Part 9
"EL Nunal!"
At bigla akong natumba nang bigla na lang sumampa sa akin si Pauline mula sa aking likod, hinde ko inasahan na sasakay siya mula sa likod ko at nabuwal kaming dawala at tawa nang tawa noon ang magandang babaeng nakita ko at si Fae, nagulat at natatawa din sa akin si Nikko, sa laking bulas kong kasing iyon ay nabuwal ako, hinde ko naman kasi talaga napaghandaan ang gagawin ni Pauline.
"Bwiset ka talagang baboy ka!"
Ang sabi ko sa kanya habang natatawa at nagpapagpag nang sarili
"Lol! Nagsalita ang payat"
Medyo natawa ako, medyo may katabaan na din kasi ako, pero hinde naman ako kaisng taba ni Pauline nang mga sandaling iyon
"Bute at dumating na kayong dalawa"
Ang sabi ni Fae sa amin, nakita ko na umirap si Pauline, hinde ko talaga alam kung bakit parang iritado na siya sa dating pinagmamalaking kaibigan,natawa lang ako noon, at nagtungo na kami sa bahay nila Pauline
"Ate, yung hinihiram ko?!"
Ang sabi nang magandang babae na iyon
"Oi siya nga pala El Nunal, si Reah nga pala, pinsan ko"
"Hi El Nunal!"
Ang sabi niya sa akin, maganda si Reah, kahit na may kaliitan, siguro mga 4'5 o flat 4, maputi, makinis, bilugan ang mata, may pagkachubby pero hinde naman panget tignan sa kanya, sa totoo nga nyan ang cute niya. Nang kamayan ko siya ay humanga ako sa lambot nang kamay niya, napansin ni Pauline ang medyo may katagalan kong paghawak sa kamay nang kanyang pinsan
"Hoy! Baka namn maputol naman yang kamay nang pinsan ko aba!"
Natawa lang kami ni Reah noon at binitawan ko na ang kanyang kamay, at natawa ito nang inamoy ko ang kamay na pinangkamay ko sa kanya
"Naku Reah pagpasensyahan mo na yang Mamen ko at lakas tama lang din yan tulad ko"
Natawa lang ako noon sa sinabi ni Pauline, si Reah naman ay nakangite lang din noon sa akin, matapos ay may binigay na kung ano si Pauline at umalis na ito, mayamaya pa ay dumating na si Mcoy at sinundo si Fae
"Oi, El Nunal, Pauline, alis na muna ako ha?"
"Ingat kayo ha?"
Ang sabi ni Pauline at umalis na sila, ako naman ay umupo na sa sofa nang bahay nila at si Nikko naman ay nakatayo katabi ni Pauline.
"Pauline, anong problema mo kay Fae? Bat parang bad trip ka ata doon? Bespren eh?!"
Ang sabi ko nang pabiro kay Paline
"Kung mangaasar ka pa nga umalis ka na lang"
Ang sabi nito sa akin at natawa ako, ganun kasi siya kapag medyo asar at ayaw pagusapan ang isang bagay, mukhang hinde nga ako nagkamali nang hinala, something fishy is going on between her and Fae.
"Bakit pa kasi bumalik yun, nakakaasar"
Ang sabi ni Pauline habang kakamot kamot, hinde na ako nagtanong sa kanya, nagkatinginan lang kami ni Nikko at nanahimik. Kumain lang kami nang mga sandaling iyon, matapos ay lumbas na muna ako para magsigarilyo, at sa labas nang bahay ay muli kong nakita si Reah
"Ay nagyoyosi ka pala?"
Medyo nakaramdam ako nang hiya noong una pero nagulat ako nang sabihin niyang
"Penge nga, black yan di ba?"
Natawa lang ako sa kanya, at nang bibigyan ko na siya ay panay ang linga niya, nagtataka naman ako noong una, pero nagets ko na agad na tulad siguro ni Pauline, hinde siya legal na magsigarilyo sa kanila, sa totoo lang, natatawa ako dahil ako lang ata sa compound nila ang matigas ang mukhang nagsisigarilyo doon, lahat sila ay patago, iniisip ko kasi, wala naman akong dapat itago, ganito ako, at kung ano ako, pinapakita ko, isang dahilan siguro kung bakit natuwa din sa akin ang mama ni Pauline.
"Wag na pala, baka mahuli ako, salamat na lang, geh, alis na muna ako"
At naglakad na siya palayo, ako naman ay huhithit lang nang sigarilyo habang pinagmamasdan siya at nagulat ako nang bigla na lang akong kalabitin ni Nikko
"Huy! Child abuse ka!"
Natawa lang ako sa sinabi niya, nakita niya siguro kung paano ko tignan si Reah habang naglalakad palayo
"Bakit? Anong meron?"
Ang natatawang tanong ko sa kanya
"Gago, bata pa yun, katorse pa lang yun eh!"
At natawa ako bigla at napailing, hinde ko inakala na bata pa pala ang babaeng yun sa kabila nang almost fully developed na niyang katawan
"Walangya ka sa pagkakatitig ah, nga pala punta muna tayo sa tambayan"
"Bakit?"
"Doon muna tayo, maglilinis pa daw muna si Pauline eh, sunod na lang daw siya"
"Tambayan? Uwi kaya muna tayo sa inyo?"
"Sabagay, sandali, sabihin ko muna kay Pauline"
Muli siyang pumasok nang bahay at sinundan ko siya at saktong paglingon ko ay nakita ko sila na naghalikan, nanibago ako dahil noon, ang madalas kong makita na ganoon ang ginagawan ni Pauline ay si JanJan, at somehow, may naramdaman din akong hinde maintindihang kurot sa puso ko, hinde ko alam kung ano yun, basta, para bang may kung ano na lang akong naramdaman sa nakita ko, at napatalikod ako at nagsindi ulet nang yosi
"Huy! Nagyoyosi ka na naman, kakatapos mo lang ah?"
Bati sa akin ni Nikko na noon pala ay nasa likod ko na
"Oh, ano tara na?"
"Sasakay ba tayo o maglalakad?"
"Ikaw, ano ba trip mo?"
"Maglakad"
"Tara lakad tayo"
Ang sabi ko sa kanya at natuwa siya
"Aba, di nga, ok lang sa iyo?"
"Oo naman bakit?"
"Wala akala ko ayaw mo eh"
"Tara"
At nagsimula na kaming maglakad. Ang layo nang bahay nila Nikko mula kina Pauline ay 20 minutes kung sasakay ka nang tricycle, pero kung lalakarin mo ito, halos kwarenta minutos mo ito lalakarin. Habang naglalakad kami, tahimik lamang ako na nakatingin sa daan habang nagsisigarilyo, nang biglang magkwento sa akin si Nikko
"Tol, nga pala, kilala mo ba si Mila?"
"Yung kaibigan mong nerd?"
"Oo, may gusto daw sa akin"
"Oh, astiiiig! Ayaw pa?"
"Eh kasi... di ko kaya eh"
"Anong di mo kaya eh aadigin mo lang naman di ba?"
