog sa aking ibabaw samantalang ako naman ay sayang saya siyang pinapanuod at sarap na sarap sa sensyasong dulot nang kanyang Kepyas sa king Manoy. Mayamaya pa ay mas binilisan na niya ang pagindayog habang sinasambit na

"Lalabasan na akoo Ell Nunaall... ahhh Sheett... ahhh... ahhhh"

Ako naman noon ay napapapikit na lamang sa sarap dahil nararamdaman ko na din na ilang sandali pa ay lalabasan na din ako at ilang sandali pa ay tumigil na siya sa pagtaas baba't iginiling giling na lamang ang kanyang bewang habang damang dama ko ang pangangatas nang kanyang Kepyas at damang dama din ang madiin na pagkakakalmot nang kanyang mga kuko sa aking tiyan habang ako naman noon ay pilit na pinipigilan na labasan at nang hinde ko na kinaya pa ay napasabi na ako sa kanya na

"Kim.. lalabasan na ako"

At kinagulat ko nang imbes na umalis sa pagkakaibabaw sa akin at simulang salsalin ang aking Manoy tulad nang madalas niyang ginagawa ay nagulat ako nang sinimulan niya muling igiling ang kanyang bewang at nakangiseng sinabi sa akin na

"Sige na... sa loob mo na ilabas yan"

At hinde ko na napigilan pa nan iputok ang katas ni Manoy sa loob nang kanyang Kepyas at halos manirik ang aking mata sa sarap nang aking naramdaman noon, sa wakas ay muli na naman akong nilabasan sa loob nang puwerta nang isang babae, iba talaga ang sarap ang na dulot kapag sa loob ka nilalabasan kesa sa huhugutin mo ito at doon mo ipuputok sa labas, subalit nagulat ako kung bakit siya pumayag na putukan ko siya sa loob.

"Ok ka na?"

Ang tanong niya sa akin at dahan dahan siyang humiga sa ibaba ko at dumiin sa aking katawan ang mga dibdib niya at pinisil pisil ang ilong ko at natawa ako nang himasin niya ang nunal ko

"ahitin mo kaya to... ang kapal na nang buhok oh"

Ngumite lang ako sa kanya noon, nagulat ako nang bigla na lamang niya itong halikan at natawa lang ako. Mayamaya pa ay inabot na niya ang kumot at nagtalukbong katabi ko at kinuha ang isa kong braso at inunanan ito. Tinignan ko siya noon at kumukuha nang tiyempo upang tanungin ang isang bagay subalit hinde ko ba alam kung paano niya nabasa ang iniisip kong bagay na itatanong sa kanya, nagulat ako nang bigla na lamang niyang sabihin na

"Nagtataka ka kung bakit ako nagpaputok sa loob noh?"

Ngumite lang ako noon at tumango

"Wag kang magalala, hinde ako buntis doon sa isa at safe ako ngayon, at isa pa, sabi ni Reggie mas masarap nga daw kasi pag sa loob ka nilalabasan, sa mga boys I mean, kami naman kasing mga girls, nagcliclimax nang ilang beses depende sa performance nyong mga boys eh"

"Ahh... sure kang safe ka ha?"

"Oo naman, adik nito, tska isa pa, kung sakaling mabuntis naman ako, baka ipalaglag ko lang naman yun eh at –"

"Bakit mo naman papalaglag?"

"Bakit papanagutan mo ba ako?"

"Kung sa akin yung bata bakit hinde?"

"Ulol! Mukha mo! Mamaya puro ka lang dada kapag nandyan na, baka hinde mo naman panindigan, wag kang magsalita nang mga bagay bagay na alam mong hinde ka naman sigurado kung kaya mong panindigan, ayaw kong maging single mom noh"

Natahimik ako sa kanyang sinabi, bakit ko nga ba nasabing handa ko panagutan iyon, handa na nga ba ako, handa na ba ako sa mga responsibilidad na yun. Nagulat ako na siya mismo ang nagsabi nito sa akin, hinde ko alam kung maiinis ba ako o matutuwa sa kanyang sinabi. Nagulat ako nang bigla na lamang niyang pisilin ang ilong ko

"Nakuu!! Wag ka nang magisip diyan! Ikaw para kang timang, dinidibdib mo na naman ang sinasabi ko, ano ka ba, wag ka ngang ganyan, don't over think things too much ok? Wala pa naman eh, at isa pa, malabo naman na mangyare yun, at isa pa, alam ko naman na hinde ka pa handa sa mga ganung bagay hinde ba?"

"Paano mo naman nasabi yun?"