"Tungak! Kaibigan ko na yun, ikaw ba kung magpapaadig sayo si Mike aadigin mo?
(adig/aadigin = kantot/kakantutin)
"Pakyu!"
At nagkatawanan kami, pero gets ko naman ang metaphor na sinasabi niya sa akin, nang mga sandaling iyon nagulat ako nang magopen siya nang isang topic
"Tol, ano kaya kung ipagrenta ko nang bahay si Fae?"
Nagulat ako at napatingin sa kanya
"Ha?! Bakit?"
"Pinapaalis na daw siya ng Mama ni Pauline, eh alam mo naman yung matanda hinde makapagsalita nang ganun di ba?"
Napaisip ako bigla, alam ko na dagdag palamunin nga si Fae sa bahay ni Pauline pero hinde magsasalita nang ganoon ang matanda, at naisip ko na si Pauline lang ang may sabi noon, napailing ako at natawa
"Oh bakit?"
"Adik ka, sa tingin mo pag ginawa mo yan, anong iisipin nung isa?"
"Ni Pauline?"
"Hinde ni Mila?! Adik to, hayaan mo si Mcoy ang gumawa nang paraan, hayaan mo sila, mamaya kung ano pang mangyare diyan eh"
"Sabagay, eh ikaw nga pala, wala ka ata chicks ngayon?"
"Wala na eh"
"Ah meron ba nung una?"
"Oo, kaso wala na muna ngayon, stop na muna"
"Ikaw pa mawawalan? Utuin mo ako gago"
"Wala nga, may nakita ka bang mga tumatawag o nagtetext sa akin? Ni hinde nga tumutu-"
At sakto namang tumunog ang cellphone ko, nagulat ako nang marinig ko kung sino ito, si Kimberly
"El Nunal... nasaan ka?"
"Naglalakad papuntang Gupiing bakit?"
"W-wala naman, may gagawin ka ba bukas?"
"Meron eh, bakit?"
"Magpapasama sana ako sandali... ok lang ba?"
"Saan ba? Wala ka bang pwedeng tawagan na iba?"
Sakto namang nalobat ang cellphone ko at natawa si Nikko
"Chicks yun no?"
Isang ngite lang ang naisagot ko sa kanya
"Walanghiya ikaw na tumatangi!"
Natawa lang din ako, dahil sa totoo lang, gusto ko sanang pumayag, isa pa, hinde ko ba alam kung bakit ko nasabing may gagawin ako bukas, siguro ay defense mechanism na nang aking katawan iyon, pero puso ko naman eh nagmamalfunction at tila ba gusto pa ata ulet saktan ang sarili. Nagkakwentuhan kami ni Nikko tungkol sa buhay niya sa barko, at nabanggit niya sa akin ang pagkamatay nang Papa niya, halos yun nga lang ang pinagusapan namin, at nasabi niya sa akin na masama talaga ang loob niya sa kanyang sarili, para kasing hinintay lang siya nang kanyang Papa na sumakay nang barko bago bawian nang buhay, two days matapos niyang sumakay nang barko. Nakita ko ang lungkot sa mga mata niya nang mga sandaling iyon, subalit hinde ko naman alam kung ano ang gagawin, hinde kasi katulad nang tatay ni Nikko ang tatay ko, at nang mga sandaling iyon, galit ako sa sarili kong ama, kaya nga hanggat maari ay ayaw kong pagusapan ang mga bagay bagay na may kinalaman sa ama, kaya lang, yun ang kailangan ni Nikko, isang taong masasandayan at makikinig sa kanya sa hinaing at sama nang loob niya sa nangyare, nagulat ako na sa tagal pala nang pagtratrabaho niya sa barko, ay malungkot siya dahil sa nangyare sa kanyang ama at si Pauline lang ang tanging nakapagpasaya sa kanya, at kahit papaano ay natuwa naman ako, hanga talaga ako kay Pauline, magaling talaga siya magpagaan nang loob nang tao. Kinuwento din sa akin ni Nikko kung paano sila nagkakilala ni Pauline, thru FB, at doon niya niligawan si Pauline, sakto naman na noon ay bigla kong naalala ang isang bagay na sinabi ni Lyn at Pauline, na may pinagtritripan daw sila na isang lalake, at sinagot daw ni Pauline, napakamot ako bigla sa ulo, nalintikan na, mukhang di ata seryoso ang kaibigan kong iyon kay Nikko, pero nakita ko naman kung paano itrato ni Pauline si Nikko, mas malambing nga siya dito kesa kay JanJan, pero, nagaalangan na ako sa ginagawa ni Pauline, natahimik ako at napaisip at napansin iyon ni Nikko
"Huy, seryoso ka dyan?"
"w-wala, wala to"
Hinde ko masabi kay Nikko ang behind the story nang pagsagot sa kanya ni Pauline, maari din naman kasing tulad ito nang nangyari kina JanJan at Pauline, nagsimula sa trip hanggang sa naging seryoso. Ayaw kong makielam sa kung ano man ang mangyayare sa kanila, isa pa, nakikita ko naman na masaya si Nikko, pero sa isip ko, tinatanong ko ang aking sarili kung dapat ba akong manahimik at hayaan na lang na enjoyin ito ni Nikko o tapusin na agad ang ang relasyong nagsimula lang sa kalokohan, nakakainis yung ganoong pakiramdam, yung tipong hinde mo alam kung ano ang gagawin mo kasi sa pananaw mo, parehas lang na tama. Pagdating namin sa bahay ay nagulat ako nang makita ko na may tindahan na sila sa labas nang bahay nila, at ang dating barong barong na bahay nila ay napagawa na ni Nikko, iba talaga ang kita nang seaman, nagulat din ako dahil pagpasok ko sa loob nang bahay nila ay napakadami nang bagong gamit nila Nikko, may computer at laptop pa at mamahaling stereo set, at electric guitar na matagal na niyang sinasabi sa aking bibilhin niya noong nasa highschool pa kami, at sa mga nakita kong achievements niya, nainget ako, at bumilib sa kanya.
"Astig ah, sana nakapagipon din ako nang ganyan noong nakaraan, kung hinde lang talaga ako naiwanan nang utang na malaki nung asawa nang ate ako eh"
"Ok lang yan tol, nabayaran mo naman hinde ba? Pero sana kasi talaga, sumama ka na sa akin nung nagsisimula pa lang ako, sana naisama kita sa tinatamasa ko ngayon"
Napangite lang ako sa sinabi ni Nikko, pero sa totoo lang, nakaramdam din ako nang panghihinayang, naalala ko kasi, noong nagsisimula pa lamang siya ay panay na ang aya niya sa akin na sumama ako sa
kanya sa barko, kaya lamang ay hinde ko pa ninais na sumakay sa barko dahil noong mga panahon na yun, wala pa ako sa wisyo na magaral o magtrabaho, pangalawa, malaki talaga ang takot ko sa dagat kapag nasa gitna na nang tubig, pangatlo, nawala lalo ang interes ko nang makita ko siyang umuwi noon nang biglaan dahil sa "Hazing" na nangyare sa kanya, halos parang lantang gulay siya noong bumalik sa amin, at nabalitaan pa na ang isa sa mga kasama niya ay namatay sa naturang "hazing" na nangyare sa kanya, pero totoo talaga na bawat hirap na pinagdadaanan mo, may sarap naman na katumbas ito, at isa si Nikko sa mga patotoo na iyon.
"Oh bute at nadalaw ka na dito El Nunal, nakwento na kita kay Nikko na tumulong dito sa bahay"
"Oo nga pala dude, salamat nga pala sa pagtulong sa libing ni Papa ha?"
Napangite lang ako, late 2008 nang November kasi bago ako magsimula magtrabaho noong mamatay ang tatay ni Nikko at kasasakay lang ni Niko sa barko, almost 2 years din siya bago nakabalik dito sa Pinas, pero hinde pa siya tapos dahil OJT lamang pala ang ginawa niyang pagsakay, at sa October daw ay muli siyang sasakay, tatlong buwan mula ngayon, kaya nagpapakasaya na muna siya. Pinaghain kami nang pagkain nang Mama ni Nikko, sabay dating nang kapatid niyang si Miko at nagulat ako dahil malaki na ito, hinde na yung iyaking uhugin na batang madalas kong pagtripan nung highschool
"Oi san ka naman galing?"
Ang sabi ni Nikko, nakakatuwa dahil parang padre de pamilya na si Nikko kung kumilos sa loob nang bahay nila, tumutulong na din sa Mama niya sa gawain, at panay ang pagalit sa kapatid, nakaupo lang ako at pinagmamasdan si Nikko, at isip ko, tinanong ko ang aking sarili,
"Ito ba ang taong dapat makaranas nang pangtritrip nang isang babaeng walang magawa?"
Napailing naman ako at kinontra ang aking sariling tanong
"Pero pwede din naman seryoso na si Pauline sa kanya at ako lang ang nagiisip nang hinde kagandahan, baka makasira pa ako"
At nang mga sandaling iyon, bigla akong tinanong nang Mama ni Nikko
"Kilala mo ba yung GF nitong anak ko, naku, ayaw ko talaga sa babaeng yun!"
"Mama!"
Ang natatwang naasar na sabi ni Nikko na para bang sinasaway ito
"Kilala mo daw yun sabi nuung may ari nung binilhan namin nang computer ni Miko eh, yung sa Tambayan"
At nagulat ako dahil kilala pala ng nanay ni Nikko ang may ari nang tambayan namin
"Kamag anak ko daw yun eh"
Sabi ni Nikko na lalo ko pang kinagulat
"Pero ewan ko ba, binentahan si Mama nang tagpi tagping CPU"
Ang naiinis na sabi ni Nikko
"Eh paano yang kapatid mo atat na atat bumili nang CPU sabi ko nga tanungin si El Nunal o kaya ikaw kasi alam ko marunong kayo sa computer, eh wala, matigas ang mukha ayan, sira na naman"
Natawa lang ako nang ipakita sa akin ni Nikko ang laman nang CPU at halatang scrap nga lang ang ginawa ng may ari nang tambayan namin, yung mga lumang parts na pwede pang gumana sa cpu, pinagtagpi tagpi lang, maging ang casing nga ng CPU ay hinde din angkop sa laman nito, at yung internet connection na nirequest nila ay wala pa din pero nagbayad na sila, kaya naman napailing lang ako at natawa,basta talaga pera, minsan, walang kamakamaganak. Medyo nakaramdam ako nang disappointment sa may ari nang tinatambayan namin, hinde ko kasi inakala na ganoong klaseng tao siya, pero, siguro ganoon talaga, may kanya kanya naman kasi tayong baho, ang tanong eh kelan ito aalingasaw at maamoy nang iba. Nakicharge na ako nang cellphone kina Nikko, may charger kasi siya nang cellphone ko, natatawa din ako sa cellphone niya na nasa relo, uso daw yun sa pinuntahan niya, at madami pa siyang kinuwento sa pakikipagsapalaran niya sa Zambales
"Minsan, pumunta tayo doon El Nunal, pagbalik ko pagsakay ko, tayo nila Pauline at Lyn at Mike"
"Ok lang, magkano ba kailangan na pamasahe"
"Maghanda ka lang nang 900 balikan na yun ako na bahala sa pagkain"
"Ahh... sige kelan ba?"
"Tska na, may mga babayaran pa kaming utang at aaskasuhin na mga papeles, itong si Mama din kasi pasaway eh, kung ano ano pinagbibili sa padala ko"
Natawa ako sa iniisip ni Nikko, marahil ay ganito din ang iniisip ni Mama sa tuwing magpapadala siya, at n apaisip ako, ano na nga ba ang napundar ko sa padal nang nanay ko, isang bagay na hinde ko napapansin noon, medyo nakunsensya ako, pero pilit kong siniksik sa isip ko na bakit ako, kung yung mga nauna na dapat gumawa noon, ang ate at kuya ang dapat nagipon sa mga padala ni Mama, hinde na naman kasi kalakihan ang pinapadala nang Mama ko, 10k to 11k lang ang napapadala niya sa akin, nagbabayad ako nang utang nang ate ko na naiwan pa niya, kaya sa tuwing magpapadala si Mama ay may tabas na agad na limang libo doon, huling 35k na lang naman kasi ang utang namin, si ate naman ay nagpapadala nang 3-4k lang, minsan eh panginom o panggala ko lang yun, at nang inisip ko ito nang mabuti, natawa na lang ako, napakawaldas ko pala sa pera, pero masaya naman ako sa aking ginagawa kaya naman hinde na ako nagiisip nang kung ano ano pa.
"Inom ba tayo?"
Tanong ni Nikko sa akin
"Ha? Trip mo ba?"
"Tara punta tayo sa Tambayan, doon pupunta si Pauline eh"
"Sige , sige"
At nagpaalam na muna kami noon sa Mama niya, mayamaya pa ay nagulat kami nang nanakbo papunta sa amin ang kapatid niya
"Kuya, cellphone ni El Nunal naiwan"
Natawa lang ako dahil nawala sa isip ko na nakicharge nga pala ako nang cellphone kina Nikko. Matapos ay agad na kaming sumakay nang tricycle, nagtaka ako dahil akala ko ay maglalakad kami
"Oh, bat sumakay ata tayo?"
"Para hinde tayo pagod na dumating doon at makapaginom nang madami"
"Wow papainom ka?"
"Oo, teka nga pala"
Nagulat ako nang iabot sa akin ni Nikko ang isang libo
"Oh para saan to?"
"Bayad ko sa hiniram ko kanina, wag mo na suklian"
"Weh?"
"Ayaw mo?"