Ang seryosong tanong ko sa kanya

"El Nunal, una sa lahat, wala kang trabaho, pangalawa, sa inaasta at ginagawa mo, halatang wala ka pa sa wisyo para magtaguyod nang isang pamilya at pangatlo, hinde pa din ako handa magasawa at magkaanak, kaya naman, kahit na mortal sin yung sinabi kong magpapalaglag ako, gagawin ko talaga yun, lalo pa't alam ko na wala naman din akong maibibigay na kinabukasang maganda pa sa iluluwal kong supling"

"Hinde ka ba natatakot sa Diyos?"

"Alam mo, mas nanaisin ko pa na magkaroon nang kasalanan sa Diyos dahil alam ko naman na mapapatawad niya ako kesa naman na, magaya ang anak ko sa mga batang lansangan, o mga batang lumaki na walang ama"

"Hinde mo ba kayang palakihin ang magiging anak mo?"

"Honestly, right now hinde, ayaw kong dumagdag sa problema namin sa pamilya, isa pa, hinde pa nga ako handa, at isa pa, hinde ako basta basta magpapabuntis nang hinde ko sigurado ang future ko at nang anak ko in the future, teka, bakit ba natin to pinaguusapan? Bakit? Gusto mo ba akong buntisin?"

Ang nakangiting tanong sa akin ni Kimberly

Hinde ako nakasagot sa tinanong niya, ngumite lang siya matapos ay tumalikod

"Matulog na tayo, gisingin mo ako nang 9 mamaya ha? May pasok pa ako eh"

Muli siyang harap sandali at hinalikan ako sa labi bago tumalikod at umayos upang matulog na. Hinde ko alam kung ano ba ang nararamdaman kong bigat sa loob sa aking dibdib, ito ba ay ang katotohanang hinde ako isa sa mga nais ni Kimberly na maging ama nang dadalhin niyang supling sa hinaharap, o ang katotohanang, tama lahat nang sinabi niya tungkol sa akin na hinde pa ako handa sa mga responsibilidad na maari kong harapin kung sakali nga na mabuntis siya, isang bagay din na maaring iniisip noon n ang pamilya ni Charice, Dahan dahan kong inalis ang aking braso at pinalitan nang unan ang hinihigaan ni Kimberly na noon ay mahimbing nang natutulog, Dahan dahan akong tumayo at kinuha ang yosing noon ay n akapatong malapit sa may bintana nang aking bahay at nagsindi nang isang yosi, matapos ay tumingala ako sa kalangitan at natanaw ang buwan na noon ay nasa ibang direksyon na, magaals kwatro na pala nang umaga noon, but still, the moon shines bright, napangite ako noon at napasabi nang

"Salamat"

At matapos ay tinapon ko na ang upos nang aking sigarilyo at dahan dahang humiga sa tabi ni Kimberly at dahan dahan siyang niyakap.

"El Nunal... El Nunal"

Isang malambing na boses ang gumising sa akin, dahan dahan kong minulat ang aking mata at nakita ko nang nakabihis na si Kimberly noon at nakaupo sa tabi ko

"A-anong oras na ba?"

"Eight pa lang, alis na ako, pahinga ka pa''

"Ang aga mo naman, may pupuntahan ka ba?"

Hinde siya nakakkibo noon, alam ko na ang kasagutan sa aking tanong sa kanyang pagtahimik at ngumite na lamang

"Sige na, alis ka na, baka malate ka pa sa pakikipagkita mo"

"Ell... baka nag—"

"Sige na po, alis ka na, ok lang ako"

Ang nakangiteng sabi ko sa kanya. Hinalikan niya ako sa pisnge noon bago siya lumabas nang bahay, mayamaya pa ay nagulat ako nang bumalik siya at muli akong hinalikan sa labi

"May pahabol pa talaga"

Ang natatawang sabi ko sa kanya

"Geh alis na ako"

Ang nakangiteng sabi niya sa akin at tuluyan na siyang lumisan nang bahay. Nakaramdam ako nang bigat sa aking dibdib, subalit pinilit ko itong labanan dahil alam ko naman mali itong aking ginagawa and still I'm continuing it kaya dapat magtiis ako at magdusa sa ano mang mga bagay na mangyayari at masasakit na bagay na aking mararamdaman. Pinilit ko na lamang muling matulog upang mawala ang bigat sa dibdib na aking nararamdaman, ngunit bago pa man ako makatulog ay may biglang pumasok nang pintuan nang aking bahay

"Huy! Gising!"

Ang wika niya sa akin sabay dagan sa akin.

"Anong ginagawa mo dito?!"

Ang medyo iritado kong tanong sa kanya.

Masaya Book 5 By El NunalWhere stories live. Discover now