"Gusto ahahahaha salamat"
Natawa ako dahil hinde ko inakala na yung pinahiram ko eh triple ang tubo, hinde pa tapos ang araw eh nabayaran na ako. Ilang minuto pa ay dumating na kami sa tambayan at nagulat ako nang makita ko na nandoon si Fae kasama si Mcoy, si Lyn at Pauline. Nang makita nila kami ni Nikko ay agad na silang hinainan nang may ari nang alak, mukhang inaasahan pala nila ang pagdating ni Nikko. Nagsidatingan na din ang ibang tropa, maliban lang kay JanJan, hinde na din kasi siya sumasama sa tropa, ang tanging binigay lang niya na dahilan sa akin,
"ayaw ko ngang maginom, puro naman kasi kayo inom nang wala namang napapala, magHOHON na lang ako"
Hinde ko alam kung bakit parang may guilt feeling akong nararamdaman, alam ko kasi na habang nagkakasiyahan kami ay meron isang kaibigan na nagluluksa, nasasaktan, at para bang hinde ko talaga magawang maging masaya nang mga sitwasyon na yun, I was looking to them, observing kung meron ba kahit isa sa kanila na magmemention kung nasaan si JanJan, kung ok lang ba siya, pero, wala, lahat sila abala para magsaya, hinde ko din naman kung bakit pero mas minabuti ko na lang na alisin ang iniisip kong pagaalala at nakipagsaya na lamang din sa kanila. Bumukod kami nang upuan, si Mcoy si Fae at si Pauline ay nasa kabilang table samantalang kami naman kasama si Lyn ay sakabilang table na malapit sa entrada nang tambayan.
"Nga pala, ano yung sinasabi sa akin ni Pauline na gagawin ni Nikko?"
Ang tanong ni Lyn sa akin
"anong gagawin?"
"Yung maguupa daw nang bahay para doon sa isa"
Sabay ginalaw ang mata patungo sa direksyon nang inuupuan nila Nikko, Pauline, Fae at Mcoy
"Ahh, yun ba, ewan ko dun, sinabihan ko na wag na ituloy at baka kung anong isipin ni Pauline eh"
"Yun na nga ang iniisip, type ba ni Nikko si Fae?"
"Ewan ko"
Napansin ko na lasing na si Lyn, medyo madami na kasi kaming naiinom, si Mike naman ay tahimik lang na nakikinig
"Ikaw di na ako magtataka sa iyo, malibog ka eh, pero si Nikko sabihan mo ha, may ugali yang isang yan"
"Ha?"
"Ewan ko, basta"
Napansin ko na tila asar din si Lyn kay Fae, hinde ko alam kung ano ang pinaguugatan nang mga asar nila sa babaeng yun, o marahil, eh sadyang may paghanga lang talaga ako kay Fae kaya naman di ko napapansin ang mga sinasabi nila, pero wala naman talaga ako mapansin, ang kinaasaran ko lang naman kay Fae ay yung shota niyang si Mcoy. Sumisimpleng tingin pa nga ako noon sa kanya at natatawa ako dahil every time na tumitingin ako ay nahuhuli ako ni Fae at natatawa lang ako, alam ko na alam niya na panay ang sulyap ko sa kanya, pero anong magagawa ko, ang ganda niya talaga eh, natawa din ako na hinde lang pala si Fae ang nakakahuli sa akin, maging si Lyn din pala, at bigla akong binatukan nito
"Loko ka talaga, may shota na yun huy, nasaan ba yung babae mo sa bahay?"
"Babae?"
"Weh?!"
Ang sabi bigla nila at nagkatawanan kami, at dahil sa nabangit nila iyon, binuksan ko ang cellphone ko na chinarge ko noon kina Nikko, hinde ko pala iyon nabuksan simula nang isauli sa akin ito ni Miko. Pagbukas ko ay sunod sunod ang mensaheng natangap ko, at lahat ay galing sa isang numerong hinde naman rehistrado sa cellphone ko, natawa si Mike at si James nang marinig na nagiingay ang cellphone ko
"Wow, dami text, ikaw na talaga"
Ang sabi ni Mike habang nakayakap sa kanya si Lyn, naalala ko tuloy ang sinabi ng mama ni Nikko, kaya ayaw niya kay Pauline dahil nakita na niya minsan na may kayapos at nakalingkis na parang ahas si Pauline sa isang lalake, iniisip ko na malamang ay nang madalaw nga ang nanay ni Nikko dito sa tambayan namin ay nakita niya si Pauline at JanJan, grabe naman kasi talaga sila sa PDA lalo na paglasing na si Pauline, napalingon ako kina Pauline at nagtaka ako dahil holding hands lang sila habang nakadantay ang ulo ni Pauline sa balikat ni Nikko, hinde ko ba alam kung matutuwa ako o hinde sa aking nasaksihan, marahil nga ay nagbago na si Pauline, matapos kong lingunin ang dalawa ay tinuon ko naman ang pansin ko sa aking cellphone
0919*******: El Nunal, wer ka?
0921*******: Hey! Musta ka na?
0919*******: Saan ka? Reply pls
0919*******: punta ako sa bahay nyo, ok lang? Otw na ako
0919*******: bat patay cp mo, tumatawag ako san ka na ba?
0921*******: huy! Mamansin aba!
0921*******: Gagsti! Rika to! Asan ka? Parang haunted house bahay nyo ah? Reps reps din pag may
time
0921*******: hoy nunal! Titirisin ko yan kapag nakita kita! Hahaha asan ka ba? May inum daw!
0919*******: san ka po? Reply ka po oh... or tawag ha?
Inisip ko kung sino ba ang nagmamayari nang numerong ito
"Sino smart sa inyo?"
Ang tanong ko noon sa kanila
"Ako may load"
Ang sabi ni Mike
"Smart ba?"
"Globe"
"Gagi mahal pag Globe to Smart"
"Maeexpire na naman to eh, sige na pakinabangan mo na, sino ba tatawagan mo?"
"Di ko nga alam eh, oh, dial mo"
Inabot ko kay Mike ang cellphone ko at dinial niya ito
"Oh, sumagot oh, taena chicks na naman!"
Ang pangaasar sa akin ni Mike, natawa lang ako, pero hinde ko alam kung sino iyon, mayamaya pa ay sinagot ko na ito at nagulat ako nang marinig ang isang pamilyar na boses
"Oh! Paano mo nakuha number ko?"
Lumayo muna ako noon sa kanila dala ang cellphone ni Mike at nakipagusap muna kay Reggie
"Oh, napatawag ka?"
"Punta kami ni Kimberly sa bahay mo!"
"Kasama mo ba?"
"Oo, kausapin mo ba?"
"Ano... kasi..."
Hinde pa ako nakakasagot sa kanyang tanong ay narinig ko na lamang ang malambing na boses ni Kimberly
"Oi... kumusta ka na? Eto na ba bago mong number?"
"O-ok lang... ikaw... kamusta ka na? Hinde sa kaibigan ko to, nakitawag lang ako, wala kasi akong load pantawag sa smart eh "
"Eto miss ka na, shot tayo sa inyo, ok lang ba?"
"Meron kasi kaming inuman dito eh"
"Sige na, ito naman, minsan lang eh"
"S-sandali... magpapaalam lang ako sa kanila ha?"
"Uuwi ka ha? Nanditp na kami sa floodway ni Reggie"
"Sige sige, dala na lang ba kayong alak? Wala akong bala ngayon eh"
"Meron dala si Reggie, nasaan ka ba?"
"Sa tambayan namin, sige, punta na ako sa bahay ko, ingat kayo ha?"
At binaba ko na noon ang tawag, matapos
"oi guys, uwi muna ako"
Ang paalam ko sa kanila
"Ganyan ka naman eh, nangiiwan"
Ang sabi ni Lyn, natawa lang ako at nagpaalam na sa kanila at agad na nagtungo sa bahay. Pagdating ko ay agad akong nagligpit sa bahay, matapos ay tahimik lamang na naghintay sa kanila, magaals diyes na nang gabi nang dumating sila ni Reggie.
"Oi, El Nunal"
Ang bati sa akin ni Reggie, si Kimberly naman ay piningot lamang ang aking ilong. Naka uniporme pa si Kimberly na pencil cut na black at nakapaldang maikli, at napansin ko na nakastocking siya na light brown yung skin tone brown, nakastileto at nakapuson ang buhok, napansin ko din ang medyo mapula niyang labi dahil sa kapal nang lipsticks pero hinde naman ito panget tignan, umangat pa nga ang ganda niya lalo, at napansin ko na tila blooming siya nang araw na ion, hinde halatang kakauwi lang galing trabaho.
"El Nunal, pabanyo muna ha?"
Ang sabi ni Reggie, tinuro ko naman sa kanya ang banyo
"Kim, ano nga pala meron at na—"
Hinde ko naituloy ang sasabihin ko nang bigla na lamang sungaban ni Kim ang aking labi. Matapos ay ngumite siya sa akin at muling piningot ang ilong ko
"Namiss kitang damuho ka"
Hinde ko alam kung bakit ako nakaramdam nang tuwa sa ginawa at sinabi niya, marahil deep inside ay masaya din ako at nakita ko siya.
"Kumusta ka naman sa work? Musta ang first week"
Tanong ko sa kanya habang hinahanda ang baso at pitsel
"Ok naman, medyo nakakapagod lang, ang daming pinapatype pero ok naman kahit papaano, ikaw kumusta ka naman? Nanaba ka lalo ah?"
Ang bati niya sa akin sabay pisil sa bilbil nang tiyan ko
"Lasang alak ka pa"
Ang sabi niya sa akin medyo napangite lang ako.
"Anong lasang alak ang pinagsasabi mo?"
Singit ni Reggie
"Aba, ano ba ginawa mo at ang tagal mo sa banyo?"
"Umuhi malamang, tska jumebs na din kanina ko pa tinitiis yung jebs na yun eh"
Lumapit sa akin si Reggie at binatukan ako
"May lipstick ka pa sa labi"
Naapatingin ako sa salamin at napangite ako nang makita ko na meron nga akong lipstick mula sa labi ni Kimberly
"Tara, simulan na to, patulog kami dito ha?"
Ang sabi ni Reggie sa akin
"Ayus lang ba na ganito ang bahay ko?"
"Ito parang others ka naman, ok na to, di naman kami choosy ni Kimpot sa tutulugan eh"
Di ko maiwasang mapatingin kay Kimberly nang makita ko siyang nagaalis nang uniporme at naexpose sa aking mga mata ang makinis niyang balikat, naka tanktop lang siya na puti at di ko maiwasang mapatingin sa cleavage niya na siya namang nakita niya at napangite
"Same old same old"
Ang bigla niyang sabi at bigla akong binato nang hinubad niyang uniporme
"Pakisabit nga"
Napangite lang ako at pumasok sa kwarto at kumuha nang hanger upang isabit ang uniporme ni Kimberly. Paglabas ko ay naabutan ko na silang naka Indian sit, sa aking hinihhigaang foam at nasa sahig ang iinumin naming alak, Genoroso.
"Natikman mo na to Mole Man?"
Tanong ni Reggie sa akin habang nagpupuson nang buhok
"Hinde pa, masarap ba?"
"Sabi ni Kimpot masarap daw, ito daw ininum nila sa work place nila nung isang araw eh"
Napatingin lang ako kay Kimberly at ngumite
"Masarap yan promise, try nyo m una kasi, sapakin ko kayong dalawa eh"
Kinuha ni Kimberly ang alak, bahagyang lumundo ang bandang harapan nang suot niyang tank top at di ko sadyang nasilayan ang kanyang dibdib na may takip pa naman bra, at di ko maiwasan na mapangite at medyo maginit. Pagkakuha niya nang alak ay agad niya itong binuksan at nagsalin nang konte sa takip nito at pinatikim sa akin
"Oh, try mo muna"
Nang tikman ko ito ay hinde naman masama ang lasa, medyo matamis ito, na may bahagyang kapklaan, marahil ay hinde pa kasi ito malamig
"On the rocks tayo ha?"
Ang sabi ni Kimberly
"Mukha mo Rocks! Bahala kayong dalawa, magtutubig ako!"
Ang nakangusong sabi ni Reggie at kinuha ang pitchel na may lamang ice cubes
"Ikaw? Weak ka din ba?"
Nagulat ako nang tanungin ako nang ganoon ni Kimberly, alam ko na hinahamon ako ni Kimberly sa isang showdown at hinde ko naman siya inatrasan, at nagsimula na kami maginom. Kanya kanya kami nang tagay, at napansin ko noon na tila ba mataas lagi ang tagay ni Kimberly sa kanyang sarili
"Hoy, dahan dahan Kimpot, baka masobrahan"
Ang natatawang bati ni Reggie
"Ok lang ako noh, yung isa ang tanungin mo baka mahina"
Ang nakangising sagot ni Kimberly habang nakatingin sa akin, tama lang kasi ang taas nang alak na sinasalin ko sa aking baso, natatawa nga lang ako dahil nakakadami na si Kimberly samantalang ako eh nakaka limang baso pa lang.
"Ang daya kasi nito, ang baba, taasan mo!"
Ang sabi ni Kimberly at kinuha ang bote at sinalinan ang hawak kong baso, hinde ko alam kung lasing na si Kimberly, hinde ko pa naman kasi siya nakikitang malasing, nakainom oo, pero lasing, hinde pa, at mukhang masasaksihan ko na ata ito nang gabing iyon, hinde naman kasi ganito kakulit si Kim, tahimik lang siya kapag nagiinom kami. Panay din ang kwento niya sa amin ni Reggie tungkol sa mga kasamahan niya sa work, si Anim Guy daw na sa unang araw pa lang nang work eh napagalitan na, yung boss nila na makulet at maloko at mukhang pinopormahan pa siya, yung mga kasamahan din niya na nangungulet sa kanya na sumabay sa kanya sa pagkain, sa paguwi, inaaya siyang makipagdate, yung mayabang na kasamahan niya na panay pa din ang pangungulet sa kanya, subalit sa dami nang istoryang sinasabi niya, hinde manlang niya nababangit sa akin ang kasintahan niyang si Reno. Hinde rin nababangit ni Reggie ang bagay na iyon, iniisip ko naman na marahil ay walang alam si Reggie tungkol kay Reno. Hinde rin ako nagbabangit nang kahit ano tungkol sa binata, basta tumatawa at ngumingite lang ako. Matapos naming maubos ang tatlong bote nang Generoso ay kapwa na kaming hilo, una nang bumagsak si Reggie, samantalang si Kimberly ay tahimik na lamang na umiinom habang nakatulala at ako naman ay nagsisigarilyo sa may pintuan
"Anong meron at nadalaw ka nga pala dito?"
Ang tanong ko sa kanya
"W-wala naman, masama ka na ba dalawin ngayon?"
"Eh ang dinadalaw lang naman yung may sakit di ba?"
"Eh may sakit ka naman sa utak eh, ok na yun!"
At nagkatawanan kami, dahan dahan siyang tumayo at tumabi sa akin
"Pengi nga, nasaan ba yung yosi mo?"
"Sandali nasa bulsa ko eh"
"Ako na"
Nagulat ako nang bigla niyang ipasok sa bulsa nang aking shorts ang kanyang kamay, at alam ko na nasangi niya ang noon ay naninigas kong Manoy, medyo naiihi kasi ako noon kaya medyo hard siya, nagulat ako nang tila ba sinadya pa niya ulet na tabigin ito at natawa siya
"Ibang yosi pa ata nahawakan ko ah"
Ang nakangiteng sabi niya sa akin, napailing lang ako at humithit nag sigarilyo. Matapos ay nakisindi din siya sa akin at umupo sa may sahig sa tapat nang pintuan nang aking bahay
"Kumusta ka na? Ok ka lang ba?"
"Sakto lang"
"Namiss mo ba ako?"
Tinignan ko lang siya, at isang buntong hininga muna ang aking ginawa bago ko siya sagutin
"Medyo... halos isang linggo na din pala, at dalawang araw?"
"Ikaw din, namiss kita, hinahanap ka nga ni Romel eh"
"Nasaan na ba yung BF mo? Akala ko uuwi siya this week?"
"Nandito na siya... kaso hinde pa kami nagkikita kasi may inaasikaso pa siyang mga papeles"
"Bakit hinde siya ang pinuntahan mo?"
"Ayaw mo ba akong makita?"
Ang tanong niya sa akin, hinde ako makasagot, hinde ko alam ang isasagot sa kanya, nakatingin siya sa akin na parang nagpapaawa at ako naman eh tinablan at ngumite, matapos ay tinabihan ko siya at pininisil ang ilong
"Siyempre kahit papaano gusto kitang makita noh"
"Akala ko kasi ayaw mo na ako makita eh"
Ang naiiyak na sabi ni Kimberly, nagulat ako, ngayon ko lang siya nakita na parang bata na nagtatampo, I never saw this weak side of her, or maybe, just maybe, lasing na nga siya. Pagupo ko sa tabi niya ay bigla niyang idinantay ang ulo niya sa balikat ko
"May problema ka ba?"
Ang tanong ko sa kanya
"Di ko alam eh... siguro meron... ewan ko ba, ako din naman kasi may kasalanan nang problemang to eh"
Ang sagot niya sa akin, inabot niya ang aking kamay at hinawakan ito nang madiin
"Sorry talaga, kung pati ikaw nadamay pa sa kalokohan ko ha?"
Hinde ako sumagot, tinitignan ko lang siya, inoobserbahan, hinde ko pa kasi talaga alam kung lasing na ba siya, o naglalasing lasingan lang, pero dama ko naman na sincere siyang makipagusap, nagulat ako nang halikan niya ang aking kamay at ngumite pagkatapos
"May isa pa akong namiss sa iyo"
Ang sabi niya sa akin at kasunod nito ay isang mainit na halik mula sa kanyang malalambot na labi, noong una ay nageengage siya nang isang mainit na laplap subalit napansin niya siguro na kahit hinahalikan niya ako ay hinde ko ito sinasagot at nakapikit lamang na tinatangap ito kaya naman tumigil siya
"Ayaw mo ba?"
Hinawakan ko ang mukha niya at hinalikan siya sa noo
"Kim, stop this, you'll just end hurting yourself, the one you love, pati ako, masasaktan"
Nagulat ako nang may biglang tumapik sa likuran ko, si Reggie
"Ako nang bahala dyan, lasing na yang babae na yan"
"Reggs di pa kaya ako lasing"
Ang nakangiteng sabi ni Kim
"O siya hinde na kung hinde, halika na dito, maguusap lang kami ni El Nunal sandali"
"Ihh... mamaya na"
"Halika na nga dito kukurutin ko singit mo eh, halika"
At hinawakan ni Reggie ang bewan ni Kimberly at hinila papasok, natawa naman ako dahil mukhang lasing na nga si Kimberly. Hinayaan ko muna silang dalawa, mayroon kasi silang pinaguusapan at ayaw ko makinig, kaya naman lumabas na muna ako at nagyosi sa tapat nang bahay. Makalipas ang halos sampung minuto, sumilip na si Reggie at sinenyasan ako na lumapit. Pumasok na ako sa loob nang bahay upang magbanyo sandali at nakita ko na bulagta na si Kimberly, pero mukhang umiyak ito, pansin mo kasi ang pamumula nang ilong niya na halatang umiyak. Pagkatapos kong magbanyo ay muli akong nagtungo sa labas kung nasaan si Reggie at di ko inakala na nagsisigarilyo din pala siya
"Oh, nagyoyosi ka din pala"
"Oo naman, hinde lang ako nagyoyosi kina Cosme at babatukan ako nang isang yun, bisyo ko na din to noon pa eh"
"Mukhang umiyak si Kimberly ah?"
"Eh gago siya eh, ikaw din gago eh, parehas kayong gago na naggaguhan"
Ang natatawang sabi niya sa akin
"Umiyak kasi nalilito daw siya, mahal niya daw si Reno pero ikaw nag gusto niyang makasama, sabi ko nga sa kanya para siyang tanga eh"
Nagulat ako nang malaman ko na alam pala ito ni Reggie, hinde lang pala niya talaga inoopen yun sa kwentuhan kanina, marahil ay naisip niya na medyo awkward ang topic, and I guess that will ruin the moment na meron kanina, yung happy moments na muli kaming magkausap at magkasama ni Kimberly bilang magkaibigan.
"Matanong nga kitang hinayupak ka, ano ba nararamdaman mo kay Kimpot? Libog lang ba o mahal mo na?"
Natawa ako sa tanong ni Reggie pero somehow natuwa ako dahil stright to the point siya magtanong kaya naman isang solidong sagot ang nasabi ko sa kanya
"Libog lang siguro"
Bigla niya akong binatukan
"Bat may siguro? You mean, you feel something else bukod sa kalibugan?"
"Parang... hinde ko din kasi masabi eh"
"Broken ka ba sa past ex mo? Yung totoo?"
"Oo"
"Can you tell me just a brief story between you and your ex?"
At sinabi ko kay Reggie ang kwento ko kay Charice, and she was really surprised at natatawa sa nangyare sa akin
"And you mean to say, may anak pa ata kayo? Sure ka ba na sa iyo yun? Wag kang tanga, anyway, ang hard pala nang pinagdaanan mo sa isang yun ano?"
Tanging ngite lang ang naisagot ko kay Reggie
"I guess, parehas lang kayo na nangangailangan nang mga kakalinga sa isa't isa"
Ang sabi niya sa akin
"Bakit?"
"Gusto mo ba malaman ang istorya ni Kimberly?"
"Ok lang ba?"
"Nangangako ka ba na hinde mo to sasabihin sa kanya?"
"Oo naman, pangako"
Tinignan niya si Kimberly, sumilip din ako at nakita kong himbing na himbing sa pagkakatulog si Kimberly, muli kaming lumabas at nagsinde nang sigarilyo at sinimulan na niyang ilahad ang kwento ni Kimberly.
"Masayahing babae yang si Kimpot, at halos ata lahat nang naging BF nyan nakilala ko na, lahat nang klase mula sa gwapo, panget, ok lang, natatawa nga ako sa kanya kasi iba iba ang nagiging boyfriend niya, pero wala pa siyang pinakikilala sa kuya niya maliban kay Macky, yung una niyang bf na sineryoso niya, si Reno, yung sea man at ikaw, kaya nga nagulat ako nang malaman ko sa kanya na hinde pa pala sila hiwalay ni Reno, kasi, hinde ugali ni Kimpot na magtimer, oo, madami siyang naging BF pero lahat yun, break muna bago siya magkaroon, wala siyang sinasabay, di katulad ngayon sa inyo ni Reno, nalaman ko na ito palang tarantadong Reno eh nambabae sa barko kaya pala halos magpakamatay na ito sa kakainom noon, hanggang sa nagulat ako nang isang gabi masayang masaya na nagkwekwento sa isang lalake na crush nya daw noong grade 6 pa siya at boyfriend na niya, at ikaw nga yun, alam mo kasi, yang si Kimpot, hinde naman yan nagpapagalaw sa kung sino sino, kung tutuusin, tatlo pa lang ata kayo nakakagalaw kay Kimpot, yun ang sabi niya ha?"
Natatawa si Reggie noon at muli kaming nagsindi nang sigarilyo bago ituloy ang istorya
"So edi ayun nga, so tatlo pa lang kayong nakakajerjer sa kanya, dahil nga mahal kayo ni Kimpot, pero ewan ko, di naman niya sinasabi na mahal ka niya, pero di naman daw niya alam kung bakit ba, hinahanap hanap ka niya, alam mo ba, natawa ako sa kanya, kasi dapat talaga ang pupuntahan namin eh bahay ni Reno, kaso, nagulat ako nang sasakay na kami nang jeep, ang sinakyan niya eh papuntang Binanongan, at natawa ako dahil mas gusto ka daw niya makita kasi isang lingo ka na niyang hinde
nakakausap o nakikita, eh yung Reno eh halos isang taon nang wala, natawa nga ako sa kanya, sabi ko sa kanya sino ba ang mahal niya ikaw ba o si Reno, hinde niya na daw alam, dati si Reno, at gusto ka lang niya, ngayon, hinde niya daw alam"
Napangite ako sa sinabi ni Reggie
"Pero El Nunal, ikaw ba, talagang libog lang ba yang nararamdaman mo sa isang yun?"
"Mukhang di lang naman libog, siguro, siya lang din kasi talaga ang nakakatangal nang kalungkutan ko eh... medyo nalungkot nga ako nung nagdesisyon akong tapusin namin yung relasyon namin nung malaman ko na may BF pa siya"
"pwede mo ba akong gawan nang pabor? Para na din sa iyo to"
"Ano yun?"
Tinignan ako ni Reggie at seryosong sinabi sa aking
"Layuan mo na nang tuluyan si Kimberly, pwede?"
"Ha? Nilalayuan ko na naman siya di ba?"
"Kung nilalayuan mo na siya, hinde ka na pumayag pa na makipagkita sa kanya in the first place, hinde ba? Isa pa, maniwala ka, baka sa huli ikaw pa ang malugi, mabait kang lalake, nakita ko ang ginawa mo kanina"
"Ganun? Yun na ba ang basehan nang pagiging mabait?"
"Hinde pa naman ako nagkakamali nang instinct ko eh, isa pa ,kahit naman si Cosme sinabi na din sa akin yun, dahil kung hinde naman nabaitan sa iyo yung isang yun baka sinapak ka na nun, sinasabi ko to para hinde ka na masaktan, at hinde mo na din siya masaktan, like i said, naggaguhan lang kayo, kasi kung hinde mo ipaparamdam sa isang yan na nilalayuan mo na talaga siya, babalik at babalik yan sa iyo, pero kung trip mong masaktan ikaw bahala, kung masochista ka , anyway, yun lang naman, nasa sa iyo naman yan kung gusto mong mahirapan, di lang siya, pati sarili mo, siya, tulog na ako"
Matapos ay pumasok na siya nang loob nang bahay, ako naman ay naiwan sa labas, natahimik at natulala, di ko inaasahan na sasabihin ni Reggie iyon,bahagya akong nahilo noon at sumuka sandali bago pumasok nang bahay, nawala kahit papaano ang nararamdaman ko na pagkahilo at pagpasok ko nang bahay ay nakita ko siyang nakahiga na sa foam at mukhang natutulog na katabi ni Kimberly, tahimik naman akong humiga sa sofa malapit kay Kimberly.
Pinagmasdan ko ang mukha ni Kimberly, payapa at tahimik siyang natutulog, ang sarap niyang pagmasdang matulog, hinimas ko ang mukha niya at nagulat ako nang bigla siyang dumilat, hinde naman siya gumawa nang kahit anong ingay, at ngumite matapos ay piningot ang aking ilong matapos ay muling pumikit. Iniisip ko ang sinabi sa akin ni Reggie, siguro nga, tama si Reggie, ayaw kong layuan si Kimbely, pero, bakit nga ba? Dahil ba may nararamdaman na ako sa kanya? O dahil siya lang talaga ang babaeng pwedeng magtangal nang lumbay at lungkot ko? Isang malalim na buntong hininga ang aking ginawa, matapos ay tumulala sa kisame, mayamaya pa ay nagulat ako nang biglang umupo si Kimberly
"Oh, bat bumangon ka?"
Tanong ko sa kanya
"Nawala antok ko eh, ikaw hinde ka ba nahihilo? Tatag mo talagang loko ka"
"Nasuka na ako kanina eh kaya wala na hilo ko"
"Madaya, anong oras natulog tong isang to?"
"Kanikanina lang"
Hinawakan niya bigla ang baba ko at hinarap ang mukha ko sa kanya at bigla akong hinalikan, nang mga sandaling iyon, nakipagsagutan ako nang halik sa kanya, ilang minuto din naming ginawa iyon bago niya lisanin ang labi ko at dumantay sa balikat ko
"Ang sarap mo talagang humalik gago ka"
"Saan ka ba dapat pupunta, parang hinde naman talaga dito eh, noh?"
"Dapat kina Reno kami pupunta, yun talaga ang plano, nasabi ba sa iyo ni Reggie?"
"Hinde, naisip ko lang, kasi di ba, nandiyan na nga ang BF mo?"
"Oo... pero mas gusto kitang makita kesa sa kanya eh... ewan ko ba kung bakit"
"Kimberly ************, magisip ka nga"
Natawa siya nang bangitin ko ang buo niyang pangalan, kilala niya ako, kapag sinasabi ko na ang buong pangalan nang isang tao, alam niya kung hinde ak inis ay seryoso akong kausap, humarap siya sa akin at tila ba parang batang handang makinig
"Ano yun ***** **** ***?!"
Ang nakangiteng sabi niya akin
"Mahal mo ba yung Reno?"
"Ewan ko... hinde ko alam kung mahal ko pa ba yun"
"Kaya mo bang makipaghiwalay sa kanya?"
"H-hinde... hinde pa sa ngayon"
Napailing lang ako noon kay Kimberly
"Kim, alam mo, kung hinde mo alam ang sagot sa tinanong ko, hinde ko din alam kung saan pa tutungo ang ginagawa natin na to, gaguhan lang ba ang gusto mo na mangyare sa atin?"
Hinde siya sumagot
"Sa labas nga tayo magusap"
Tumayo siya at at ko naman ay dahan dahang tumayo at sumunod sa kanya sa labas at doon kami nagusap
"Hinde ka ba masaya na nagagamit mo ko?"
"Anong nagagamit?"
"Ulul! Alam mo ang ibig kong sabihin, sige, ganito, di ka ba nageenjoy na nakakantot mo ko?"
"Kimberly ano ba naman yang bunganga mo?"
"Totoo naman eh, bakit hinde ba?"
Hinde ako nakaimik sa sinabi niya, totoo naman kasi, nageenjoy ako na nakikipagsex sa kanya
"Kita mo natahimik ka, kasi totoo, pero hinde naman ako nagrereklamo di ba? Masaya din naman kasi ako sa kung anong meron tayo, at kung anong ginagawa natin, sige, magiging tapat ako sa iyo, hinde kita mahal, pero gusto kita, mahal ko si Reno, pero hinde ko alam kung mahal ko pa talaga siya, hinde ko din maintindihan kung ano bang nangyayare sa akin, pero alam ko, pag ikaw ang kasama ko masaya ako"
Hinde ko din magets ang sinabi ni Kimberly tanging ngite lamang ang nagawa ko, maging siya ay napangite lang sa kanyang sinabi
"Alam mo El Nunal, minsan hinde kailangan magkaroon nang sense ang isang bagay di ba? Sometimes things just do happen, meron ngang reason pero hinde mo mapinpoint kung ano, di ba?"
"Kim, if you will pay attention, baka mapinpoint mo kung ano man yang nangyayare sa iyo, Kim, whenever you say you I love you, anong nararamdaman mo that time?"
"Masaya"
"Kaya mo pala nasabi yun... don't confuse happiness with love... ngayon ba masasabi mo yung salitang yun sa akin nang buong puso?"
Hinde siya nakaimik napakamot siya sa ulo at pingot ako sa ilong
"Nakuuu!!! Ang dami mong alam!"
Tumayo siya at naginat
"Alam mo, enjoyin na lang natin kung anong meron tayo ngayon? Friends with benefit ayaw mo?"
"Ha?"
At natawa ako sa kanya
"Sigurado ka sa sinasabi mo Kimberly?"
"Mukha ba akong nagbibiro?"
"Kim, tingin mo ba magagawa ko yun sa iyo?"
"Ewan, nageenjoy ka naman na hinahalikan ako di ba?"
Napangite lang ako, kahit itangi ko sa sarili ko, naaliw ako sa tuwing hinahalikan niya ako, at nang mga sandaling iyon pa nga ay higit pa nga sa halik ang inaasam ko, pero, hinde ko alam kung bakit hinde ko magawang gawin o sabihin iyon sa kanya, marahil ay sadyang malakas lang ang udyok nang konsensya
ko, na nasa isip ko, hinde ko ito dapat gawin o ipagpatuloy pa, pero hinde ko maitatanging gusto ko talaga ang ideya na sinasabi niya, hinde ako kumibo noon, tumayo lang din ako at naginat
"Tulog na tayo"
"Tutulugan mo lang ako ganon?"
"Bukas na lang natin to paguspan ok lang?"
"Aalis na ako bukas, pupunta ako kina Reno"
"Ok"
"Magsesex din kami pag nakita kami, ok lang ba?"
Di ko alam kung bakit pero parang may inis akong naramdaman, pero hinde ko ito pinahalata sa kanya, at pumasok na lamang nang sa loob nang bahay at muling humiga sa sofa. Pagkalipas nang ilang minuto, sumunod na din si Kimberly at tahimik na humiga sa foam na nakalatag sa sahig at tumalikod sa akin. Hinde ko alam kung bakit may nararamdaman akong guilt, para bang gusto ko siyang pigilan sa gagawin niya bukas, pero tama ba kung pipigilan ko siya, boyfriend niya naman ang pupuntahan niya, may karapatan siya para puntahan yun, isa pa, ano naman kung magsex sila, natural yun, magkasintahan talaga sila, pero hinde ko alam kung bakit may bumabagabag sa akin, malakas na kabago sa dibdib, isang masikip na pakiramdam sa lalamunan, mahal ko na ba siya kaya ako nagkakaganito, hinde ako mapirme sa aking kinahihigaan, tumayo ako at nagtungo sa aking kwarto, sa aking gulat, nagulat ako nang maramdaman kong may sumunod sa akin, si Kimberly
"El Nunal..."
At hinde ko noon napigilan ang aking sarili na halikan siya, hinde ko alam kung tama ba ang ginagawa ko, pero wala naman siyang pagtutol na ginawa, bagkus ay nakipagpalitan pa siya sa akin nang halik, marahan, at dahan dahan ang aming paghahalikan, at dama ang kasabikan sa bawat isa, o ako lang ba ang sabik sa kanya, in that point, pinilit kong kalasin ang paghahalikan namin
"K-kimberly... can we just... sleep together... and do nothing just sleep... i just wanted to try something... ok lang ba?"
"W-what? Seriously?"
"Oo... ok lang ba?"
Nagulat ako when she giggled, at piningot niya ako sa ilong
"Hinde ko talaga alam kung anong nasa utak mong nunal ka, fine, nakadamit o nakahubo?"
Ang pabirong sabi niya sa akin, at napangite lang ako, at niyakap siya, at dahan dahang nahiga. Umunan siya sa aking balikat, at dahan dahang yumakap
"Good Mornight"
Ang sabi niya sa akin at hinalikan ako sa pisnge, matapos ay pumikit, at nang gabing iyon, tahamik lang kami na natulog na magkatabi sa kama.
